Entry 18

20 2 0
                                    

Rule # 18 Masakit umibig sa prinsepeng hindi naman ikaw ang prinsesa.

Nang makita kita,
Akala ko ikaw na ang lalakeng nakatakda kong makasama.
Lalakeng magpapaguho sa mga pader na aking nilikha,
Lalakeng mananatili sa aking puder sa hirap at ginhawa.
Pero mali sapagkat mahirap pala,
Ang umibig sa isang prinsepeng hindi ikaw ang kanyang prinsesa.
Hindi nga pala ako ang bida,
Ang puso mo'y nakatali na nga pala sa iba.
Akala ko nung una ako talaga,
Sino ba namang hindi mahuhulog sa'yong karisma't matatamis na mga salita?
Hindi ako nag-isip pa, dahil akala ko ikaw na talaga,
Ang lalakeng bigay nga sa akin ng tadhana.
Nakalimutan ko na pansamantala lang pala,
Ang pananatili mo't pagsasama nating dalawa.
Dahil kahit pilitin ko,
Iba parin ang nagmamay-ari ng iyong puso.
Hindi nga pala ako,
Ang prinsesang sinasabi mo.
Hindi nga pala ako,
Ang babaeng pinakamamahal mo.
Nakalimutan ko,
Isa nga lang pala akong panggulo.
Prinsesang umibig sa isang prinsipeng hindi naman siya ang gusto,
Prinsesang nagpadala lamang sa agos ng mundo.
Sino nga bang mag-aakala?
Na ikaw, ay mayroon na nga palang iba simula noong una?
Hindi ko naisip,
Na ang hangin ay pwedeng magbago ng ihip.
Dahil kung kagaano ka kabilis dumating,
Ganun ka din kabilis nawala sa aking piling.
Tama nga sila,
Ang puso ng tao ay di mo pwedeng madikta.
Hindi pwedeng turuan ang puso,
Kahit pa ikaw ang naaalala ng utak nito.
Tama nga sila,
Dahil ang memoryang kusang nawala ay babalik na lamang bigla.
Kusang babalik kaya nga ako'y sadyang nabigla,
Nang sambitin mo ang mga katagang mahal kita.
Mahal mo ako pero hindi ko ngalan,
Hindi ako ang babae na sa puso mo'y nilalaman.
Bakit naman ganito kapait?
Ang pag-ibig na dumating sa akin ng pilit?
Hindi ako ang nagpumilit na makasama ka,
Ngunit bakit ako ngayon ang lubusang lumuluha?
Bakit ako'y nahihirapang kumawala?
Sa pag-ibig na minsa'y inakala ko na ako ang bida.
Hindi ko mawari kung para saan pa?
Para saan ang mga salita kung ako at siya ay hindi iisa.
Hindi kami kailanman pwedeng maging isa,
Sapagkat ang puso nga niya ay nakalaan na para sa iba.
Hindi ba pwedeng ako muna?
Ako muna ang maging bida sa istorya.
Ako ang prinsesang iniibig niya,
Ako at ako lang ang babaeng pwedeng mahalin niya.
Hindi ba pwedeng baguhin ang takbo ng istorya?
Hindi ba pwedeng manatili siya at kami'y magsama ng mapayapa?
Hindi ba pwedeng burahin ang mga ala-ala ng nakaraan?
Hindi ba pwedeng ako ang babaeng sa kanya ay nakalaan?
Oo, alam ko namang hindi maari,
Hindi maaaring maging kami sapagkat siya ay nakatali.
Nakatali sa ala-ala ng nakaraan,
Nakatali sa pangako nilang magkasintahan.
Hindi kailanman mabubura ang mga ala-ala,
Makalimutan man ng utak, ang puso parin ang siyang magdidikta.
Magdidikta sa kung sino nga ba talaga,
Ang nais nitong makasama sa tuwina.
Tadhana o bakit kay lupit mo?
Ang prinsepeng aking nagustuhan ay di pwedeng manatali sa tabi ko.
Kailanman hindi pwedeng maging ako,
Ang prinsesang nagmamay-ari ng kanyang puso.
Tadhana, bakit sa dinami-dami ng prinsesa ay ako pa?
Ako pa ang napili mong maging tulay upang muli silang magkita.
Bakit kailangan ako pa ang maging mitsya?
Nang pag-guho ng mga ala-alang binuo namin ng magkasama.
Tadhana, bakit hinayaan mo siyang makalapit?
Makalapit at makapasok sa puso ko na walang hinihinging kapalit!
Bakit pinahintulutan mo ang landas nami'y magkatagpo?
Kung hindi naman pala ako ang prinsesang makakasama niya hanggang sa dulo.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa,
Matuwa dahil nagbalik na nga ang kanyang ala-ala.
O dapat nga ba ako'y malungkot,
Sapagkat kasabay nito ang aming ala-ala naman ay kaniyang tuluyang malilimot.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon