Entry 11

123 4 0
                                    

Rule # 11 Mahalin mo siya hanggang kaya mo pa.

Sana tayo parin,
Sana ako parin.
Tatlong salita na bumabagabag sa akin,
Bumabagabag ng paulit-ulit sa aking damdamin.
Mga salitang gusto kong bitawan pero huli na,
Huli na sapagkat mayroon ka ng iba.
Mayroon ng taong gumagawa ng mga ginagawa ko noon,
May tao ng nagpapasaya't nagpapaiyak sa'yo ngayon.
Gusto kitang yakapin nang mahigpit,
Gusto kong ipagsagawan sa mundo na sana, ako na lang ulit!
Ako na lang ulit,
Ako na lang sana ng paulit-ulit!
Paulit-ulit kahit na alam kong kailanman di na maari,
Di na maaring maging tayong muli.
Di na magiging tayo, dahil mayroon ng 'siya',
Siya na dumudurog sa aking gamunting pag-asa.
Pag-asang bumubuhay sa aking ngiti't sigla ngunit ngayo'y lumalabo na,
Lumalabo't unti-unti ng nawawala.
Gusto kitang yakapin at sabihing magiging okay din ang lahat,
Gusto kong iparamdam sa'yong nananatili parin akong tapat.
Tapat sa pagmamahalang ating binuo,
Tapat sa pangakong binitawan nating pareho.
Sana ako na lang ulit,
Maari ba nating piliting maging tayo ulit?
Maging tayo, kahit na ano pa ang maging kapalit,
Nang ang kalungkutan ko'y tuluyan ng mawaglit!
Sana tayo na lang,
Mga salitang nakakapanlinlang.
Nakakapanlinlang pakinggan,
Aakalain mong may roon ngang walang hanggan.
Walang sawang titigan,
At walang hanggang pagmamahalan!
Sana tayo na lang ulit,
Pangako, pagtingin ko sa'yo kailanman di na mawawaglit!
Sana ako pa rin,
Sa kin na lang ulit ang 'yong pagtingin.
Ako na lang sana,
Sana tayo paring dalawa.

Mahalin mo siya hanggang kaya mo pa,
Nang ang walang katapusang 'sana' ay mapalitan ng tapos na.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon