Chapter 33: You and I

53 2 0
                                    

Chapter 33: You and I
Chapter Song: Ikaw at Ako by Tj Monterde.

Winter's POV

Nagmamaneho ako ngayon pauwi. Si Hope natutulog sa passenger seat. Napagod siguro sa gala namin.

This girl is really something. Hindi siya typical girl eh. She is one of a kind. She is strong, brave, and beautiful. Nagawa niyang palambutin ang isang tulad ko.

Hindi ako Winter Crimson kung hindi ako cold. Haysss

Nagdrive ako patungo sa bahay namin. Dis oras na ng gabi at masyadong malayo ang bahay nila kaya naisipan kong sa amin nalang dahil mas malapit naman ito.

Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa bahay namin. Huminto ako sa tapat ng gate. Nakasara pa eh

Dumating naman si Manong Totoy at pinagbuksan ako. Napasilip pa siya sa bintana pagkatapos.

"Sir, bagong chix yan ah" si Manong Totoy. Gumilid ako ng kaunti para makita niya kung sino ang kasama ko.

"Guess who?" ako.

"Naknang, Boss! Jackpot yan ah. Si Miss Hope" Siya.

"Wag ka maingay shhh. Manong ikaw na bahala magpark. Dadalhin ko pa to sa kwarto" ako sabay baba sa kotse.

Nagtungo ako sa pintuan kung saan si Hope. Binuksan ko iyon at nagulat ako ng biglang nahulog yung ulo niya.

Buti nalang at nasalo ko kaagad kundi, bagok pa yan.

Nako namang babaeng to. Tulog mantika na nga, di pa nag seat belt. Tsk tsk.

Binuhat ko siya bridal style. Naamoy ko pa rin yung pabango niya kahit medyo amoy pawis siya.

Ang tamis ng amoy niya. Naghalo yung pawis at pabango. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Mas lalong bumabango pag pinapawisan.

Naglakad na ako habang buhat buhat ko siya papasok sa bahay. Dim na lang yung light sa mansion dahil nga dis oras na ng gabi.

Paakyat na sana ako sa itaas ng biglang may narinig akong naguusap galing sa verranda.

"Hugh, alam mo naman diba. Pag ayoko, ayoko"

"Pero ito yung tama. We have no choice babe"

"Hays hindi ko alam"

Mabilis agad akong lumiko at tinahak ang daan patungo doon sa hagdanan. Tahimik at dahan dahan akong umakyat patungo sa taas.

Ambigat ni Hope.

Agad agad akong nagtungo patungo sa guest room at hirap pang binuksan iyon dahil buhat buhat ko ang isang baboy.

Dahan dahan ako pumasok at binuksan yung ilaw gamit yung isang daliri ko. Dali dali ko siyang binitbit patungo doon sa kama at saka siya hiniga.

Kinumutan ko siya at kitang kita ko naman kung gaano kahimbing yung tulog niya.

Binuksan ko yung lamp at pinatay na yung ikaw at saka umupo sa tabi ng natutulog na si Hope.

Napangiti ako ng makita ko ang ganda ng pag blend ng ilaw sa kutis niya. Napakahaba niyang pilik-mata, yung matangos niyang ilong, mapupungay na mata kahit nakapikit, at ang labi niyang kulay pink.

She is so damn beautiful. Para siyang prinsesa. Napakaganda niya talaga.

Hindi ko alam kung makakatulog pa akong gabi.

All I wanna do now is...

Watch her sleep like this. Its heaven.

Hope's POV

Come Back, HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon