SPECIAL CHAPTER

61 2 0
                                    

SPECIAL CHAPTER


Hope's POV

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko habang pinapakiramdaman ang hampas ng hangin sa akin. Matagal tagal din bago ako makarinig ng mga busina ng kotse, huni ng mga ibon.


Ibinukas ko ang mga mata ko at nakita ko ang pagsayaw ng mga puno sa ibaba, ang mga taong may kanya-kanyang istorya, at ang mga kotseng nastuck sa heavy traffic.


"Hope" napalingon ako sa likod ng may tumawag sa akin. Nakita ko roon si Winter na hila hila din yung sa dextrose niya.


Naglakad ako papalapit sa kanya at inalalayan siya. Mas kritikal kasi ang nangyare sa kanya.


"Bakit umakyat ka pa?" tanong ko sa kanya.


"Hayaan mo na andito na ako eh" sagot nito. Dinala ko siga patungo doon sa isang bench sa gilid ng rooftop, kitang kita mo yung gandang view.


"Maupo ka diyan" ako at sinunod naman nito.


"Bakit umaalis ka ng walang kasama? Its too dangerous out here. Hindi nga natin alam kung sino ang pumuntirya sa atin eh" medyo naiinis yung tono ng pananalita niya.


"Sa tingin mo ba may makakasunod sa atin dito? Halos sarado nga ang buong hospital eh. Bilang ang mga taong nakakapasok. Yung mga inaadmit nalang dito yung mga andito na bago pa tayo dumating saka yung mga taong malakas ang kapit sa pamilya niyo. Its like the whole hospital is closed" kwento ko. Mukhang wala ata siyang idea about doon.



"Kahit na. Hindi nga natin alam kung sino yung kalaban natin eh. Halika na, bumaba na tayo. Siguro naman sapat na sayo yung mga nakita mo diba" medyo may inis pa sa pananalita niya.


"Mamaya na. Hinihintay ko pa yung sunse-"


"I said we are going back now" mahinahon pero puno ng awtoridad ang boses niya. Sinamaan ko siya ng tingin at tinalikuran.


Naiintindihan ko naman na nag-aalala siya at delekado ang case namin pero ang nakakainis lang kasi kinukulong niya na ako sa kwarto.


Mas makakabuti din naman sa health ko ang makaamoy ng ganitong hangin saka maarawan na rin kahit papaano. Mas hindi ako gagaling sa apat na sulok ng kwarto na wala naman magandang makikita bukod sa mukha ko at yung mukha ng taong nasa likod ko.


"Naiintindihan mo ba kung nasaang sitwasyon ka? Wala ka dito para mag-relax, Hope. Hindi ka nandito para magpakatanga" napalingon ako bigla sa sinabi niya. 


Hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi magalit. 


"Magpakatanga? Winter, alam ko yung nangyayare at hindi rin ako nagpapakatanga. Higit sa lahat.... HINDI AKO NANDITO PARA IKULONG LANG SA ISANG KWARTO TAPOS IKAW LANG DIN NAMAN ANG KASAMA KO." napasigaw na ako. Hindi ko na talaga mapigilan.

Come Back, HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon