Chapter 12

1.3K 34 0
                                    

"Zen. Zen!" Pagtawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Aizen.

"Yo!" Lumingon na sa akin si Aizen ngayon. Kakauwi pa lang niya galing practice at alam ko namang pagod siya. "Bakit, Aya?"

"Tumawag si Dad kanina at pinapatanong niya na kung pwede daw ba tayo ang magsundo sa kanila." Napansin kong sumimangot si Aizen. Ano ang problema niya ngayon? "May problema ba? Girlfried mo ko kaya sabihin mo sa akin ang problema, baka makatulong ako."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Aya? Pauwi na ang mga magulang natin, isa lang pwede noon hindi natin pwede ipakita sa kanya ang sweetness dahil. We can show the siblings closeness." Tumalikod na sa akin si Aizen. Bakit ganoon? Pakiramdam ko nagiging cold sa akin si Aizen... "At saka hindi ako makakasama sa pagsundo sa kanila. May practice pa kami bukas."

"Ganoon ba?" Ngumiti ako ng malungkot kahit nakatalikod sa akin si Aizen. "Sige, sasabihin ko na lang sa kanila na may practice ka dahil kailangan niyo manalo sa darating na Sport Festival."

Ah! Basta magiisip ako ng paraan para makasama kami ni Aizen na hindi mapapansin ng mga magulang namin. Kahit sa relasyon namin ni Aizen.

Kinabukasan...

Wala masyadong tinuro ngayon dahil naghahanda ang lahat sa darating na Sport Festival. Pagkatapos ng klase ay pumunta na muna ako ng library para magpaalam sa librarian namin na hindi ako makakapasok ngayon kasi kailangan ko sunduin ang mga magulang ko at pumayag naman ang librarian namin. Mabuti nga mabait siya.

Ngayon ay nandito na ako sa airport, hinahanap ko na rin ang mga magulang ko hanggang nakita ko na sila. Lumapit na ako sa kanila dahil excited na ako makita ulit sila.

"Oh, akala ko magkasama kayo ni Aizen." May pagbigla sa boses ni mama dahil hindi ko pala nasabi sa kanila na hindi ko kasama si Aizen.

"Sorry po. May practice kasi sila Aizen ngayon para sa darating na Sport Festival."

"Malapit na pala ang Sport Festival." Sabi naman ni dad.

"Yes po. Next month na yung Sport Festival."

A couple of hours...

Nakauwi na rin kami sa bahay pero wala pa rin si Aizen. Alam ko sa ganitong oras ay nandito na dapat si Aizen ah. Baka nandoon lang siya sa kwarto niya. Kaya pinuntahan ko si Aizen sa kwarto niya.

Hinawakan ko yung doorknob para ihitin, pagkabukas ko ng pinto ay nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. My innocent eyes.

"Sorry..." Agad ko naman sinarado ang pinto ng kwarto niya. Kung may balak siyang magbihis sana naman ilock niya yung pinto. Pero kasalanan ko rin naman dahil hindi ako kumatok ng pinto bago pumasok.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Aizen at nagulat ako noong hinawakan niya ako sa braso.

"Zen?" Napatingin ako sa kanya. Mabuti na lang tapos na siya magbihis.

"Ano ang kailangan mo?" Ang cold talaga niya simulang sinabi ko sa kanya na uuwi na parents namin.

"Gusto ko lang sabihin sayo na nandito na ang mga magulang natin." Masaya kong sabi sa kanya pero nawala rin ang ngiti ko noong tinitigan niya lang ako.

Simula kasi kaninang umaga ay iniiwasan na rin ako ni Aizen at hindi nga siya pumunta sa tambayan niya kaninang lunch break kaya ayun kumakain ako magisa sa ilalim ng malaking puno.

"Okay.." Wala niyang ganang sagot. Bat ang cold niya? Kainis naman... bumalik na naman ang dating ugali ni Aizen.

"Zen, ano ba kasi problema? Hindi ako manghuhula para kaya kong hulaan ang problema mo." Pinilit kong pumasok sa kwarto niya kahit pinipigilan niya ako.

"Gusto ko lang matulog dahil pagod ako ngayon, Aya. Kaya mamaya na lang tayo magusap pagkagising."

"Okay, nasa kwarto lang ako kung handa ka ng sabihin sa akin ang problema mo." Tumango lang siya sa akin. Kaya lumabas na ako ng kwarto niya para pumunta na sa kwarto ko.

Hindi talaga ako matahimik dahil iniisip ko talaga si Aizen. Ang dating tanong ang nasa isipan ko ngayon. Katulad na lang ng; paano na lang kung malaman ng mga magulang namin tungkol sa relasyon namin? Ipaglalaban ba ako ni Aizen? Dahil ako, kaya kong ipaglaban ang relasyon naming dalawa na kahit sino... dahil ko si Aizen. Ayaw ko siyang mawala sa akin.

"Hey." May narinig akong boses. Tumingala ako para tingnan kung sino at si Aizen lang pala. Ano?! Tiningnan ko yung pinto pero sarado. Ibig sabihin sa balcony siya pumasok. Konektado kasi ang kwarto ko sa kwarto niya. Kahit kailan ay pwede siya pumunta sa kwarto ko but to make sure hindi ako nagbibihis. "Are you okay? Bakit ka umiiyak?"

Ako? Umiiyak? Hindi ko alam umiiyak pala ako.

Hinawakan ko ang pisngi ko dahil basa. Umiiyak nga ako.

"I shouldn't ask you that dahil alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit ka umiiyak. Sorry, Aya kung pinagaalala kita." Lumuhod siya sa harapan ko sabay yakap sa akin kaya ginantihan ko siya ng yakap. Ang sarap ng ganitong pakiramdam.

"Zen, may gusto akong itanong sayo."

"Okay. Shoot." Siya na rin ang bumitaw sa pagkayakap para tingnan ako sa mata.

"Paano na lang kung malaman ng mga magulang natin ng tungkol sa relasyon natin? Kaya mo ba ako ipaglaban sa kanila? Alam naman kasi natin mali itong nangyari sa atin dahil sa mata ng mga tao ay magkapatid tayo. Kasal ang mga magulang natin."

"I know. Kaya akong ipaglaban kita na kahit kanino, Aya. Pero ikaw ba? Handa ka bang ipaglaban ako?"

"Handang handa akong ipaglaban ka. Dahil mahal kita, Aizen ko."

"I love you too, Aya ko." Tumayo nang tuwid si Aizen. "Kung may problema ka bukas palagi ang pinto ng kwarto ko para sayo."

"Ako dapat ang magsabi sa iyo niyan. Gusto ko lang malaman kung ano ang naging problema mo dahil naging cold ka sa akin bigla.

"Sorry, I didn't mean to. Hindi nga kita masolo sa school, lalo na't busy na ako sa practice namin sa basketball tapos hindi na kita masosolo dito."

"Kung iyan lang ang problema mo, pumunta ka lang dito sa kwarto ko o ako ang pupunta sayo. Gusto rin kita makasama pero natatakot lang ako kung mahuli tayo ng iba."

Hinalikan niya ako sa noo. Sana isa lang panaginip na naging step brother ko si Aizen pero isa itong katotohanan na isa ko siyang step brother. Kahit baliktarin ko pa ang mundo ay step brother ko pa rin siya.

STATUS: In A Relationship With My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon