Chapter 4: We're Not Friends

111 10 4
                                    

Chapter 4: Were Not Friends


Hope's Pov


Break time na ngayon at papunta na kami ni Jake sa cafeteria. Yung mga students na nakatingin sa amin, masama ang tingin sa akin. I just gave them my 'KAWAWA NAMAN KAYO' look. Ang swerte ko talaga at ako ang unang nakasama ni Jake dito.


"Ahh... Jake, c-can we be friends?" bigla kong tanong kay Jake. 


'I know, I sound weird. HAHAHA pero wala akong pake. Friends? masakit pero haha we can start from here para naman mas mapalapit kami sa isa't isa diba?' 


"F-friends? sigurado ka?" 


O_O 


'Ayaw niya ba kami maging friends? Seryoso ba siya? Ansakit naman nun! Sa sinabi niya pa lang yan parang ayaw niyang friends kami. Paano pa kaya pagsinabi kong crush ko siya?'


"A-ahh kung ayaw mo-" di ako nakatapos. Dahil tumigil siya sa paglalakad. Liningon ko siya at nakita kong nakatingin siya doon sa may tarpaulin na dinikit ng basketball team.


Para iyon sa mga try outs at sa mga gustong sumali sa basketball team ng campus.


Pero malungkot pa rin ako. Ayaw niya kami maging friends. So sad...


"Hope, ngayon to diba?" biglang tanong sa akin ni Jake. Bigla ko naman iniba ang ekspresyon ng malungkot kong mukha.


"Ah oo. Ngayong araw yan. Bakit? gusto mo bang sumali?" tanong ko sa kanya.


"Oo teka... what time is it?" tanong nito. Napatingin naman ako sa wrist ko. Naalala ko, wala pala akong relo hehe.


Nakita kong may relo si Jake kaya itinuro ko nalang iyun. May pagka-shunga pala siya haha. May relo naman siya pero nagtatanong pa siya ng oras sa akin.


"The heck! nagsisimula na pala siya. Let's go" sabi nito at hila agad sa akin. Tumakbo kaming dalawa pareho.


'Sandali, saan kami pupunta? Hindi niya naman alam dito sa school eh'


Huminto siya sa pagtakbo.


"I forgot, hindi ko nga pala alam kung saan ang basketball court dito. Saan ba?" tanong niya. Hindi ko alam kung dapat bang tawanan ko siya dahil ang cute niya hahaha.


Biruin mo? Hinila niya pa ako tapos di niya pala alam yung court. Ang cute lang hahaha.


"Malapit lang, teka? kailangan naka-PE uniform ka sa try outs. May PE ka na ba" tinignan ko siya from head to toe. Hindi ko alam kung matatawa ako sa mukha niya dahil yung mukha niya parang natataranta na.


'He really wants to be in a team that bad? HAHAHA. Ang cute niya!' 


Come Back, HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon