Rule #1 Huwag kang pumasok sa isang long-distance relationship kung hindi ka naman pala handa.
Sabi nila, love conquers all,
And destiny would give someone who would always be there to catch you every time you fall.
Akala ko ganun lang kadali,
Yung pagpasok sa isang relasyon, na may magdudugtong sa kin at sayo, na invisible na tali.
Yung tali na magpapatunay na ako lang yung para sayo,
Na kahit nasaan man ako, ako parin, kasi nga ikaw yung destiny ko!
Pero hindi, hindi pala yun ganun-ganun lang,
Na ang feelings ng tao, ay hindi isang bola, na pwedeng paikutin sa kamay mo, sa tuwing wala kang mapagtripan!
Babe, tao ako!
Tao ako, na nakakaramdam ng saya, sakit, lungkot, pag-hihinala, at iba pang emosyon tulad ng nararamdaman mo!
Higit sa lahat, babae ako!
Babae, na umiiyak sa gabi, sa tuwing nag-aaway tayo!
Nakalimutan mo na ata,
Long distance relationship, yung pinasukan nating dalawa!
Relasyon na pinaka mahirap sa lahat,
Sapagkat dito masusubukan hindi lang pagmamahalan natin, kundi pati na rin kung gaano tayo katapat.
Naaalala ko pa, yung sabi mo sakin bago nagkaroon ng "tayo",
Na walang distansyang makakapagpabago sa pagmamahal mo.
Naniwala at nagtiwala ako sayo,
Pinanghawakan ko yung mga pangarap na sabay nating binuo.
Higit sa lahat, pinanghawakan ko yung mga pangako mo,
Kahit pa alam kong pagkatapos ng summer vacation na ito, ay magkakalayo na naman tayo.
Lumipas ang ilang segundo, minuto, oras, araw, buwan at taon,
Nakakapagdate naman tayo paminsan-minsan basta't may pagkakataon.
Pero, biglang ilang linggo kang hindi nagparamdam,
Na kahit busy ako, nagawa ko paring magdamdam.
Pinaulanan kita ng mga tanong noong nagkita tayo kamakailan,
Pero imbes na sagutin ang mga tanong ko, ay pagalit mo pang sinabing, "Ano ba namang klaseng tanong yan?"
Pagkatapos non, ay nagpatuloy parin ang ating relasyon, kahit na minsan sa isang buwan ka na lang magparamdam,
At dahil ayaw kong mag-away ulit tayo, pilit kong inaalis ang lahat ng aking pagdaramdam.
Kahit nga hindi ako sundalo, pilit kong ipinaglalaban yung relasyon na 'to,
Pinaglalaban, mula sa mga taong gustong sumira sa relasyon na ating binuo.
"Tama na, may iba na siya!"
Mga linyang laging sinasabi ng mga barkada ko pero kailanman hindi ako naniwala.
Ayaw kong maniwala, kahit na maraming ng nakakakita!
Kahit nga araw-araw, pinapadalhan pa nila ako ng samu't-saring pruweba.
Mga pruwebang nagpapatunay na nagtataksil ka na nga!
Nagtataksil ka na, pero yung puso ko ayaw paring maniwala!
Na kahit pinagsisigawan na ng utak ko, ang mga salitang "Nagmumukha ka ng tanga!",
Heto, pinuntahan parin kita sa kabila ng pagtutol nila.
Sabay sabing, "Anniversary namin ngayon, kaya kailangan ko siyang makita.",
Akala ko talaga sa palabas lang meron yung ganung eksena.
Yung imbes na susorpresahin mo siya, sa huli ikaw yung masusorpresa!
Kasabay ng paghulog nang mga regalong inihanda ko, ay siyang pagtulo ng mga luha ko,
Luha, di dahil sa sobrang pananabik at tuwa, kundi sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Imbes na umalis, ay lumapit pa ako sa inyo,
Nakita ko ang pagkabigla at guilt sa mga mata mo!
Mga emosyong ayaw ko sanang makita mula sayo,
Pero hindi mo man lang ito pinagkaabalahang itago.
"Sino siya?", nakangiting tanong ko sa'yo,
Pero hindi mo ako sinagot, bagkus ay binitawan mo ang mga katagang, "Pagod na ako, kaya't tapusin na natin to."
Sa ikalawang pagkakataon, pumatak ang mga luha ko.
Imbes na magsorry ka, at bawiin ang mga sinabi mo, ay umalis kayo at iniwan ako,
Naglakad palayo na ibang kamay ang hawak mo.
Kamay na dapat sana ay pag
mamay-ari ko!
Kasi nga ako yung girlfriend mo!
Ay mali, ex-girlfriend mo na nga lang pala ako.
Sana, hindi mo na lang pinaramdam sakin ang mga 'to,
Sana, una palang kung hindi mo kayang panindigan itong relasyon na 'to ay hindi na lang pala dapat natin binuo.Huwag kang pumasok sa isang long distance relationship, kung hindi ka naman pala handa,
Dahil sa huli, may taong lubusang masasaktan at uuwing hilam ang mga mata dahil sa luha.
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryMga salitang gustong-gusto kong binatawan ngunit kailanman hindi ko nagawa. I'm hoping that one day, you'll realize how much I cared for you. Hoping that writing could take away all my pains and memories of you. Para sa mga nasaktan, patuloy na na...