Entry 14

57 1 0
                                    

Rule #14 Pagbitaw sa taong di na natatanaw

Heto na naman ako,
Nasasaktan sa mga ideyang 'di naman totoo.
Hindi totoo pero hindi rin naman biro,
Magulo ba? Oo kasinggulo ng sistema ko.
Bakit ka nga ba nagpapakita ng motibo?
Kung simula't-sapul pa lang di naman pala ako ang iyong gusto.
Hindi ako, pero sakin ka nangako,
Pangakong tila mauuwi na naman sa pagkapako.
Ano ba talaga?
Ako ba o siya?
Paulit-ulit na katanungan walang katunugan,
Walang kahahantungan.
Wala, pero bakit masakit?
Bakit sa pangako, kailangan makaramdam ako ng pait?
Mga salitang walang laman,
Subalit ang sakit ay tagos hanggang kalamnan!
Umasa ako sa wala,
Inisip ko na iba ka sa kanila!
Iba ka sa madaming dahilan,
Ngunit mali ako, dahil kailanman di kita naintindihan!
Paalam sa mga pangakong napako,
Paalam sa mga alaalang unti-unti ng naglalaho.
Paalam sa mga ngiti't kilig,
Paalam sa malagkit na titig.
Ako'y umaasang ito na sana ang huli,
Ito na ang huling tula na may pagkamuhi.
Una't huling tula na ikaw ang laman,
Huling beses na gugulo sa aking isipan.
Pinapalaya ko na ang sarili ko mula sa ideyang di na magkakatotoo,
Di magkakatotoo kahit pa baligtarin natin ang mundo.
Ikaw ang unang bumitaw,
Kaya't binabawi ko na ang kamay kong naligaw.
Naligaw sa landas na ikaw ang siyang may gawa,
Ako'y kakawala sa hawla na walang sigla.
Muli kong ibubuka ang aking pakpak,
Hahanapin ang aking kaligayan kahit ilang beses pa akong lumagapak.
Naway sa paghahanap kong 'to ay hindi na tayo muling magtagpo,
Sapagka't ikaw ang puno't dulo kung bakit ako nagpasyang lumayo.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon