Rule #13 Pag-ibig sa taong di mo pwedeng makuha.
Paano nga ba malalaman kung umiibig ka na nga?
Pag-ibig nga ba, o takot ang aking nadarama?
Takot, na bukas, makalawa wala ka na,
O pag-ibig dahil ikaw ang dahilan sa kislap sa aking mga mata?
Ano nga ba talaga?
Paano nga ba malalaman kung minamahal na nga kita?
Mahal na nga ba kita?
O isa lamang 'tong likha ng aking malayang diwa?
Diwa na kung saan ako'y muling nakalaya,
Nakalaya sa mapait kong tadhana.
Pagmamahal nga ba ang aking nadarama?
Sa tuwing ika'y nasa malapit ako'y sumisigla.
Tila isa kang majika na nagbibigay sakin ng halina't saya.
Sa mga kilos mo't mga lihim na sulyap,
Sa pagngiti mong nagbibigay sakin ng ilang beses na pagkurap.
Ang boses mong kay lamig,
Ang pagsasalita mong tila isang napakagandang himig.
Ang pagsasalubong ng mga kilay mo sa tuwing ika'y naiinis,
Ang mukha mong napaka amo't napaka kinis.
Ang bala't mong porselana,
Ang presensya mong takaw eksena.
Misteryosong nilalang sa mundong ibabaw,
Sa simpleng pagtingin mo lang di na ako makagalaw.
Animo'y isa akong estatwa sa tuwing mapapadaan ka,
Walang emosyong pwedeng ipakita.
Natatakot, na sa aking paningin, bigla ka na lamang mawala,
Mawalang bigla at kailanman hindi na muling magpapakita.
Pipilitin kong itago ang aking naradama,
Kahit pa ilang beses tayong pagtagpuin ng tadhana.
Paulit-ulit akong iiwas ng tingin,
Nang di mo malaman ang tunay kong damdamin.
Ikaw, na siyang iniibig ko,
Taong tanging laman ng puso't isipan ko.
Napakalapit pero di pwedeng magtagpo,
Sapagkat ikaw ay bahagi na ngayon ng kanyang mundo.
Tandaan, sa mundong ito may mga bagay na di maaring mapasayo.
Tulad ng pag-ibig na inaasam mo sa maling tao!
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryMga salitang gustong-gusto kong binatawan ngunit kailanman hindi ko nagawa. I'm hoping that one day, you'll realize how much I cared for you. Hoping that writing could take away all my pains and memories of you. Para sa mga nasaktan, patuloy na na...