Entry 3

444 17 0
                                    

Rule # 3 Kapag friends lang sabihin mo agad para naman hindi ako magmukhang tanga na naghahangad.

Isa, dalawa, tatlo wala pa yung bilang ng lima nandiyan ka na,
Nandiyan ka na mabilis magreply sa message ko kahit na walang kakwenta-kwenta.
Nandiyan ka upang patahanin ako,
Nandiyan ka na tumititig at ngumingiti sakin na para bang 'ako' lang yung tao sa mundo.
Nandiyan ka na handang tumulong sa mga reports, projects, at iba pang school works ko,
Nandiyan ka na oras-oras pinaparamdam na mahalaga ako.
Sa school, madalas tayong magkasama,
Magkasama sa pagpasok, pag-uwi, pag-kain na para bang 'tayo' talaga!
Madalas pa nga nila tayong tuksuhin,
Ngunit ang sabi mo sa kin, hayaan ko sila, 'tayo' yung dapat kong intindihin.
Tayo, na sabi mo ay dapat kong pagtuunan nang pansin,
Na dahilan kung bakit kahit wala naman talagang 'tayo', yung feelings ko sa'yo di ko na kayang patigilin.
Isa, dalawa, tatlo pauulit-ulit na nagrerepley sa isipan ko,
Na sa bawat gestures mo, sobrang damang-dama ko!
Na sa bawat sasabihin mo, inaabangan ko yung pag-amin mo,
Yung paglinaw, sa kung ano mang estado ang meron tayo.
Isa, dalawa, tatlo, ilang beses kong tinanong sa sarili ko kung ano nga bang meron sa'yo?
Na nagbibigay sakin, ng samu't-saring emosyon na pwedeng maramdaman ng isang tao sa mundo.
Kung yung feelings ko at feelings mo ay iisa nga ba?
Kung darating ba yung araw, na sasabihin mo sakin yung mga katagang "mahal kita".
Yung klase nang pagmamahal na hindi pagtingin kaibigan,
Hindi kaibigan, dahil ang gusto ko ay kai-bigan!
Na kahit pa isang beses lang sa isang taon tayo magkita ay ok na ako,
Ok na sakin, basta alam kong 'ako' yung iniibig mo!
Na may katumbas yung pagmamahal ko sayo,
At kahit saan man tayo mapadpad merong "tayo" na pangkakapitan ko.
Pagmamahal, na hindi ko alam kung bakit hindi mo man lang makita,
Hindi ko tuloy matukoy kung tanga ka lang ba o sadyang bulag ka lang talaga!
Dahil sa tagal ng panahon, hanggang ngayon yung feelings ko hindi parin nagbabago,
Na akala ko, lilipas din lahat ng 'to.
Na bukas makalawa yung nararamdaman ko bigla na lang maglalaho,
Na finally, masasabi ko na sa sarili kong naka move-on na ako sayo!
Move-on, kahit pa nga wala naman talagang 'tayo'.
Pero nagkamali ako, dahil sa huli tuluyan akong nalunod sa pagmamahal ko sa'yo.

Sana, kapag friends lang sabihin mo na kaagad para naman hindi ako magmukhang tanga na naghahangad,
Naghahangad, na yung salitang 'tayo' ay tuluyan na ngang matutupad.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon