Entry 8

216 8 0
                                    

Rule #8 Matuto kang manindigan sa desisyon na 'yong nasimulan.

Bakit ba sa simpleng pagtatanong mo, ang bilis kumabog nitong puso ko?
Walang atubiling pagbagal ng manibela mo, para lang makamusta ako.
Sa simpleng pagtanong mo, ng "Ok ka lang ba?"
Agad-agad, bumabalik na naman ako sa pagiging tanga.
Akala ko ba, ok na ako?
Tanggap ko naman ng hindi na pwedeng maging tayo!
Nakatali ka na ngayon sa isang panghabambuhay na pangako,
At ako nama'y, malapit ng pumasok sa relasyon na kung saan ang mga bida ay hindi na "ikaw" at "ako".
Tama na, itigil na natin ang kahibangang ito,
Dahil kahit anong pilit ipaglaban ang kung anong meron tayo, maling-mali parin sa mga mata ng ibang tao.
Maling-mali, na ipagpatuloy ang pag-iibigan nating dalawa!
Pag-iibigan na "tayong dalawa" lang naman ang siyang sumusuporta.
Hindi ko kayang makita na tayong dalawa lang ang siyang masaya!
Hindi ko kayang hilingin sa kanya,  na sana, yung "tayo" ay mabigyang muli ng tsyansa.
Kaya puso, maghunusdili ka,
Tigilan na ang pag-iilusyong babalik pa siya!
Siya, na unang bumitaw sa pangako niyong panghabambuhay,
Siya, na hindi nagdalawang isip na iwan ka at hayaang malumbay.
Siya na walang pusong nanakit ng damdamin mo,
Siya na dumurog sa gamunting pag-asa mong, may magmamahal sa'yo ng wagas at totoo.
Siya na nang-iwan ng walang paalam,
Siya na dahilan kung bakit ang mga mata mo ngayo'y hilam.
Siya na lalakeng di marunong makuntento,
Higit sa lahat, siya na ngayon ay masaya na sa piling ng ibang tao.
Puso, maghunusdili ka!
May mga taong masasagasaan kapag nagpadala ka sa panunuyo niya.
Panunuyo na panandalian lang naman,
Kumbaga sa salita, wala namang kabuluhan!
Ang pag-ibig niya sa'yo ay isa lamang laro,
Laro, na siya lang ang bukod tanging uuwing panalo.
Ang taong dapat mong pagtutunan ng pansin, ay siyang taong kasa-kasama mo ngayon,
Ang bukod tanging lalakeng tumulong sa'yo upang muli kang makabangon.
Pagbangon mula sa pait at lungkot na dulot ng kahapon,
Kahapon, na siyang nagbabadyang sumira sa kasiyahan mo ngayon.
Ngayon puso, malinaw na ba sa'yo ang lahat?
Kung sino ang lalakeng mas karapat-dapat?
Kung sino ang dapat bigyan ng tsyansa,
Tsyansa, na dapat ibinibigay lamang sa taong tunay na mahalaga!

Matuto kang manindigan sa desisyon na iyong nasimulan,
Dahil ang oras na lumipas, kailanman ay di mo na pwedeng balikan.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon