Rule # 4 huwag kang pafall
Sabi nila, wala daw magpapafall kung alam nilang walang mafofall,
Parang walang magpapaasa kung walang aasa.
Yung magkaibigan lang kayo, pero kung umasta siya eh parang "kayo" na,
Yung lagi siyang nandiyan para damayan ka.
Yung ang bilis niyang magreply sa chat at message mo na parang 'sayo' lang ginugugol yung oras niya,
Teka, sandali, mukhang napapangiti ka na ata.
Yung mga salitang binibitawan ko, tumatagos na ba?
Isa ka ba sa mga taong nadale sa salitang "walang label"?
Yung araw-araw niyang ipinaparamdam na kasing halaga ka nang kanyang "barbel".
Barbel, na nagpapanatili ng kanyang kagandahan o kakisigan,
Kagandahan na hindi lang pang pisikal na kaanyuhan.
Na hindi mabubuo yung araw niya kapag di ka niya nakakasama,
Panay ang send niya ng mga long sweet messages na nagbibigay sa'yo nang assurance na "ikaw" lang talaga!
Yung mga "I love you" at simple gestures niyang nagdudulot sayo nang sobra-sobrang tuwa,
Pakiramdam mo tuloy, isa kang tunay na prinsesa.
Yung mga paghahatid-sundo niya sayo,
Yung simpleng pagpupunas niya sa mga pawis mo.
Pagpapahawak o di kaya paglalapag niya sa cellphone niya sa mesa sa tuwing kasama ka niya,
Yung mga salita niyang pinanghahawakan mo talaga.
Mga mensaheng sobrang sweet,
Mga ngiti't titig niyang sobrang lagkit!
Pagpapaalala niya sayo na mahalaga kana sa buhay niya,
Kaya tuloy nakakaramdam ka ng selos, sa tuwing may kasama siyang iba.
Nagdudulot sayo nang tampo sa tuwing makikita mo siyang online, pero wala ka namang mensaheng natatanggap mula sa kanya,
Nawala na lahat ng mga nakagawian niya.
Kaya ang ending, hindi mo maiwasang magdamdam at masaktan!
Pano ba naman kasi, nagbigay siya nang mga sensyales na animo'y mayroon ka na ngang karapatan!
Karapatan na magdemand ngboras at atensyon mula sa kaniya,
Atensyon na hindi mo naman hiniling na ibigay sa'yo mula nung umpisa!
Nawala tuloy sa isip mo na hindi nga pala siya "sayo" at hindi karin naman "kanya",
Wala ka nga palang karapatang manumbat, magalit at higit sa lahat magdemand dahil wala namang "kayo" tulad ng meron "sila".
Bukod sa masakit sa ulo at sa puso ay sobrang labo pa nang sitwasyon,
Hindi mo tuloy matukoy kung ano nga ba ang pinaka magandang solusyon.
Solusyon na magpapagising sa'yo mula sa katotohanan,
Na walang "kayo" kaya wala kang karapatang masaktan!
Masaktan mula sa mga nakikita mo,
Na kahit pa nanlalambot na yang mga tuhod mo ay pilit mo paring naglalakad nang diretsyo.
Diretsyo at walang lingun-lingon pa!
Para hindi mo nga naman makita, na masaya na siya sa "iba"!
Na wala na yung dating "kayo",
Ay mali, pasensya na nakalimutan ko, wala nga palang "kayo"!
Masakit ba?
Ngayon narirealize mo na bang sobra ka nang nagpapakatanga sa kanya?
Pero bakit kahit alam mo na, wala ka paring lakas ng loob na tanungin siya?
Dahil ba sa kadahilanang ayaw mong tuluyan siyang mawala?
Kaya kinukulong mo yung sarili mo sa kaisipang "siya" parin talaga?
Siya parin yung taong gusto mong makasama sa pagtanda!
Na kahit sobrang sakit sige, pilit ka paring kumakapit,
Pilit kumakapit, dahil umaasa kang bukas makalawa muli kayong magkakalapit!
O dahil ba wala kang lakas ng loob para kumprontahin siya?
Samantalang siya, bukod sa may lakas ng loob sobrang kapal pa ng pagmumukha!
Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng kapal nang mukha na irampa yung bago niya,
Irampa sa mismong harapan mo, na animo'y walang namigatan sa inyong dalawa!
Sobrang nakakairita!
Nakakairita siya pero mas nakakairita yung taong tulad mong patuloy paring nagpapakatanga!
Paulit-ulit na nagpapakatanga kahit napakalabo na nga,
Malabong ng bumalik "kayo" sa umpisa!
Sa umpisa kung saan ikaw at siya yung mga bida sa eksena!
Ngayon nagbago na ang lahat dahil nga sa nag-iba na siya nang kapareha,
Hindi na "ikaw", kundi yung "bago" niya, yun na ang bida.
Yung pagtitinginan ka na lang ng mga tao na tila ba ikaw yung "kontrabida" sa love story nilang dalawa,
Love story na minsa'y binuo niyo ng magkasama!
At mga memories na nakapaloob sa "pagmamahalan" niyong dalawa,
Pagmamahalan na akala mo pang matagalan na.
Yun pala umasa ka lang sa wala!
Umasa ka sa wagas na pag-iibigan pero yung feelings niya naglaho na lang bigla.Huwag kang pafall kung wala ka naman palang balak saluhin yung tao after all!
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryMga salitang gustong-gusto kong binatawan ngunit kailanman hindi ko nagawa. I'm hoping that one day, you'll realize how much I cared for you. Hoping that writing could take away all my pains and memories of you. Para sa mga nasaktan, patuloy na na...