Entry 20

28 2 0
                                    

Rule # 20 Kung gaano kabilis gumawa ng tula, sana ganun din kabilis na limutin ka.

Paano kaya kung tayo parin?
Paano kung sa huli ikaw parin ang aking iibigin?
Paano ba ang limutin ka?
Kung kahit san ako lumingon, ika'y aking nakikita.
Nakikita ko parin kung paano tayo nag-simula,
Nasa akin parin ang mga sula't mo't tugma.
Oo tama ka,
Hanggang ngayon mahal parin kita!
Mahal kita kahit hindi na tama,
Hindi na tamang ibigin ka dahil mayroon ka na ngayong iba.
May iba ng babaeng pumupukaw ng iyong atensyon,
May iba ng babaeng nagbibigay kulay sa inyong komunikasyon.
Pero kahit na ganoon,
Mahal kita mula noon magpahanggang ngayon!
Mahal parin kita,
Kahit ang puso ko'y labis paring nasasaktan sa'yong ginawa.
Mahal parin kita,
Kahit na masakit ay ikaw parin ang tinitibok ng puso ko sinta.
Ang tanga ko na ba?
Dahil hanggang ngayon ikaw parin ang mga paksa sa aking tula.
Tayo parin ang mga bida sa istorya,
Ikaw at ako parin ang masayang magkasama sa tuwina.
Sa aking istorya,
Tayo paring dalawa.
Walang siya na umagaw ng eksena,
At walang siya na nagbibigay sa'yo ng ngiti't sigla.
Nakakatawa hindi ba?
Na kahit matagal na tayong wala ay ikaw parin ang aking paksa.
Ikaw at ikaw parin ang nais kong para sa akin,
Kahit pa ilang libong beses kong sabihing hindi ka na nga mapapasa akin.
Hindi ka na sa akin,
Pero bakit ang puso ko'y na sa'yo parin?
Bakit ikaw parin ang laman ng isip at damdamin?
Bakit patuloy parin akong humihiling na sana muli tayong pagtagpuin?
Nakakatanga hindi ba?
Na kahit sampalin ko pa ang sarili ko'y mahal parin talaga kita!
Na kahit anong gawin ko, sa aking puso'y ikaw parin ang dinidikta.
Ikaw parin ang aking hinahanap,
Ikaw parin ang laman ng aking mga pangarap.
Kung sana kasing bilis ng pag gawa ko ng tula,
Ang paglimot sa'yo ay matagal ko na iyong ginawa.
Gusto ko na muling maging masaya,
Gusto ko na muling gumawa ng tula na hindi na ikaw ang paksa.
Nais kong maging maaliwas muli ang lahat,
Nais kong magmahal muli ng tapat.
Higit sa lahat,
Nais kong mabuksan muli ang puso ko sa taong karapat dapat.
Sana kung gaano kabilis gumawa ng tula,
Ganoon din sana kabilis magbura ng ala-ala.
Mga ala-alang nagpapasakit sa akin sa tuwina,
Mga ala-alang nagbibigay lungkot sa aking mga mata.
Sana kung gaano kabilis gumawa ng tula,
Ganoon din sana kabilis mabago ang tadhana.
Mabago at mailihis ang landas,
Upang hindi ikaw ang siyang nagturo sa aking magmahal ng wagas.
Sana kung gaano kabilis gumawa ng tula,
Ganoon din sana kabilis na talikuran ka.
Talikuran ang mga pangakong aking nagawa,
Pangakong ikaw parin kahit pa sumuko ka na.
Sana kung gaano kabilis gumawa ng tula,
Ganoon din sana kabilis mamatay ang pag-ibig na ipinunla.
Pag-ibig na diligan ko ng oras at buong atensyon,
Pag-ibig na pwedeng magdala sa kin ng mapait na leksyon.
Sana kung gaano kabilis gumawa ng tula,
Ganoon din kabilis na kalimutan ka.
Kalimutan ka at magsimula ng panibagong umaga,
Panibagong umaga na walang ikaw na sumisira sa eksena.
Walang eksenang ikaw at ako,
Walang tayo na kailangang makalimutan ko.
Sana kung gaano kabilis gumawa ng tula,
Ganoon din kabilis maawat ang mga luha.
Mga luhang nagpapatunay na sobra-sobra na,
Sobra na akong nagpapakatanga sa taong hindi na ako ang gustong makasama.
Sana kung gaano kabilis gumawa ng tula,
Ganoon din kabilis maghilom ang mga sugat na aking dinadala.
Mga sugat mula sa nakaraan,
Nakaraan na akala ko ay magpapatuloy hanggang sa kinabukasan.
Sana kung gaano kabilis gumawa ng tula,
Ganoon din kabilis tumatak sa isip ko ang mga salitang tama na.
Tama na sa pagiging tanga,
Tama na sa pag-iyak sa taong sumuko na.
Tama na sa pagpapakahirap,
At tama na sa pangangarap.
Sana kung gaano kabilis gumawa ng tula,
Ganoon din sana kabilis mamuhay ng mag-isa.
Mamuhay ng mag-isa kahit na mahirap sa una,
Mahirap sapagkat sinanay mo akong andiyan ka sa tuwina.
Sinanay mo ako sa iyong prisensya,
Sinanay mo ako na di ka kailanman pwedeng mawala.
Sana kung gaano kabilis gumawa ng tula,
Ganun din kabilis kumawala sa pagdurusa.
Pagdurusa na hindi ko mawari kung bakit pa nga ba?
Bakit ba kailangan akong magdusa sa iyong iniwang mga ala-ala?
Bakit kailangan akong paulit-ulit na masaktan?
Bakit hindi parin ako makahakbang ng marahan?
Sana kung gaano kabilis gumawa ng tula,
Ganoon din sana kabilis ipaintindi sa puso ko ang mga salitang tayo ay tapos na.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon