Chapter 18

1.1K 30 2
                                    

Aya's POV

Pagkaalis ni Aizen ng bahay ay hinanap ko yung babae kanina. May kutob akong siya ang mama niya pero ko mapigilan si Aizen na tabuyan yung babae kanina dahil ayaw ko naman masira ang relasyon namin at baka doon pa kami magaway.

Umiling ako.

Bakit ko ba iyon iniisip?

Mabuti na lang ay hindi pa lumalayo yung babae kanina kaya nagmamadali akong lumapit.

"Wait po." Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Yes? You must be Aizen's girlfriend."

"Hindi ko po masasabi kung girlfriend po ba talaga ni Aizen. But I want to talk with you, kung okay lang po."

"No problem." Mukhang mabait naman ang mama ni Aizen. Bakit niya iniwan ang pamilya niya? Kung hindi niya iniwan sila Aizen siguro masaya na kami ngayon.

Pumunta kami sa restaurant para doon magusap na dalawa.

"Sorry kung hindi pa po ako nagpapakilala sa inyo. Ako po si Aya Collins."

"I'm glad my son met someone like you, Aya."

"I don't know, ma'am. Wala naman po akong karapatang magalit sa inyo dahil sino ba naman ako." Bumuntong hininga na lang ako. "Nakipagrelasyon po ako sa step brother which is Aizen. Aizen is my step brother dahil kinasal ang parents namin. Mahirap sa amin ang ganitong set up pero hindi ko susuko."

"It's really hard to keep about your relationship." Tumingin ako sa kanya noong nagsalita siya.

"I really want to know about Aizen, ma'am. Yung panahong kasama niyo pa po siya before you left them."

"Mabait na bata noon si Aizen, masipag, palangiti pero nagbago ang lahat noong iniwanan ko sila ng ama niya. Hindi ko naman inaasahan na mabubuntis ako sa ibang lalaki. Hindi ko naman masabi kay Aizen dahil hindi naman niya maiintindihan kahit rin sa ama niya."

"May half brother po siya?"

"Yes, meron siyang half brother. Unlike Aizen, Bryce is a spoiled brat dahil kahit anong gusto niya ay makukuha niya." Napansin kong nanginginig ang mga kamay niya habang nakapatong sa table. "Ayaw ko naman balanh araw kung magkita man ang dalawa ay magaway. Simula rin kasing umalis ako ay naging mainit na ang ulo ni Aizen. Hindi ko rin naman masisi si Aizen, kahit ganoon ang anak kong iyon ay mahal na mahal ko siya. Sana kahit anong mangyari ay huwag mong iwan si Aizen."

"Mahal ko po si Aizen pero ayaw kong mangako."

"Mahalin mo siya, Aya."

Hindi na nga nagpaalam sa akin na aalis na pala yung mama ni Aizen. Kaya nagpasya na rin akong umuwi sa bahay.

"Saan ka galing?" Salubong sa akin ni Aizen.

"Diyan lang." Sabi ko sabay yakap sa kanya. I buried my face on his chest.

"May problema ba?" Tanong niya pero umiling ako.

"Pwede bang ganito muna tayo? Gusto ko lang yapakin ka."

"Sweet naman ng girlfriend ko." Tinugon na rin niya ako ng yakap.

Alam kong magagalit siya sa akin kung sasabihin kong nakipagkita ako sa mama niya kaya hindi ko na lang sasabihin kay Aizen. Alam kong walang perpekto sa isang relasyon.

Sorry, Aizen kung kailangan kong maglihim sayo. Ayaw ko kasing magalit ka sa akin.

Kinabukasan....

Bored.

Wala akong magawa ngayong bakasyon. Wala rin si Callie dahil magbakasyon siya kasama ang pamilya niya.

"Wifey, magbihis ka at magimpake dahil may pupuntahan tayo." Sabi ni Aizen. Saan naman kaya kami pupunta? Mukhang excited iyon ah!

Pumunta kami sa bus terminal. Ano naman ang ginagawa namin dito? Nakita kong bumibili ng ticket si Aizen.

"Let's go." Pag alok niya sa akin. Hindi ko na rin kasi inabalang tingnan yung harap ng bus kung saan papunta ito. Pagkaupo namin ay siyempre dito ako nakaupo sa tabi ng bintana.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Secret." I pouted. Ang daya naman ayaw niyang sabihin.

"Ang unfair mo!"

"Matulog ka na lang dahil mahaba haba ang biyahe natin."

"Ayaw ko!" Nakacross ako ng arms at tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

Noong umalis na yung bus ay nagtataka ako bakit ang tahimik na ni Aizen. Nilingon ko siya, kaya naman pala ang tahimik dahil tulog na.

Nagising na lang ako noong may yumuyugyog sa akin.

"Bakit ka ba nanggigising diyan?" Iritableng tanong ko.

"Because we're here."

Namulat ako agad para tingnan yung labas. Totoo ba ito? Hindi ba ito isang panaginip?! Gosh! Nandito kami ngayon sa Baguio!

Pagkababa namin ng bus ay hindi ako makaniwalang nandito kami ngayon sa Baguio.

"Ano ang ginagawa natin dito?"

"Bakasyon. Dahil wala rin naman ang mga magulang natin kaya tayong dalawa lang nandito."

Yeah, iniwanan na naman kami. Isang mabuting magulang sila sa amin.

"Don't worry, magkahiwalay naman tayo ng kamang matutulugan, eh."

"Puntahan na muna natin ang tutuluyan natin bago tayo lumibot."

Pumunta na kami sa isang apartelle pero sumimangot ako dahil napaisip ko kung saan nakakuha si Aizen ng pera.

"Zen, saan ka nakakuha ng pera para makapunta tayo dito?"

"Bago tayo iwan ng mga magulang natin ay binigyan ako ni dad ng pera. Ang sabi niya ako na lang bahala kung saan ko gagastusin. Kaya huwag ka magisip na ninakaw ko ang mga gagatusin natin dito." Kinurot niya ang pisngi ko kaya napapaaray ako.

"Mashaket!" Binitaw na rin niya ang pisngi ko kaya hinimas ko iyon. "Bakit mo ko kinurot?"

"Dahil nagiisip ka ng isang bagay na imposible kong gawin."

"Sorry. Nagtataka lang kasi ako kung saan ka nakakuha."

"Okay, forgiven."

"Pero ako, hindi pa rin kita pinapatawad!"

"Sorry." Hinalikan niya ang pisngi ko. "Masakit pa ba?"

Umiling ako.

"Halik ko lang pala ang mapapawala ng sakit ng pisngi mo. Tara na para makalibot na tayo."

Ang unang pinuntahan namin ni Aizen ay ang Mine's View. Grabe ang ganda talaga dito.

"Zen, kailan tayo babalik ng Manila?"

"3 days and 2 nights tayo dito. Kaya magenjoy na lang tayo dahil sa susunod na pasukan ay baka maging busy tayo lalo na't graduating ka." Hinawakan na niya ang kamay ko. Shocks! Mageenjoy talaga ako dito lalo na't si Aizen ang kasama ko.

Ang dami na namin pinuntahan pero nakakapagod rin kaya kumain kami sa isang kainan dito. Nakakagutom ang mga pagkain dito parang gusto kong orderin lahat. Pagkaserve ng inorder namin ay nagulat ako dahil hindi pala good for 2 persons ang serving nila dito. Ang serving pala nila ay para sa maramihan. Mabuti na lang onti ang inorder namin. Baka kasi hindi namin maubos, sayang lang.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa apartelle para magpahinga. Pinauna na ako ni Aizen maligo. Mabuti na lang hindi malamig ang tubig sa shower baka kasi hindi na ako makalabas ng banyo sa sobrang lamig at maging yelo ako.

STATUS: In A Relationship With My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon