Chapter 14

1.3K 33 0
                                    

Before we start I would like to promote my other story titled Jordan and Blake. My very first English story and I'm aware of my English and grammar include the typos etc...😂😂

About the story:

Raine Jordan is a rookie detective and she got her first case as a detective until she met the seasoned lawyer named Jonas Blake.

A mystery/triller. A bit of comedy and romance. =)

~~~~

Tapos na rin yung Spost Festival at ang 3rd year ang nanalo sa basketball. Kaya kami ang defending champion at kailangan namin depensahan ang trono namin next year.

Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa basketball court pero nagtataka ako kung bakit ang daming estudyante doon. Ano meron?

Teka!

Naalala ko hinamon ni Caleb si Aizen 1 on 1 pagkatapos ng Sport Fest.

"Excuse me." Paghingi ko ng daanan sa ibang estudyante at binigyan naman nila ako ng daanan. Gosh! Nagsimula na ang laban nilang dalawa.

"Sino sa tingin mo ang mananalo?" Tanong ng isang babaeng estudyante.

"Mahirap alamin kung sino mananalo. Pareho silang magaling sa basketball." Sagot ng kasama niya. Tama sila. Sina Aizen at Caleb ay ang pinakamagaling na players sa basketball.

I watched them play hanggang natapos na ang laban nina Aizen at Caleb. 99-101 ang total scores nila at 2pts lang ang lamang nang nanalo pero hindi ako makapaniwalang natalo si Aizen.

"I'm the best of the best, Aizen." Sabi ni Caleb.

"Tsk. Maswerte ka lang ngayong araw dahil sa huling laro ko ay nagkaroon ako ng injury."

What?! Akala ko ba magaling na yung paa niya? Hindi pa pala magaling at naglaro pa siya ngayon.

Pabalik na sana si Aizen sa locker room ay hinila ko siya papunta sa infirmary.

"Hey! What are you doing, Aya?"

"Hindi ko alam kung bakit ka magsinungaling sa akin, kaya sa ayaw o sa gusto mo ay pupunta tayo ng infirmary para tingnan iyang paa mo."

Hindi na muling sumagot si Aizen at sumunod na lang siya sa akin. Girlfriend niya ako kaya dapat niyang sabihin sa akin ang lahat. Hindi iyong sasalirin lang niya ang lahat. Sa tuwing naiisip ko ang ganoon parang hindi niya ako girlfriend dahil hindi niya ako pinagkakatiwalaan sa lahat na bagay. Naiinis na nga rin ako minsan sa sarili ko.

Tahimik lang kami pareho ni Aizen nang makarating kami sa infirmary. Pinaupo ko siya sa isang upuan bago ko kinuha ang first aid kit. Wala kasi yung nurse, ewan ko kung nasaan iyon. Pagkakuha ko ng first aid kit ay tinanggal ko na yung suot niyang sapatos para tingnan ang injury niya. Namamaga yung ankle niya. Bakit, Aizen?!

"Aya?" Inangat na niya ang mukha ko para tingnan siya habang tumutulo ang luha ko. Yes, I'm crying... "What's wrong, wifey? Tell me..."

"Pakiramdam ko kasi parang hindi mo ko girlfriend dahil hindi mo sinasabi sa akin ang problema mo."

"Hindi naman sa ganoon, Aya. Ayaw lang kita magaalala sa akin kaya hindi ko sinabi sayo." Pinunasan na ni Aizen ang luhang kanina pang tumutulo. "Okay, I won't keep any secrets. Promise."

"No more secrets ah!"

"Yes, no more secrets. Dahil sasabihin ko lahat sayo lahat na problema. Kaya smile ka na diyan." Ngumiti na ako sa kanya kaya nagsimula na akong gamutin ang sprain injury niya. "You still want to be a doctor?"

