Chapter 8: First One
Hope's Pov
Still in the middle of reading. Anong oras na at hindi pa kami pinapalabas dito sa clinic. Hinihintay pa yung results sa hospital. Antagal nga eh. Sabi saglit lang daw. Mga isang oras lang. Malapit na mag-uwian wala pa rin.
Sinarado ko muna yung libro. Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko dito sa hospital bed. Nilingon ko yung dalawang lalaking iyon. Si Jake ay busy sa pagce-cellphone. Naka-earphones siya. Si Winter naman ay nakatulala lang sa itaas. Hindi ko alam kung ano iniisip niyan.
Tumayo ako at tumabi kay Jake. Nagulat naman siya sa biglang ikinilos ko.
"Tabi tayo hehe" sabi ko nalang. He smiled. He smiled!!! Ang cute niya talaga. Crush ko talaga yan eh hihi.
Umurong siya ng kaunti at nagtabi na kami. Kinuha ko yung isang earphone sa tenga niya at isinuot iyon. Napalingon ako kay Jake at sakto namang nakatingin na siya sa akin. Nakangiti pa!
'I LOVE YOU JAKE!'
"Alam mo bang favorite song ko to?" share ko lang kay Jake.
"Favorite ko rin yan eh hahaha. Looks like it's mutual huh~"
"Ahh hehe. O-Oo mutual " kagat labi kong sinabi. Hindi ko alam pero kinikilig na talaga ako ngayon. Alam mo ba kung ano ang pinapakinggan namin ngayon?
'Crush by David Archuleta'
Tamang tama yan sa amin.
Do you ever think when your all alone, all that we can be where this thing could go? Am I crazy or fallin inlove? Is it real or just another crush~ WHOOOP WHOOP!
"Parinig nga niyan!" biglang singit ni Winter. Tumalon siya paupo sa kama, sa may paanan ko.
"Wag ka na, dalawa lang to oh tch" pagsusungit ko sa kanya. Wala akong pake kung binigay niya sakin yung libro. Ano siya? sineswerte?
"Edi ganito nalang" nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa amin at inalis yung nakasaksak na earphones.
Ayun, umalingawngaw yung kanta sa buong clinic. Nag-ingay amputs.
-__-
"Ang epal mo naman" sabi ko at tinarayan yang Winter na yan. Kahit kailan talaga walang magawa sa buhay eh.
'Kung wala lang talagang nagbabantay na nurse dito, nasapak ko na yan. Panira ng moment namin ni Jake eh. Nakiki-third wheel amputs'
"Eh? Crush to hindi ba? hindi naman ito yung favorite mong kanta Hope diba?"
BINABASA MO ANG
Come Back, Hope
Teen Fiction"No matter how hard I try to forget and avoid you, I cant. I only have one way. A way which leads me back to you. And hell yeah, I'm still into you. In sickness and in health, Til' death do us part' WARNING: WAG MASYADONG MASAYA, SOBRANG SAKIT NIYAN