Rule #6 Kapag mahal mo ipaglaban mo, huwag mong hintayin na tuluyang mawala yung feelings niya sa'yo.
Fight for the one you love,
If you think he's the one who was sent to you from above.
Yan yung mga katagang binitawan ko nung una tayong pinagtagpo,
Mga panahong problemado ka pa sa ex mo.
Sakin ka pa nga madalas na humingi ng advice,
Madalas mong ikwento kung gaano mo siya kamahal, di lang once, twice kundi thrice!
Lagi kang nandiyan para sa kanya,
Kahit pa nga madalas kong makita, kung pano ka niya ipagtabuyan sa harap ng madla!
Hindi ko tuloy alam kung gaano ka ba katanga?
Dahil naghahanap ka pa ng iba, samantalang ako, na nasa harapan mo na nga, di mo pa makita-kita!
Tapos sasabihin mo sakin masakit?
Ako ba? Ni minsan nakita mo sa mga mata ko yung pait?
Pait sa tuwing nakikita kitang wasak,
Na siyang dumudurog sa puso ko sa tuwing nakikita ko ang mga luha mong pumapatak.
Pero ni minsan hindi ako nanumbat!
Ni minsan, di kita sinumbatan kasi alam ko ginagawa mo lang kung anong nararapat!
Napakaunfair ng mundo no?
Kung sino pa yung taong gusto mo, di pwedeng mapasayo.
Di pwedeng mapunta sa'yo dahil may nauna ng iba!
May ibang taong nagmamay-ari ng puso niya.
Yung puso niyang kay tagal mong hinangad,
Na sana balang araw, yung hiling mo tuluyan na ngang matutupad.
Masaya naman na kami, nung kaming dalawa lang diba?
Pero nung dumating siya, lahat nagbago na!
"Wala na yung dating siya at ako,"
"Ako na mahal niya at siya na minamahal ko."
Mga salitang out of the blue mong binigkas,
Yung ngiti kong napakatamis unti-unting kumupas!
Bigla-bigla gusto kong kumaripas ng takbo,
Kumaripas ng takbo palayo sa'yo!
Palayo sa mga kathang-isip na nilikha ko,
"Oo nga pala, di ako yung taong gusto mong makasama at kahit anong gawin ko, di ko mapupunan yung puwang na iniwan niya sa puso mo.".
Bigla kang napatitig sakin nung marinig mo ang mga salitang binitawan ko,
Agad naman akong tumalikod at tumingala para pigilan ang luhang nagpapalabo sa mga mata ko!
Kahit pa nga ramdam ko ang halo-halong emosyon na nararamdaman mo,
Di kita nilingon at nag-umpisang maglakad palayo sa'yo.
Lumipas ang mga taon, muli tayong pinagtagpo ng kapalaran,
Ni hindi ko alam kung pano ko papatigilin ang puso ko para tuluyan ng tumahan.
"Kamusta? Balita ko kasal ka na pala." nakangiti mong sabi,
"Oo, two years na." sagot ko namang di mapakali.
"Ikaw, ba't di ka pa kinakasal?" Tanong ko,
"Hinihintay ko kasi yung tamang oras na pwede ko na siyang ayain sa kasal." mapaklang sagot mo.
Aalis na sana ako pero napatigil ako sa mga sumunod na salitang binitawan mo,
Mga katagang kay tagal kong inasam na sana kahit minsan, masabi mo.
"Ang tagal kitang hinintay Lein, pero kasal ka na pala."
"Mahal kita sobra, pero mukhang huli na ako ng dating at kahit anong gawin ko wala na akong mapapala."
Nag-umpisang magsipatakan ang mga luha ko,
Dahil alam ko kung gaano kasakit ang nasa sitwasyon mo.
"Tama na, tapos na ang oras nating dalawa. Kung sana noon pa, baka sakaling naging masaya pa tayo ng magkasama."Kung mahal mo, ipagpaban mo.
Huwag mong antaying mawala yung feelings niya sayo.
Dahil ang oras na nawala,
Ay hindi na pwedeng ibalik kahit paulit-ulit ka pang lumuha at ngumawa.
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PuisiMga salitang gustong-gusto kong binatawan ngunit kailanman hindi ko nagawa. I'm hoping that one day, you'll realize how much I cared for you. Hoping that writing could take away all my pains and memories of you. Para sa mga nasaktan, patuloy na na...