"Paano mo nalaman na gusto ko maging doctor? Hindi ko naman sinabi sayo kung ano ang mga pangarap ko."

"I'm you boyfriend kaya alam ko. Kaya sabihin mo rin sa akin ang mga gusto mong gawin sa buhay para samahan kita sa lahat na bagay."

"Alam ko naman may gusto kang gawin rin."

"Like I said, I'm your boyfriend. Sasamahan kita sa mga pangarap mo, Aya."

"Promise?" Tumingala ako para tingnan si Aizen.

"Promise."

Pagkatapos kong gamutin ang injury ni Aizen ay hindi mawala ang ngiti ko sa mga labi. Ang swerte ko sa boyfriend ko.

"Ikaw ba ano ang kukunin mo pagkagraduate namin ng high school?"

"Hm? Pareho ng sayo dahil pinangarap ko ang maging doctor."

"Wala kang balak mamuno nitong paaralan?"

"Wala. Hindi ko pinangarapan maghawak ng isang paaralan."

Bigla ko naalala hiwala ang mga magulang ni Aizen. Kung ibang pamilya ang mama niya, ibig sabihin may kapatid niya. Hindi naman kasi nangkukwento si Aizen sa buhay niya, hindi katulad ko alam niya ang kwento ko. Hindi ko naman magawang tanungin si Dad dahil nahihiya akong magtanong

Mind on your business nga, eh.

Pagkatapos ng klase namin ay dumeretso na ko sa library, as usual ang daming estudyante dito nakatambay. Yung estudyante nagbubulungan dahil bawal ang maingay dito. At ang sabi ni Aizen sa akin kanina hihintay niya ang paguwi ko para may kasabay akong pauwi. Pagkatapos ng work ko ay nagpaalam na ako at hindi na ako nagulat dahil hinintay nga talaga ako ni Aizen.

"Malapit na ang 3rd quarter exams." Panimula ni Aizen habang nagaabang kami ng masasakyan. Jeep. Alam ko rin naman hindi sanay mag-commute si Aizen.

"Oo nga, eh. Tapos ang dami pang projects na kailangang tapusin.

"You mean yung project sa English at Filipino?" Tumango ako sa kanya dahil iyon lang naman ang gagawing project pero mahirap. "Pareho lang naman ang binigay na project sa atin sa dalawang project na iyon. Siguro pwedeng translate na lang."

"Hindi ko lang alam dahil wala naman sila sinabing pwedeng translate sa Filipino ang English."

"Hindi naman mahahalata iyan. At saka nakakatamad rin magresearch ng projects."

"Kaya siguro hindi ka nakapasok sa section 1 dahil tamad ka magaral." Pagaasar ko. Sumakay na rin kami ng jeep ni Aizen.

"Nah, pasaway kasi ako. Alam mo naman ang ugali ko simulang mga bata pa tayo. Kaya nilagay ako ni dad sa section 4."

Magkatabi kami ni Aizen, nasa likod naman ako ng driver. Mga 30 minutes siguro noong nakarating na kami sa babaan namin. Sobrang traffic kasi kanina kaya inabot kami ng kalahating minuto, kung hindi traffic aabuting 10-15 minutes lang ang biyahe. Simula rito ay nilalakad ko na lang pauwi hanggang sa bahay.

Pagkauwi namin sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto para magpalit ng damit. Biglang tumunog ang phone ko, tiningnan ko kung sino at si Callie ang tumatawag.

"Bakit ka napatawag, Callie?"

"Dahil wala tayong pasok bukas kaya pwedeng pumunta sa inyo?"

"Pwde naman."

"Great! Mga 11:00am punta ako sa inyo."

"Bakit mo naman gusto pumunta?"

"Wala lang. Kahit magkaklase tayo ay palagi kang busy na kaya miss na kita."

"Sorry. Malapit na rin ang 3rd quarter exam kaya mawawalan na ako ng oras."

"Oo nga, eh. Sige bukas na lang. Bye!"

STATUS: In A Relationship With My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon