Entry 2

605 16 0
                                    

Rule #2 Kung may girlfriend ka magpakaloyal ka naman

Maraming nag popost sa social media,
Bakit daw walang nagtatagal sa kanila, kesyo mabait, masipag at gwapo naman din sila tulad ng iba.
Pero naitanong mo na ba sa sarili mo?
Yung mga linyang, "Bakit nga ba talaga iniiwan ako?"
Kuya, baka naman kasi gamer ka?
Kaya pati sa real life, nagpapaka player ka.
Akala mo siguro, ok lang, dahil nga yun yung "uso",
Napapanahon, kaya sa tingin mo pwedeng pagsabayin yung una, pangalawa at pangatlo mo.
Nakakagago, diba?
Yung aasta kang loyal sa harapan nila?
Tapos malilingat lang saglit yung una, katext mo na agad yung pangalawa,
Ibang klase!
Na kahit anong gawin mo, hindi ka mahuli-huli dahil sa galing mong umarte.
Brad, hindi nakakagwapo yung ganyan,
Hindi porket uso, kailangan mo na ding makipagsabayan.
Yung pakikipagrelasyon, hindi laro na pwede mong paglaruan,
Hindi yan dota, coc, mobile legends o rules of survival na pwedeng balik-balikan.
Tao din siya, napapagod, umiiyak at nagsasawa,
Sa kakaintindi sa relasyon niyo, kahit pa sa tutuusin ay nakapalabo naman na.
Ano bang hinihintay mo?
Yung mawala muna siya sa tabi mo?
Bago mo marealize kung gaano siya kahalaga sa'yo?
Huwag mo nang hintayin na kayo'y magkalayo,
Bago ka gumawa ng effort.
O bago mo siya I comfort!
Huwag mo nang hintaying maging huli na ang lahat,
Dahil hindi mo lang alam, baka bukas makalawa yung relasyon niyo, tuluyan nang magka "lamat".
Pahalagahan mo siya araw-araw,
Simpleng oras mo lang, paniguradong buo na ang kanyang araw.
Ang babae, kahit malakas ang "toyo",
Paniguradong loyal yan sa'yo.
Na kahit pa madami siyang crush, paglubog ng araw, ikaw at ikaw parin yung mahal niya,
Kahit pa nga payuhan pa siya ng mga kaibigan niyang layuan ka na.
Magmamatigas 'yan, at sasabihin na ikaw lang yung taong para sa kanya,
Na kahit pa nasasaktan na siya sa mga pinaggagawa mo, ikaw parin yung gusto niyang makasama.
Tapos ipagpapalit mo lang siya?
Diyan sa babaeng bago mo lang nakilala't nakasama?
Pagkatapos, pag tuluyan na siyang mawala,
Saka ka naman magkukumahog na habulin siya!
Na kung kailan may sumalo na sa kanya at itinuring na prinsesa,
Saka ka manggugulo at sasabihing bigyan ka niya ng isa pang tsyansa?
Pano kung ayaw na pala niya?
Pano kung yung taong kasama niya na ngayon ay mahal na din niya?
Pano kung lahat ng effort niya sayo noon sobrang naappreciate ng bago niya ngayon?
Pano ka na makakabangon?

Kaya kung may girlfriend ka na magpakaloyal ka naman!
Dahil yung feelings niya, hindi manyika na pwede mong paglaruan.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon