Chapter 10

1.5K 44 0
                                    

Dahil maaga ako pumasok ngayon kaya nandito na muna ako sa tambayan ko. Nakaupo lang ako sa ilalim ng malaking punto na ito. Hanggang nakita ko si Aya na dumaan kaya napatayo ako.

"Aya..." Pagkuha ko ng kanyang atensyon. Lumingon naman siya sa gawi ko pero tumuloy pa rin siya sa paglalakad. Kaya sinundan ko siya. "Aya, wait."

"Ano ba ang gusto mo, Aizen? Dahil marami pa akong gagawin ngayon." Sabi niya sa akin pero hindi siya nakatingin sa akin ngayon.

"Sa tuwing nagkikita tayong dalawa ay palagi ka na umiiwas sa akin. Ayaw mo ba kung ano meron sa atin? Alam ko namang malabong magkakagusto ka sa akin dahil ang alam kong pamilya lang ang tiring mo sa akin."

"Hindi. Kahit kailan ay hindi ka magiging bahagi ng--" Humarap na siya sa akin pero pagkaharap niya ay hinalikan ko siya. Hindi naman lumalaban sa akin si Aya, mukhang nagustuhan pa niyang hinahalikan ko siya.

"Bakit, Aya?"

"Anong bakit?" Tanong niya sa akin. Pero bakit hindi makatingin sa akin si Aya?

"Bakit hindi ka lumaban noong hinalikan kita? Dahil ba may nararamdaman ka na para sa akin?" Seryosong tanong ko. Napatingin na sa akin si Aya habang namumula ang pisngi niya. Para na nga siyang kamatis.

"H-Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo diyan." Umiiwas na naman sa akin ng tingin si Aya.

"Sagutin mo ang tanong ko, Aya."

"Sinasagot ko naman ang mga tanong mo sa akin ah."

"Tumingin ka sa mga mata ko." Tumingala nga siya sa akin pero yung mga mata niya sa ibang direksyon nakatingin. "Isa, Aya.. Kung hindi ka makatingin ng tuwid sa akin ay hahalikan kita sa harap ng maraming tao."

"Subukan mo lang." Nakatintin na rin siya sa aking mga mata. "Kung gusto mo pa magkaroon ng anak."

Wow. Anak agad? Hindi ko pa nga iniisip ang future nating dalawa dahil ang gusto ay makapagtapos na muna tayo sa pagaaral at makahanap ng magandang trabaho.

"Sabihin mo nga sa akin."

"Na ano?" Tinaasan na niya ako ng kilay.

"Gusto mo na agad magkaroon ng anak?"

"What?! Tigil tigilan mo ko, Aizen." Namumula na naman pisngi niya. Natatawa talaga ako sa reaksyon niya. Ang sarap talagang asarin si Aya.

"May kailangan ka pa ba sa akin? Kung wala na aalis na ako."

"Bakit ka ba pumayag sa ganitong sitwasyon, Aya? Sabihin mo sa akin... Dahil ang gusto ko hanggang maaga pa ay ako na ang lalayo sayo. At alam ko si Caleb ang gusto mo, hindi ako."

"Wala. Wala akong dahilan kung bakit ako pumayag sa ganito. At tama ka si Caleb ang gusto ko pero hindi ako pumayag na ligawan niya ako."

"Bakit? Dahil may nararamdaman ka na sa akin?"

Ilang minuto na siguro pero hindi sumasagot si Aya. Iniiwasan ba niya ang tanong ko?

"Kailangan ko ng umalis, Aizen. Marami pa akong gagawin ngayong araw." Iniwanan na nga ako ni Aya dito nakatunganga.

Parang dati lang tinawag niya akong isang beses na Zen pero simulang inapi siya nina Sabrina at Sophia ay hindi na niya ulit ako tinatawag na Zen. Todo iwas na rin siya sa akin.

Pagkatapos ng klase namin ay bumaba na rin ako ng hagdanan pero hindi ko inaasahan nakaupo sina Aya at Callie sa may hagdan.

"Anong problema, Aya? Kanina ko pa kasi napapansin ang tahimik mo. Tapos hindi na tayo magkasabay kumakain tuwing lunch break."

"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ngayon."

"Bakit? Sabihin mo sa akin baka makatulong ako sayo."

"Palagi ko namang sinasabi sayo na may gusto ako sa kakambal mo pero sa katagalan ay nawawala na yung nararamdaman ko sa kanya. Kahit sinabi mo sa akin na may balak siyang mangligaw sa akin pero nireject ko lang siya."

"Bakit? May napupusuan ka na ba ng iba?" Tanong ni Callie. Nakita kong tumango si Aya sa kaibigan niya.

"Pero ang hirap ng sitwasyon namin, Callie. Hanggang maaga pa kailangan kong umiwas sa kanya."

"Bakit? Sino ba iyan?"

Hindi na sumagot pang muli si Aya sa kaibigan niya, ako naman ay umakyat na ulit at bumalik sa classroom.

Ano ang gagawin ko? Nahihirapan na si Aya ngayon.

Ako na lang kaya ang lumayo sa kanya para hindi na mahirapan si Aya sa sitwasyon namin ngayon. Tutal malapit na rin naman umuwi ang mga magulang namin galing sa bakasyon kaya kakausapin ko na rin si dad para lumayo na kay Aya.

Nang makauwi na ako sa bahay ay dumeretso na ako sa taas patungo sa kwarto ko.

"Aizen." Lumingon ako noong tinawag ako ni Aya pero tuloy pa rin ako sa pagpasok ko sa kwarto. Sabi ko nga ako na ang lalayo sa kanya.

Pagtinatawag ako ni Aya para kumain ay hindi ako sumasabay sa kanya. Pag tapos na siya kumain ay doon na ako kakain na magisa.

Kinabukasan...

Maaga ako nagising para maaga rin ako makarating sa eskwelahan.

"Aizen.." Namilog mga mata ko. Bakit gising na si Aya? Ang alam kong mamayang 6:30 am pa ang gising niya pero 6:00 am pa lang naman. "Iniiwasan mo ba ako? Ako dapat ang umiiwas sayo, hindi ikaw.."

Kunwari ay wala akong narinig dahil tuloy pa rin ako sa paglalakad patungo sa pintuan. Sinuot ko na muna yung sapatos ko bago lumabas ng bahay.

"Ito ba ang gusto mong mangyari, Aizen? Kung kailan napagisipan ko na sa mga tanong mo sa akin pero IKAW pa mismo ang lumalayo sa akin. Kaya bago ka pumasok ay makinig ka na muna sa akin dahil hindi ko na uulitin pa.." Humarap ako sa kanya dahil ang seryoso ng mukha ni Aya ngayon. "Kahit ayaw ko sayo pero sa tagal natin magkasama ay nagkakagusto na ako sayo. Kaya ako pumayag na maging girlfriend mo dahil gusto ko malaman kung kaya ba kitang mahalin katulad ng ginagawa mo sa akin. Kaya hindi ako makikipaghiwalay sayo."

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Totoo ba ito? Nagtapat sa akin si Aya..

"Kung ano man ang naging desisyon mo ay rerespectuhin ko, Zen."

Napangiti ako dahil tinawag niya ulit akong Zen.

"You're kidding? Bakit naman ako makikipaghiwalay sa babaeng mahal ko ah? Lalo na't nagtapat ka sa akin ng nararamdaman mo para sa akin, Aya."

Ngumiti na rin sa akin si Aya.

"We're official, Zen kaya huwag na huwag mo ko sasaktan."

"I won't... Promise."

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko noong pagkarating ko sa classroom namin. Kaya yung dalawa kong kaibigan ay nagtataka kung bakit ako masaya ngayong araw pero hindi ko sila sinagot. Kagustuhan ni Aya na itago namin ang relasyon namin sa ibang tao. Ayos lang sa akin dahil ang importante ay makitang masaya ang mahal ko.

~~~

I'm back! Sorry kung ngayon lang ako nakaUD ulit kasi umuwi kami ng probinsya noong holiweek.

~Skye

STATUS: In A Relationship With My Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon