Entry7

191 5 0
                                    

Rule #7 Kapag pagod ka na, learn to stop.

Yung pangyayari sa buhay ko, paulit-ulit!
Parang life cycle ng frog, magkakadikit.
Magkakadikit-dikit sa madaling salita, magkakaugnay,
Magkakaugnay na tila ba walang humpay.
Walang humpay sa pag-iyak, pagmukmok, pagharap sa problema,
Mga problemang madalas, nakakaubos nga naman ng pasensya!
Bakit nga ba kailangang lumaban?
Bakit ba kailangan sa mundo, meron tayong patunayan?
Para saan nga ba ang lahat?
Bakit yung pangarap natin, kahit sobrang hirap nananatili tayong tapat?
Nakakapagod, yung gigising ka sa umaga na walang sigla!
Wala na yung pananabik at sigla sa tuwing haharap ka salamin- nakakawalang gana.
Nakakawalang ganang tignan yung ngiting nakapaskil sa aking labi,
Yung ngiting hindi ko alam kung bakit, pero dapat kong mapanatili!
Dapat panatilihin kahit na wala ng rason para ako'y patuloy na ngumiti,
Walang rason dahil yung puso't-isipan ko napupuno na ng pagkamuhi!
Pagkamuhi sa mga taong nasa paligid ko,
Mga taong akala ko sa buhay ko ay totoo.
Totoong nagmalalasakit,
Nagmamalasakit at nagmamahal sakin kahit madalas ulo nila'y aking pinasasakit!
Paulit-ulit yung mga problemang aking kinahaharap,
Paulit-ulit pero bakit kahit sobrang nahihirapan, patuloy parin akong nangangarap?
Patuloy akong nangangarap, na bukas makalawa magiging okay din ang lahat!
Bukas makalawa, darating yung taong magmamahal sa kin ng wagas at tapat.
Mananatiling tapat kahit sobrang hirap,
At yung tipo ng tao na magbibigay ng lakas sakin para muli kong abutin ang aking mga pangarap.

Kapag pagod ka na, learn to stop,
Tandaan, sa buhay, kailangan mo munang maghirap bago mo marating yung top!

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon