Entry 15

21 1 0
                                    

Rule # 15 Tama na, papakawalan na kita

Ilang libong beses akong nag-isip kung tama ba?
Tama nga bang pakawalan na kita?
Tama bang tumigil na?
Sa relasyong unti-unti ng nabubura sa ating alaala.
Alaala na akala ko habang buhay ay kaya kong ipaglaban,
Ipaglaban dahil akala ko ikaw mula noon, sa kasalukuyan maging sa aking kinabukasan!
Ilang libong beses akong pilit kumakapit,
Kumakapit kahit na sa totoo lang ay sobra sobra na ang sakit!
Nangangalay na ang mga kamay ko sa pag-aantay,
Namamanhid na ang puso kong nakatarak na pala sa isang bagay!
Isang bagay na kailanman di ko binigyang pansin,
Di ko pinagtuunan ng atensyon dahil alam kong di mo yun makakayang gawin!
Di mo maaring gawin,
Dahil nangako kang sa akin ka lang titingin.
Ako lang dapat ang pwede mong mahalin,
Ako lang ang siyang dapat mong bigyan ng pansin!
Sapagkat yun ang pinaramdam at ipinangako mo,
Ipinangako mo na kailanman di ako mawawala sa paningin mo.
Kailanman di pwedeng mangyari dahil ito ay siyang ikamamatay mo,
Ngunit ang pangako mong kay tagal kong pinanghawakan ay bigla na lang naglaho.
Naglaho na wala man lang pa abiso,
Walang pa abisong manyayanig sa aking mundo.
Walang pasintabi,
At ngayon ay tila wala na akong masasabi.
Di ko alam kung ano nga bang nangyari,
Di ko alam kung ano ang nagawa kong pagkakamali.
Ngunit kahit na masakit at ako'y nagugulahan parin,
Ang mga kasagutan sa mga katanungan na 'to ay 'di ko na kailanman hahagilapin.
Di na ako magbabakasaling magbabalik pa ang yong dating pagtingin,
Hindi na ako aasang may magbubuklod pang tali sa atin!
Dahil ikaw ang tuluyang bumitaw,
Unti-unting nawawala maging sa aking balintataw!
Kaya't patawarin mo ako sa desisyon kong ito,
Di ko na kaya pang maghintay sa muling pagbabalik mo.
Pagbabalik na di rin naman ako sigurado,
Kaya't nararapat na nga talagang alisin ka sa magulong sistema ko.
Sistemang akala ko noon ay tuluyan ng naayos,
Ngunit mali, dahil tila isa 'tong lobong numinipis sa bawat pagyapos!
Muli, humingi ako sa'yo ng pahintulot,
Upang ang mga alalala natin ay tuluyan ko ng mabaon sa limot!
Mga ala-alang akala ko dati ay magbibigay ngiti't saya na walang makakaabot,
Ngunit ngayon ang mga ala-alala na 'yon ay nagsilbi ng mga bangungot!
Bangungot mula sa nakaraang akala ko ay walang hanggan,
Walang hanggan dahil minsa'y umasa ako na ikaw parin ang siyang aking magiging kinabukasan.
Ngunit nangyari na ang 'di dapat mangyari,
At muli, aaminin ko, hanggang ngayon di ko parin mawari.
Di ko lubos maisip ngunit ito na ang hudyat sa aking desisyon,
Desisyon na minu-minutong guguluhin ako kahit pa mabuti ang aking intensyon.
Muli nakikiusap ako sa'yo tayo'y tumigil na,
Utang na loob, patigilin na ang mga ala-alang minsa'y pinagsaluhan nating dalawa!
Dahil ang gagawin kong 'to ang siyang ikabubuti nating dalawa,
Kaya't pakiusap, tama na, papakawalan na lamang kita.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon