Chapter 37: Glimpse Of The Truth

54 1 0
                                    

Chapter 37: GLIMPSE OF THE TRUTH
Chapter song: You are the reason by Calum Scott

Hope's POV

Nakasandal lang ako sa unan ko habang pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ni Winter sa kama niya.

Sobrang sarap sa feeling na sa kabila ng pinagdaanan naming dalawa, andito pa rin kami at nanatiling matatag.

Hindi pa man kami kasal pero pinaninindigan na namin ang in sickness and in health at for better for worse.

Kung ang tanging pangarap ko lang ay maging masaya at masulit ang mga natitirang araw ko, ang saya saya ko.

He was the one who fulfilled my dreams... Hindi dahil sa dinala niya ko sa Japan, naexperience ko ang snow, nagawa kong makasakay sa mga rides sa amusement park ng buong tapang.

He helped me, somehow, to forget that I have Acute Myeloid Leukemia. He got me out of this cruel sickness... Although I'm not cured...

Wala ng chance pero... who cares?

As long as we are all happy, it is enough.
As long as we are together, it is enough.
Besides, he already fulfilled my dreams for my 18 years of existence.

Hindi man ako aabot sa birthday ko sa summer. Maaga pa lang magcecelebrate na ako. Isa pa... Mag-20 na si Winter next week.

This time... Ako naman ang magfufulfill ng pangarap niya. Ang magpakasal kami.

March 4... Our wedding day.

Winter's POV

Naalipungatan ako ng biglang may pumasok sa kwarto. Its Mom and Dad.

Umayos ako ng upo, medyo pasingkit singkit at dilat dilat ako dahil medyo nanlalabo ang paningin ko.

"Son, are you alright?" tanong ni Dad.

Napasapo ako sa noo sa tindi ng hilo. This is worse than I thought.

"Yes Dad. Mali lang yung pagpikit ko kanina" I lied.

Umupo naman si Mom sa tabi ko at si Dad naman ay nanatiling nakatayo sa harapan ko. Liningon ko si Hope at nakita kong nakatingin din siya sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng nginitian niya ako. I smiled her back. Para bang may iniisip siya ngayon na sobrang lalim. I wonder what she's thinking.

"Winter... I'm asking you if you already took your medicine. Gosh! ano bang nangyayare sayo?" bigla akong naalipungatan sa sinabi Mom.

"Ah eh sorry Mom" napapahiyang sagot ko at liningon na sila. Something is different from Hope. Is she okay?

Hinamplos ni Mom yung likod ko at si Dad naman ay may kinuha sa table ko. Yun yung iniwan na notes ni Kuya kaninang tanghali, umalis na kasi siya dahil may klase pa siya. Malapit lang naman ang school niya dito. Listahan ng mga gamot na kailangan inomin, kasama na rin doon yung oras kung kelan.

"Oh... 7 pm na. Kailangan mo na uminom ng gamot. Kumain na ba kayo?" Dad. Tukoy sa amin dalawa ni Hope.

"Hindi pa po dumadating yung inorder nila Kuya" sagot ni Hope.

"Ah ganun ba. Asan ba yung mga kapatid niyo. Bakit iniiwan nila kayo dito? Wala man lang kayong bantay. Sino ang kasama niyo dito... aba hindi pwede yan" napalunok nalang ako sa sinabi ni Dad. Nakakahiya naman kasi anlaki laki na namin.

"Dad, malaki na kami, kaya namin dito. Besides, wala namang gagalaw sa amin dito since tayo ang may-ari nito. Oo nga pala Dad, bakit hindi mo pa pinapabukas yung floor na ito. Sayang naman yung dapat na pumapasok na pera" singit ko.

Come Back, HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon