Aizen's POV
Summer Vacation is finally over! Kaya balik eskwela ulit ang mga estudyante. Nagulat ako noong nilagay na ako ni dad sa section 1. Ibig sabihin nito makakasama ko na si Aya.
"Aizen, pagkapasok mo mamaya ay pumunta ka na muna sa opisina ko." Utos sa akin ni dad. Kumunot ang noo ko. Bakit naman kaya?
Ngayon ay naglalakad na ako sa hallway papunta sa opisina ni dad. Hindi ko alam kung bakit ako pinapupunta ni dad sa opisina niya. Ang huling punta ko kasi doon ay noong napaaway ako. Kaya hindi niya ako pinapupunta sa opisina niya na walang dahilan.
Pagkarating ko ay kumatok na ako ng pinto.
"Come in." Sabi ni dad galing sa loob. Binuksan ko na ang pinto para sumilip na muna pero may nakita akong taong kausap si dad ngayon. "Nandito ka na pala, Aizen. Pasok ka."
Lumingon sa akin yung taong kausap ni dad pero kumunot naman ang noo ko pagkakita kung sino ito. Anonang ginagawa niya dito?
"Bakit niyo ba ako pinapupunta dito?"
"Gusto ko pakilala sayo si Bryce. He is your half brother, Aizen." Sabi ni dad. Lalo tuloy kumunot ang noo ko.
"May alam kayo?"
"Yes. Actually, noong umalis ang mama mo ay alam kong buntis siya. At sinabi sa akin ni Bryce kanina na siya ang anak ng mama mo."
Asar! Simulang nagbakasyon ako ay sira na ang araw ko. Bakit pa kasi bumalik ang babaeng iyon?! At masaklap pa kasama ang baliw na lalaking ito.
"At saka matagal ng patay ang mama ko kaya imposibleng magkaroon ako ng kapatid!" Sabi ko bago lumabas ng opisina.
"Aizen, come here!"
Hindi ko na pinakinggan ang matandang iyon. Argh. Ang ayaw ko pa naman masira ang umaga ko. Pagkarating ko sa classroom ay nakita kong walang nakaupo sa tabi ni Aya kaya doon ako uupo.
"Zen?" Nagulat pa siya pagkakita niya sa akin. "Pinalipat ka na ba ni dad ng section?"
"Yes, pinalipat na niya ako."
"Kailangan mo maging seryoso ah. Malapit na tayo grumaduate. Isang taon na lang."
"Alam ko naman iyon."
"Good morning!" Napatingin ako sa nagbati. Kahit yung ibang kaklase namin ay napatingin sa kanya. Si Callie lang naman. "Good morning, Aya."
"Good morning, Cal."
Pumuwesto na si Callie sa harap ni Aya. Mag best friend nga talaga ang dalawang ito kahit sa pagupo ay hindi makapaghiwalay.
"Bakit nandito ka, Aizen?"
"Bakit masama ba na lumipat ng section? Dito naman talaga ako dapat kung hindi lang ako pasaway noon at ang alam ko marami rin ang nawala sa section niyo dahil maraming lumipat."
"Tama na iyan. Umagang umaga baka magbangayan pa kayong dalawa diyan." Pag awat sa amin ni Aya.
Pagkatapos ng klase namin sa umaga ay sabay na kami kumain ni Aya kasama si Callie. Alam na pala niya ang tungkol sa relasyon namin dahil sinabi ni Aya noon. Kung pinagkatiwalaan ni Aya si Callie ay kailangan kong pagkatiwalaan rin si Callie. Ngayon ay alam ng kambal ang tungkol sa relasyon namin ni Aya, sana wala na makaalam na tungkol doon. Kahit alam kong aksidenteng nakita ni Caleb noon sa locker room pero marami siyang pagkakataon na sabihin sa ibang estudyante ang tungkol doon pero hindi niya ginawa. Dahil siguro may gusto siya kay Aya at ayaw niyang masaktan si Aya kung gagawin niya iyon. Pero siyempre hindi ako papayag na may mang agaw sa akin kay Aya. Aya is my life. Ang buhay na nagbibigay ng liwanag.
"Hey, guys." Tumingin ako para tingnan kung sino iyon. Kumukulo talaga ang dugo ko pag nakikita ko ang pagmumukha niya. "Hello mga magagandang dilag."
"Hi." Sagot naman ni Callie.
"May party this weeked sa bahay namin. Sana makapunta kayo ah."
"Pero hindi namin alam ang address mo." Sabi ni Callie.
"Pwede ko ibigay ang number ko." Nilabas na ni Callie ang phone niya at doon naman sinabi ng lalaking ito ang number niya. "Text mo na lang ako sa address."
Pakiramdam ko parang may hindi magandang mangyayari sa party na iyon.
"Zen, may problema ba?" Huminga na muna ako ng malalim bago tumingin kay Aya.
"May balak ka bang pumunta sa party niya?"
"I don't know. Depende rin kung wala tayong gagawin sa Friday."
"Huwag kayo pumunta. I mean hindi niyo pa nga kilala yung tao tapos pupunta kayo sa party niya."
"Bakit ka ba ganyan, Aizen? Mukha naman siyang mabait, eh."
"Mabait? Hindi niyo pa nga alam kung ang intention kung bakit siya magpaparty sa unang linggo at saka ang alam kong transferee lang iyon."
"Halata namang transferee dahil sa apat na taon pa naman natin nagaaral dito kaya alam mahahalatang baguhan pa lang." Sambit ni Aya.
"Huwag kang pupunta, Aya kung ayaw mong magaaway tayong dalawa."
Alam ko namang ayaw ni Aya palakihin ang away naming dalawa. Ganoon rin ako. Ayaw ko kasing pinapalaki o pinapatagal ang away naming dalawa.
"Give me some valid reason kung bakit ayaw mo ko papuntahin sa party niya."
"You don't need a valid reason. Hindi natin alam kung may binabalak ang lalaking iyon."
"Ang judgemental mo naman, Aizen. Bakit kilala mo ba siya?"
"Oo. I know him. Simulang dumating ang lalaking iyan kasama ang ina niya ay nasira palagi ang araw ko."
"Huwag mong sabihin kapatid mo siya, Zen." Kumunot ang noo ko kay Aya. Paano niya nalaman? Wala naman akong sinabi sa kanya tungkol doon ah. "Alam ko ang lahat na may kapatid ka dahil nakausap ko ang mama mo."
"What?! Bakit mo naman iyon ginawa ah?"
"Gusto lang kita makilala ng lubusan. Alam ko naman pagtatanungin kita ay hindi mo naman ako sasagutin."
Tama naman siya. Ayaw ko kasi pagusapan ang personal na buhay ko. Siguro nga na sa akin na ang lahat... kaibigan, yaman, mapagmahal na girlfriend pero may kulang. Kulang sa pagkatao ko.
Iyon ay ang pagmamahal ng isang ina.
Hindi ko nga maalala kung kailan ko naramdam ang pagmamahal ng isang ina. Lumaki ako ng walang ina kaya habang lumalaki ako ay nagkimkim ako ng sama ng loob sa kanya. Pag bumalik siya sa buhay namin ay hindi ko siya papatawarin. Gusto ko siyang pahirapan. Gusto ko siyang pagsisihan kung bakit niya kami iniwan.
"Ayaw ko namang magaway tayong dalawa kaya hindi na ako pupunta." Sabi ni Aya.
"Kung hindi ka pupunta ay hindi na rin ako pupunta, Aya. Boring naman kung wala doon ang best friend ko."
BINABASA MO ANG
STATUS: In A Relationship With My Step Brother
Teen FictionSTATUS Series BOOK 1 Ano na lang ang gagawin mo pagnagpakasal ulit ang mama mo sa ibang lalaki pagkatapos mamatay ang iyong ama? At may nalaman mong magiging kapatid mo ay isang lalaking kinaiinisan mo simulang bata ka pa lang. Magiging close ba kay...