Chapter 13: Abusement Park

103 4 4
                                    

Chapter 13: Abusement Park


Hope's Pov


Nanatili pa rin akong nakayakap sa kay Jake habang nasa byahe kaim. Nawala yung takot ko sa ganito. Ang smooth niya mag-drive kahit ambilis bilis ng takbo niya.


Ipinikit ko yung mata ko at isinubsob ang sarili ko sa kanya. He wouldn't mind naman. Kapag umayaw siya, sabihin ko... humahawak lang ako ng mahigpit para di mahulog hehe.


"We're here" 


Nanatili pa rin akong nakayakap sa kanya, ewan ko kung bakit hindi na kami ummandar ngayon, siguro stoplight. 


"Hey, we're here" napamulat agad ako ng mata ng ma-realize ko. Dali dali akong umupo sa ayos at liningon yung paligid. Andito na nga kami.


"AHH hehe sorry" paumanhin ko nalang. Bumaba na ako ng motor  at tinanggal na rin yung helmet na suot suot ko.


"Nakatulog ka ba? hahaha"


O_O


>_<


Nakangiting tumango nalang ako sa kanya. Nakakahiya naman kung sasabihin kong niyakap ko talaga siya. Baka malaman niyang crush na crush ko talaga siya. .


*BEEP BEEP*


Napalingon kami ni Jake sa likod ng my bumusina.  Halos mahulog ang panga ko ng makita ko yung isang kotseng ngayon lang ako nakakita. ANG GANDANG KOTSE!


'Lykan Hypersport'


Matagal ko ng pinapangarap ang makasakay diyan! Sa pagkakaalam ko, ayan ang pinakamahal na kotse sa mundo! Hindi ko alalm na may ganyan pala dito sa Pinas.


ANG GANDA! FIRST TIME KONG MAKAKITA NG GANYAN!


Bakas na bakas sa mukha ko yung pagkamangha doon sa kotse, gusto kong yakapin saka halikan yung kotse, ang ganda ganda! ang hot niya. Mabilis kaya to? MALAMANG!


"Are you impressed?" Sheeet! anong ginagawa niya diyan.


O_O


Halos mahulog pa ang panga ko ng biglang bumukas yung bintana at lumitaw sa akin yung lalaking naka-shades. Potek! Si Winter pala! 


YES! ITS WINTER CRIMSON! THE HELL! BILYONARYO NGA PALA ITONG LALAKING ITO.


"S-Sayo yan?" nauutal kong tanong kay Winter. Hindi ako makapaniwala.


"Hmm what do you think?" tanong niya at tinanggal pa yung shades niya.

Come Back, HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon