Chapter 32: My Escape

56 2 0
                                    

Chapter 32: My Escape
Chapter Song: My Escape by ravenscode

Hope's POV

Matapos namin maggala ni Winter dito sa kabuuan ng mall, naisipan muna naming magtungo sa sea side para manood sana ng sunset.

Naglalakad kaming dalawa at yung kamay ko ay sumasanggi sa kanya.

// lub dub lub dub//

Liningon ko siya habang naglalakad kami, deretso lang ang tingin niya sa may dagat kaya wala akong nagawa.

Nilagay ko nalang yung kamay sa bulsa ng jacket ko.

"Tsk hindi kasi nagsasabi eh" Winter.

Nagulat ako ng biglang pinasok niya yung kamay niya sa bulsa ng jacket ko at nag-intertwinned ang kamay namin.

Nilingon ko siya at nginitian, he smiled back.

Masigla akong sinabayan siya sa paglalakad, magkahawak ang aming kamay at ang mga tao naman ay nakatingin sa amin.

Ang gwapo ba naman ng kasama ko. Mala prinsipeng anghel ito eh.

"Pinagtitinginan ka" bulong ko kay Winter.

"No, they are all looking at you" Winter.

"Huh! Sakin?" ako.

"Ang kulit naman. Teka... Kain tayo dun oh" turo ni Winter sa isang kainan na nasa labas.

"Kakakain lang natin eh. Busog pa ko, dami ko na kayang nakain. Magiging baboy ako niyan" inis na sabi ko. Pabebe lang ganun haha.

"Edi maging baboy ka" pangaasar niya.

"Gusto mo talaga maging baboy ako. Tss" irap sa kanya.

"Ano ba masama sa pagiging baboy? Mas masarap ka kaya yakapin kung ganun" Winter.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Yung mukha niya bakas na bakas ang pangaasar.

"Edi sana baboy nalang yung minahal mo!" medyo naiinis na ako ah. Ewan ko kung bakit.

Yeah, masyadong imma yung topic. Nung una pabebr lang ako pero naiinis na ako.

"Ayan na, nagalit na ang future misis ko" sabay pisil sa pisngi.

"Aray! Ano ba! Bahala ka na nga diyan" sabay taboy sa kanya at alis. Naglakad na ako patungo doon sa kainan na tinuro niya.

Oh tignan mo. Gusto rin maging baboy. Abnoy eh.

"Hoy! Future misis ko!" habol niya sakin.

"Wag ka magalala maglalaklak na ko ng Knorr Pork Cubes" may halong tawa na yung pagkasabi ko.

Nakahabol naman siya sa akin at inakbayan ako.

"Wag ka magalala future misis ko" malakas ang pagkasabi niya sabay lapit sa akin. Bigla siyang bumulong "Ikaw ang paborito kong baboy"

Hinarap ko ulit siya.

"Ikaw naman ang paborito kong tanga tss" bulong ko rin sa kanya.

Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti na abot tenga sa akin. Yan nanaman siya. Pamatay ngiti at titig niya. One of my weaknesses . Ouch!

"Yieeee ang cute cute ng future misis ko" sabi niya sabay pisil pisil sa pisngi ko.

Natulak ko tuloy siya ng malakas.

"Aray! Namumuro ka na ah" ako.

"hahahha nagalit. Wag ka magalala, mamatay ka na rin naman. Sulitin na natin" biglang biro niya.

Come Back, HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon