Chapter 28: KISSED (SPECIAL CHAPTER)

76 1 2
                                    

Chapter 28: KISSED

Hope's POV

Kakatapos ko lang kumanta. Ito namang si Mart nananatiling tahimik at para bang manghang mangha sa akin.

"Oh ano na? Tameme ka? Sabi ko sayo eh... Di ako marunong kumanta" sabi ko dito. Napasmirk nalang siya.

"Uhmm sa totoo lang eh. Natatanga ako eh. Ganda ng boses mo hehe" halos mahulog panga ko sa inasal niya.

Ang cute niya hahahhaa.

"Ah eh hahaha Wala akong piso" natatawang sambit ko. Bigla naman tumunog yung cellphone niya.

"Wait lang ah"

Tumalikod siya ng unti sa akin at chineck yung cellphone niya.

"Sh*t!" nagulat ako ng bigla siyang napasigaw.

"Uhmm... Is there something wrong?" tanong ko. Mabilis naman siyang tumayo at kinuha agad yung bag niya.

"Pasensya ka na at di muna kita malilibre ng pizza ngayon. Next time I promise. May biglaan lang sa ano... sa club haha. Sige mauna na ako. Ingat ka ah" at ayun. Bago pa man ako makasagot at makapagpaalam sa kanya, nakatakbo na diya agad.

~~~~

Kakapasok ko lang sa court at nakita ko kaagad si Jake na kakalabas lang din sa locker nila.

Sa totoo lang, may point na ayaw ko pumunta kasi... kay Winter? Ewan.

Nagtungo ako sa may bungad lang at naupo roon sa may bleachers.

May dalawang babae sa harap ko, pinaguusapan yung lovelife nila tss.

"Ahhhh! WINTER!"

Speaking of the devil. Kakalabas niya lang din mula sa locker nila. Kasama niya yung mga asungot niya.

"Oh my gosh, yun yung bagong girl ni Winter diba? She looks so elegant and graceful. Pero minsan pag nakikita ko. May pagkapabebe. Unlike si Pres. Maganda na, malakas pa charisma. Mas gusto ko siya para kay Winter"

"Ako din naman gurl, kaso kasi si Pres... Hindi ko maintindihan, I guess she only liked the chase. Tignan mo, siya ngayon ang naghahabol. Pabebe pa kasi nung una tsk tsk"

Aba loko tong mga to ah. Trip ba naman ako. Sipain ko kaya tong mga to.

"Sayang yung angas niya, nagmukha tuloy siyang ano... Nasa loob ang landi hahaha"

tumayo ako sa kinauupuan ko at humawak dun sa sandalan ng upuan nila at isiningit ko yung ulo ko sa gitna nung ulo ng dalawang babaeng pinagchichismisan ako.

"Hi... Pwede ba akong sumali sa usapan niyo? Ay oo nga pala, kasali na ako. Ako kasi pinaguusapan niyo eh. HAHAHA now, tell me more" nakangiting sabi ko sa kanila.

Kitang kita ko sa mukha nila ang gulat at takot.

"Ah Hi pres, alis na kami. Bye po" at ayun, mabilis na tumayo yung dalawa at tumakbo paalis.

HAYSSS.

Inis na umupo nalang ulit ako at saktong pagupo ko, nagring ang bell.

Start na ng training nila.

Magkalaban na grupo si Jake at Winter. Si Jake parang easy easy lang. Si Winter parang... Nadapa? May unting dumi sa mukha niya.

Naging maayos ang laro ng dalawang grupo, hindi pa nila alam na nanonood ako. Buti nalang at cut off ang klase ngayon.

Nagbreaktime na kaya bumaba na ako dala dala ang mga pinamili ko. Kasama na yung bimpo at tubig.

"Jake!" tawag ko sa kanya. Agad naman niya akong nakita. Nakangiti siyang naglakad patungo sa akin.

Come Back, HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon