Entry 9

242 6 0
                                    

Rule #9 Mahalin mo siya habang mahal ka pa niya, dahil hindi sa lahat ng oras ay kasama mo siya.

Masaya naman tayo noon,
Kahit hindi tayo nagkakausap, andiyan ka parin sa tabi ko sa buong maghapon.
Naging kampante ako, na ako lang,
Hindi ako nag-isip, nagtanong, nag-effort dahil alam kong andiyan ka lang.
At kailanman, hinding-hindi mo ako iiwan!
Hindi mo ako kayang iwan, dahil sa pangako nating walang hanggan.
Walang hanggang pagmamahalan,
Walang hanggang pag-iibigan!
Pag-iibigan, na akala ko wala ng katapusan,
Pero nagkamali ako, dahil umalis ka at iniwan akong luhaan.
Pagod ka na ba?
Pagod ka na bang umasa sa wala?
Umasa na magiging normal ang relasyon natin, tulad ng sa kanila?
Kaya ba umalis ka at kailanman di na babalik pa?
Kaya ba mas pinili mong iwan ako at magpatuloy ng mag-isa?
Pagod ka na ba?
Pagod ka na bang umintindi at mag-adjust para sa 'ting dalawa?
Hindi mo na ba talaga kaya?
Hindi mo na ba talaga ako mahihintay na mahalin ka?
Na ipakitang mahal na talaga kita simula nung una.
Mahal naman talaga kita, pero bakit ka nawala?
Bakit iniwan mo ako gaya nila?
Bakit umalis ka na hindi ako kasama?
Mahal naman kita,
Mahal kita higit pa sa sobra!
Mahal kita kahit minsan, nakakairita na!
Nakakairata yung pangungulit mong tila isang bata.
Yung paglambing mo na tila ba wala ng bukas!
At yung pagmamahal mong tunay at wagas.
Natakot lang naman ako,
Natakot akong masanay na ikaw ang nasa tabi ko.
Natakot lang naman akong magmahal,
Magmahal ng sobra, sa relasyong alam kong, di magtatagal.
Patawarin mo ako kung di kita pinahalagahan,
Patawarin mo ako sa mga panahong ilang ulit kitang pinagtabuyan.
Patawarin mo ako kung naging duwag ako,
Kung hindi ako nagpakatotoo sa harapan mo.
Natakot lang ako sa ideyang mawawala ka din naman,
Natakot ako na magmahal ng lubos tapos sa huli, ako'y iiwang luhaan.
Sana, di na lang kita pinagtabuyan noon,
Nang kasama parin sana kita hanggang ngayon.

Mahalin mo siya, habang mahal ka pa niya,
Dahil hindi sa lahat ng oras ay makakasama mo siya.
Hindi sa lahat ng oras ikaw ang magiging mundo niya,
Ang taong napabayaan ay maghahanap ng iba na magmamahal din sa kanya.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon