Rule #16 Bida-kontrabidang niligawan ngunit sa huli'y iniwan.
Hindi ko mawari kung bakit bigla kang nanlamig,
Gusto kitang tanungin ngunit sa tuwing ibubuka ko ang aking bibig ay nawawalan ako ng tinig.
Na tanging maririnig ko lamang ang tibok ng puso ko,
Yung kabog ng dibdib ko sa tuwing maiisip ko yung masayang kayo.
Aking sarili'y di maintindihan,
Kung galit o pagmamahal pa ba ang aking nararamdaman.
Pagmamahal pa nga ba?
Sa tuwing tutunghayan kita'y nakikita ko siya.
Nakikita ko ang kislap sa'yong mga mata,
Kislap na di ko mawari kung dahil nga ba sa akin o dahil sa kanya?
Pagmamahal pa nga ba?
Sa tuwing lalapit ka ay nakakaramdam ako ng kakaibang kaba.
Sa tuwing bubuka ang bibig mo'y tila mauubusan ako ng hininga!
Sa tuwing tititig ka sa akin ay nakakaramdam ako ng awa,
Sa tuwing ngingiti ka'y di na ako nakakaramdam ng saya.
Pagmamahal pa nga ba?
Sa araw-araw na kasama kita'y isip at diwa mo'y tila di ko na kasama.
At pilit kong ipinipikit ang aking mga mata,
Sa tuwing hahawakan mo ang telepono mo na may kakaibang sigla.
Sigla na unti-unting nawawala kapag ako'y yong kasama,
Heto't matatapos na naman ang araw na di ko man lang natunghayan na ika'y masaya.
Di ka na nga ba masaya?
Ayaw mo na nga ba akong makita't makasama?
Iba na ba talaga ang tinitibok ng iyong puso?
Siya na nga ba talaga at hindi na ako?
Maraming katunungan sa aking isipan,
Gustuhin ko mang marinig ang mga kasagutan ngunit di ko mawari kung pano ko ba uumpisahan.
Paano nga ba kayo nag-umpisa?
Paano nga ba ako naiwang mag-isa?
Kailan pa?
Kailan mo pa natutunang magsinungaling para lang makasama mo siya?
Bakit?
Bakit sa mga matatamis mong salita nakakaramdam na ako ngayon ng pait?
Gusto kitang sigawan!
Ngunit pati sarili ko'y di ko na maintindihan!
Di ko na alam kung ano ang dapat gawin,
Di ko alam kung paano ko pa pagtatagpiin ang puso mo't damdamin.
Dapat pa nga ba akong manatili?
Manatili kahit na sa bawat minutong dadaan ay di na ako mapakali.
Hindi ako mapakali,
Sa bawat matatamis na salitang binibitawan mo alam kong may mali.
Maling tao ang pinag-aalayan mo ng salita,
Maling tao sapagkat hindi naman na ako kundi siya na.
Siya na ang gusto mong makasama ngunit di mo yun magawa,
Di mo magawa dahil nakakaramdam ka sa akin ng awa.
Tama ba?
Tama ba ang aking mga hinala?
Ako ba'y di mo kayang iwan?
O gusto mo lang na patuloy akong masaktan hanggang sa tuluyan kitang bitawan?
Sabagay maganda nga 'yon,
Para lahat ng bagay ay naaayon.
Naayon sa plano mong iwan ako,
Pero kailanman di ka magiging masama sa paningin ng mga tao.
Dahil sa huli,
Ako at ako lang naman ang masisisi.
Ako ang sisisihin ng lahat,
At sasabihing hindi ako naging tapat.
Na kaya kita binitawan dahil mayroon akong iba,
Mayroong iba kaya't pag-ibig ko'y bigla nalamang nawala.
Alam ko na,
Una pa lang alam ko na.
Ngayon naiintindihan ko na,
Malinaw na malinaw na sa aking ang plano mo magmula nung umpisa.
Naging tayo lang para pagselosin siya,
Naging tayo lang dahil gusto mo siyang lubusang makilala.
Makilala't magkaigihan saka mo ako iiwang mag-isa!
Alam ko na,
Pero kahit alam ko na ay aayon ako sa takbo ng tadhana.
Tadhanang pag-iwan mo sa akin ng mag-isa,
Aayon ako dahil alam kong 'yon ang nakatakda.
Nakatakdang mangyari kahit alam kong hindi tama,
Hindi tama pero magpapatuloy ako dahil mahal kita!
Mahal kita kahit na una pa lang alam kong hindi na ako kundi siya,
Kahit sa una pa lang napipilitan ka na dahil sa alam ng buong madla.
Tama ka,
Alam ko ang plano mo simula nung una.
Tama ka,
Pilit akong nanatili kahit na hindi talaga ako ang gusto mong makasama.
Tama ka,
Naging kontrabida akong nang-agaw lang ng eksena.
Kaya't sige, gagawin ko na,
Papakawalan na kita para makasama mo na siya.
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoesiaMga salitang gustong-gusto kong binatawan ngunit kailanman hindi ko nagawa. I'm hoping that one day, you'll realize how much I cared for you. Hoping that writing could take away all my pains and memories of you. Para sa mga nasaktan, patuloy na na...