Chapter 5: Well Done
Hope's Pov
Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng ambulansya, dali dali ng sinara ang pinto at mabilis na pinaandar ang Ambulance. Napatingin ako kay Winter na wala pa ring malay.
'What were you thinking? Bakit kasi hindi ka tumingin sa bola huh? Lahat kami nag-aalala na sayo. Kaloka ka'
Umurong ako ng unti palapit pa sa kanya dahil may mga kasama pa kami dito. Si Sir Corden naiwan sa court dahil may-aasikasuhin pa raw siya. Tinawagan niya na daw si Tita Summer, papunta na rin sa Hospital.
Nakatingin lang ako magdamag kay Winter hanggang sa makarating na kami sa hospital na hindi naman ganun kalayuan sa school. Agad agad na akong bumaba. Yung mga nurse at doctor naman ay nagsipuntahan na at tumlong sa pagbaba kay Winter sa ambulansya.
Mabilis ang pangyayare at naipasok na kaagad siya sa loob ng hospital. Tumulong ako sa pagtulak nung stretcher at dali dali namin siyang dinala sa emergency room.
Tapos yung isang masungit na nurse, tinarayan ako tas pinalabas ako sa emergency room. Alam ko naman na bawal ako dun eh pero yung pagdabugan ba naman akong sarahan ng pinto.
"Hope! hija!" napalingon ako sa may hallway at nakita ko yung takbo ni Tita Summer patungo sa akin.
Bigla naman niya akong niyakap. Hindi ako makagalaw at gulat na gulat ako. Naririnig ko na ring umiiyak na si Tita sa akin. Bakit ba parang ang OA naman ng mga tao dito. Alam ko namang nagaalala sila. Tch palibhasa kasi paboritong anak kaya ganyan.
'Winter kasi bakit antanga tanga mo? Ang galing galing mo sa basketball tapos tatamaan ka lang ng bola? knock out ka pa'
"Tahan na ho Tita Summer, malakas po si Winter. He'll survive po" pagpapakalma ko kay Tita habang hinahagod ang likod nito. Kumalas naman sa pagkakayakap sa akin si Tita at tinignan ako.
Umiiyak si Tita.
"I-I know that. Malakas si Winter pero... I just.. its just... natatakot ako para sa anak ko. Masyado na siyang nagdusa, Hope. Dadagdag pa ito sa paghihirap niya. Nag-aalala na ako sa anak ko, Hija" naiiyak na sabi ni Tita.
"Hindi naman ho nawawala ang pag-aalala sa magulang, Tita. Let's just trust Winter. He'll be fine Tita. Kilala niyo naman ho anak niyo. Napakacompetitive niya, at hindi siya sumusuko" sabi ko. Mukha namang kumalma si Tita sa sinabi ko.
'Oo competitive yan si Winter. Kaya walang ibang lalaking nakakalapit sakin eh, takot nilang lahat kay Winter. Tignan mo nga lang si Jake oh. Inaway niya. Ewan ko lang kung magiging ganun pa rin siya o hindi na. Tsk sana naman tantanan niya na ako. Dahil kay Jake na talaga ako'
Pero... di daw kayo friends ni Jake eh...
I pouted.
"He's right. You really are HOPE" Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi ni Tita. Ako naman talaga si Hope eh "Ikaw nga talaga ang pag-asa. Please don't avoid him or stop him from what he wants"
BINABASA MO ANG
Come Back, Hope
Teen Fiction"No matter how hard I try to forget and avoid you, I cant. I only have one way. A way which leads me back to you. And hell yeah, I'm still into you. In sickness and in health, Til' death do us part' WARNING: WAG MASYADONG MASAYA, SOBRANG SAKIT NIYAN