Entry 5

287 13 0
                                    

Rule #5 Huwag mong sabihing naka move on ka na kung alam mo sa sariling mong hindi pa naman talaga.

Nakita na naman kita,
Matapos ang ilang taon, heto, pinagtagpo na naman tayo nang tadhana!
Nakita ko ang pagkailang sa'yong mga mata,
Pagkailang na hindi ko malaman kung bakit nga ba?
Para saan pa?
Bakit kailangang mabasa ko pa?
Dahil ba may nararamdaman ka pa?
Dahil ba gusto mo parin ako at hindi siya?
Gusto mo bang humingi ng tawad at muli tayong magsimula?
Umaasa ka parin ba, na ikaw at ako talaga yung para sa isa't-isa?
May nararamdaman ka pa nga ba talaga?
O ako lang 'tong may nararamdamang kakaiba?
Kakaiba, tulad noong una kitang nakita,
Nakausap, nakakwentuhan at nakasama.
Bumalik sa akin lahat nang tanungin mo ako; pwede bang makishare ng table sayo?
Tumango at awtomatikong ngumiti ang mga labi ko sa'yo,
Nakakapagtaka kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa simpleng pagtabi mo.
Nakakapagtaka, dahil nakamove on na ako!
Alam ko sa sarili kong nakamove on na talaga ako, pero bakit natataranta parin ako?
Bakit sa bawat sulyap mo ay nakokonsyus ako sa sarili ko?
Bakit sa bawat pagsubo mo ay kabadung-kabado ako?
Yung amoy mong kabisadong-kabisado ko,
Yung mga ngiti't pagtawa mong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Naka move on na ba talaga ako?
Tanggap ko na bang "wala ng tayo"?
Tanggap ko na nga ba na iba na ngayon yung taong mahal mo?
Yung "siya" na dati ay ako?
Ako na lagi mong kasama sa lahat,
Ako na nag-alay sa'yo ng mundo't minahal ka ng tapat.
Naka move on na ako!
Naka move na ako, pero bakit puno parin ng alaala mo ang isipan ko?
Tanggap ko naman na, na kahit kailan wala ng ikaw at ako!
Tanggap ko na pero bakit sa tuwing matutulog ako 'tayo' parin ang laman ng panaginip ko?
Paulit-ulit kong sinasabing hindi na masakit,
Hindi na masakit ngunit sa tuwing nakikita ko ang mga litrato niyo bakit nakakaramdam parin ako ng kirot at pait?
Nakakangiti naman na ulit ako.
Nakangiti pa nga ako kahit pa 'kayo' na masaya ang hot seat sa kwento,
Nagpapatuloy parin naman ang buhay ko.
Kahit sa bawat sulok ng bahay, ikaw at ikaw lang yung nakikita ko!
Ikaw parin yung laman ng tula ko,
Sa'yo parin nakabase ang bida sa mga istorya ko.
Sa istorya, na kung saan "ako" parin yung bida,
Ako lang yung pinagtutuunan mo ng atensyon at wala ng iba!
Sa istorya kung saan patuloy akong nagmamahal,
Nagmamahal at naghihintay sa'yo kahit sobrang tagal.
Ang istoryang nagbibigay sakin ng saya,
Saya, na bumubuo ng araw ko kahit alam kong ang dahilan ay isa lamang pansamantala.
Ngayon, alam ko na kung bakit,
Bakit ko sinasabi sa lahat na nakamove on na ako mula sa'yo ng paulit-ulit!
Paulit-ulit hindi para kumbinsihin sila na ok na ako,
Kundi 'yon ay para kumbinsihin ang sarili kong wala na akong feelings sa'yo.
Para hindi naman ako magmukhang tanga sa harapan mo,
Dahil ikaw, nakamove on na, samantalang ako, hanggang ngayon nakakapit parin sa pangako na sabay nating binuo.

Huwag mong sabihing naka move on ka na, kung alam mo sa sariling mong hindi pa naman talaga,
Dahil sa huli, magmumukha ka lang tanga.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon