Chapter 31: Starting Over Again
Hope's POV
Hindi pa rin ako makapaniwalang si Winter ang kasama ko palagi. Wala akong ibang kinwento sa kanya kundi puro problema ko.
Tapos nakwento ko na sa kanya si Winter I mean... Gosh! Nakakatanga. Kinwento ko kay Mart na si winter... Kinwento ko kay Winter yung problema ko kay Winter.
Sakit sa ulo.
Si Jake wala dahil may training ngayon. Ako naman hindi makafocus sa klase.
Paano ba naman kasi? Yung akala kong nalayo sakin, naiwas sa akin, lagi palang nasa tabi ko.
Gets niyo ba ako?
*RING*
"Class dismissed"
Napakamot nalang ako sa ulo at napayuko sa lamesa ko.
Ano bang klaseng buhay to. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya or magagalit dahil ginawa niya akong tanga.
Pero paanong nangyareng siya si Mart eh nung nakaraan nga andito si Mart sa school tas sumugod ako kela Winter. Kakagising niya lang.
Tapos minsan naman nakakasalubong ko si Winter dito sa school tas mamaya naman si Mart.
Tapos yung... Yung sa rooftop...
Napatayo ako ng maalala ko ang mga nangyare.
I called out for Winter, then he kissed me. He freaking kissed me because.... Of... Whhaaaaaat?
Tapos yung sa elevator bago ako umakyat, nakita ko si Winter. Sinaraduhan pa nga ako ng elevator eh.
Paani nangyare yun!?
Tumingin ako sa paligid ko at napansin kong nagsilabasan na ang mga kaklase namin.
//lub dub// lub dub//
Kaming dalawa nalang ang nandito sa loob ng room.
Dahan dahan ko siyang nilingon. Nagulat ako ng makita ko siyang nakatayo at nakaharap sa akin.
"A-Anong tinitingin tingin mo diyan? Galit pa rin ako sayo!" sigaw ko sa kanya.
Nagulat ako ng bigla siyang tumuwas ng kaunti para mapantayan ang height ko.
// lub dub// lub dub//
"Hope naman eh. Ano bang gusto mong gawin ko? Tayo na nga diba" siya.
Tinulak ko yung ulo niya palayo sa pamamagitan ng pagtulak ko ng noo niya.
"Tayo agad? Di mo man lang ako tinanong ulit, tapos di mo pa naeexplain sa akin lahat bat ka nagkaganyan ng ilang weeks tss" inirapan ko siya.
"Edi ano... Pwede na ba kita maging girlfriend?" tanong niya ulit sabay kindat at ngiti.
Napakaano talaga nitong lalaking to. Ganun ganun na yun? Nakakabad trip.
Inis na kinuha ko yung bag ko at naglakad na palayo sa kanya.
"Hoy san ka pupunta?" sigaw niya sa akin bago ako makalabas ng classroom.
"Kakain! Bala ka sa buhay mo!" sagot ko.
"Saglit!!" habol niya.
~~~~~~
Naglalakad kami papunta sa Cafeteria ng school ng may kotseng huminto sa tapat ng building kung saan kakalabas lang namin.
Sa harap talaga namin huminto. At sa hindi inaasahan pa ay... Si Kuya Hugh.
BINABASA MO ANG
Come Back, Hope
Fiksi Remaja"No matter how hard I try to forget and avoid you, I cant. I only have one way. A way which leads me back to you. And hell yeah, I'm still into you. In sickness and in health, Til' death do us part' WARNING: WAG MASYADONG MASAYA, SOBRANG SAKIT NIYAN