Chapter 17 : Secret
Chapter SONG: Love and Loss by Mattia Cupelli
Hope's Pov
"JAPAAAAAAAN!"
Napalingon nalang ako kay Astrid na tuwang tuwa pa kakatakbo dito. Kakalabas lang namin sa airport at papunta na kami ngayon sa hotel kung saan kami magse-stay.
Napangiti nalang ako dahil ang cute ni Astrid eh. Tuwang tuwa talaga siya. Tapos si Phoenix naman, habol ng habol sa kanya. Baka kasi madapa o ano. Seryoso nakaktawa naman kasi talaga si Astrid, akala mo nasapak yung utak eh.
"Welcome to Japan, Hope!" bati ni Winter. Tinignan ko nalang siya at saka muling ibinaling ang tingin doon sa labas.
^_^
'Nasa Japan na nga talaga ako! Ito yung pangarap kong mapuntahan! Ito na nga oh. Andito na ako pero bakit hindi pa rin ako ganun kasaya? WAAAAh Ano ba problema ko?'
*PAAAAAAAAAK!*
"Hoy, bat ganyan ang mukha mo. NASA JAPAN KA NA! HOY! NATUPAD MO NA PANGARAP MO!"
"ARAY! PUTSPA! BAKIT BA NAMBABATOK KA!?" sigaw ko kay Phoenix. Nakakabwisit eh. Bigla bigla nalang nambabatok.
"Bakit ba kasi anlungkot mo? Ano bang problema ha?" pinaningkitan ko nalang siya ng mata. Napatigil ako ng maaninag ko kung sino yung nasa likod niya.
-__-
"Winter, patulong naman oh" Kimberly.
"Ah sige sige. Saan ba ito dadalhin?"
"Huh? hindi ba papunta na tayo sa hotel. Saan ba?"
"Ah hehe alam ko. Hinihintay nalang naman natin yung kotse na maghahatid sa atin doon"
"Ah ganun ba hehe. Sige salamat Winter"
>_<
Lumingon naman si Phoenix kung saan ako nakatingin. Nagiwas nalang ako ng tingin at deretso nalang naglakad paalis. Nakakabwisit naman oh. Hanggang dito ba naman sa Japan, anlandi ng dalawang yan.
"Ahh mukhang alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan" habol sa akin ni Phoenix. Nakasalubong ko naman si Astrid na nasa kabila ko naman
'GREAT! JUST GREAT! NAGSAMA ANG MGA FANS NI WINTER TSS'
"umalis ka na nga Phoenix"
"Yieee nagseselos si Hope" nangaasar na si Phoenix na sinusundot yung tagiliran ko. Bwisit na yan!
BINABASA MO ANG
Come Back, Hope
Teen Fiction"No matter how hard I try to forget and avoid you, I cant. I only have one way. A way which leads me back to you. And hell yeah, I'm still into you. In sickness and in health, Til' death do us part' WARNING: WAG MASYADONG MASAYA, SOBRANG SAKIT NIYAN