It's almost my birthday pero wala akong plano sa birthday ko ngayong taon. Nagpasya na rin akong bumaba para kumain pero narinig ko ang boses ng parents namin at ni Aizen. Ano naman kaya ang pinaguusapan nila?
"Ano na ang plano mo ngayon lalo na't malapit ka ng grumaduate." Sabi ni dad.
"Next year pa ang graduation namin kaya huwag kayo excited na grumaduate ako."
"Gusto ko lang makita ka umakyat ulit ng stage, son."
"Hmph! Kung gusto niyo talaga malaman ano ang plano ko pagkagraduate ko ng high school. Ang gusto ko sa states ako magaaral ng medisina."
Napatakip ako ng bibig. Iiwanan rin pala ako ni Aizen. Sabagay gusto lang niya tuparin ang pangarap niya. Hindi ko siya pwedeng pigilan dahil susuportahan ko siya sa mga pangarap niya.
"Kailangan mong sabihin kay Aya dahil sa nakikita kong sobrang close na kayong dalawa." Sabi naman ni mama.
"I know. Sasabihin ko rin sa kanya kung makakuha ako ng pagkakataon na sabihin sa kanya. Ayaw ko namang umalis ng bansa na hindi niya alam."
Umalis na ako ng bahay kahit hindi pa kumakain. Saan ako ngayon pupunta? Ah, tama.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay nila Callie kaya tinawagan ko na siya.
"Aya, napatawag ka."
"Nandito ako ngayon sa labas ng bahay niyo."
"Huh? Teka, papasukin kita. Wait lang." Binaba na niya ang tawag kaya hinintay ko na lang si Callie buksan ang gate nila. Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil binuksan naman agad ni Callie ang gate. "Ano nangyari sayo? Bakit ka nandito?"
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagkatapos kong marinig ang pinagusapan ng parents namin at ni Aizen."
"Ano naman ang narinig mo?"
"Aalis ng bansa si Aizen para doon makapagaral ng medisina sa states."
"You have support him. At siguro naman may balak naman siyang sabihin sayo ang tungkol doon."
At ito na ang araw na hihintay ko ang kaarawan ko. Ang bilis talaga ng panahon dahil birthday ko, that's a good news for me pero ang bad news ay si Aizen lang ang kasama ko.
"Hi, wifey." Nilipot niya ang mga braso niya beywang ko. Hinalikan niya ako sa ilong bumaba sa labi ko. "Happy birthday."
"Mm... Thanks."
"What's wrong?"
"Wala lang. May iniisip lang ako tungkol sa gaganapin sa school."
"Huwag mo muna isipin ang tungkol diyan. Isipin mo kung ano meron ngayon." Humiwalay na siya sa akin. Wala bang balak sabihin ni Aizen ang tungkol sa pagalis niya ng bansa pagkagraduate namin. Alam ko namang malayo pa naman ang graduation namin pero girlfriend niya ako. "Magpalit ka ng damit mo at may pupuntahan tayo."
"Saan naman tayo pupunta?" Kumunot ang noo ko.
"Secret. Kaya magasikaso ka ah."
Wala na rin ako magagawa kaya sumunod na lang sa kanya. Pagkatapos ko magpalit ay umalis na kami. Hindi ko na ngang inabalang tanungin si Aizen.
Huminto yung sinasakyan naming taxi sa isang restaurant. Pumasok na kami sa loob at dinala kami ng waiter sa VIP room.
"Surprise!" Nagulat ako noong may nag-surpresa sa akin pagkapunta namin dito. Ano ito? Nagabala pa sila para sa birthday ko.
"Salamat sa inyo."
Nagkakasiyahan kaming lahat ngayong birthday. Best day ever!
"Sinabi na ba sayo ni Aizen ang plano niya?" Tanong ni Callie. Umiling naman ako.
"Hindi naman ako nagmamadali kung kailan niya sasabihin sa akin basta huwag siyang aalis ng bansang hindi niya sinasabi sa akin." Nagiging seryoso siguro ang mukha ko ngayon. Kung may balak siyang ganoon sana ako ang una niyang sinabihan.
"Ano ang gagawin mo kung hindi niya sinabi sayo?"
"Makikipaghiwalay ako sa kanya."
Kinabukasan...
Hindi ko talaga makalimutan ang nangyari kagabi kasi ang saya ko dahil nakasama ko ang mga importante tao sa akin.
Pumasok na rin ako dahil malapit na rin pala magsimula ang unang klase namin. Hindi man ako gisingin ni Aizen hindi katulad ng ginagawa niya noon. Palagi niya ako ginigising araw-araw para sabay kami pumasok. Bahala na siya. Masisira lang ang araw ko pag naiisip ko ang ginawa niya ngayon.
"Good morning, Aya." Bati sa akin ni Callie pagkaupo ko sa upuan ko.
"Good morning." Nilibot ko ang paningin ko dahil wala si Aizen dito.
"Oh, bakit ka nakasimangot ngayon? Umagang umaga."
"Nasaan pala yung magaling na lalaki?"
"Sino?" Kumunot ang noo ni Callie. As if naman hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ko. "Si Aizen?"
"Yeah. Sino pa nga ba ang hinahanap ko?"
"Relax. Hindi ko pa nakikita si Aizen ngayon. Baka kasama niya ngayon ang mga tropa niya."
"Okay." Tumayo na ako. May oras pa naman ako para kausapin ang mga kaibigan ni Aizen. "Pupuntahan ko lang sila."
Pagkalabas ko sa classroom para pumunta sa classroom ng mga tropa ni Aizen pero wala si Aizen doon.
"Hey, Aya." Lumingon ako sa nagtawag sa akin. Si Luca.
"Si Aizen?"
"I don't know." Kibit balikat lang siya. Tiningnan ko lang siya ng masama. "Whoa! Relax lang. Talagang hindi ko alam kung nasaan si Aizen ngayon. At saka ang alam ko kaklase mo siya dapat alam mo."
Tsk. Sarap itapon sa bintana ang lalaking ito. Nakita kong tumingin siya sa loob.
"Chuck. Buck." Tawag niya sa dalawa nilang kaibigan.
"Why, Luca?" Tanong ni Chuck.
"Nakita niyo ba kanina si Aizen?"
"I saw him earlier sa rest room pero after that hindi ko alam." Tugon ni Buck sabay kibit balikat.
"Kilala namin si Aizen kahit gago iyon ay alam kong papasok iyon sa klase niyo. Huwag ka magaalala."
"Sino ba nagsabi sayo nagaalala ako sa kaibigan niyo?"
"Gago lang ako." Aba aminado siya doon. "Pero hindi ako tanga para hindi ko iyon mapapansin, Aya."
"Pagkatapos ng morning class natin at hindi ko makita si Aizen ay papakick out ko kayong tatlo."
"Hala. Bakit nadamay ako diyan?" Reklamo ni Chuck.
"Huy, huwag naman ganyan."
Hindi ko na pinansin ang mga reklamo nila dahil bumalik na ako sa classroom namin. Anytime kasi ay magsisimula na ang klase namin. Hindi nga ako nakakinig ng sa mga lekture dahil hindi pumasok si Aizen. Nasaan na ba kasi ang lalaking iyon?!
~~~~
Malapit na matapos ang Relationship: With My Step Brother.
BINABASA MO ANG
STATUS: In A Relationship With My Step Brother
Teen FictionSTATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong magiging kapatid mo ay isang lalaking kinaiinisan mo simulang bata ka pa lang. Magiging close ba kay...