Rule #12 Ako na nakaraan, siya na kasalukuyan.
Sa tuwing pinagtatagpo tayo,
Gustong-gusto kong hawakan ang mga kamay mo.
Gusto kong iparamdam kung gaano ka kaespesyal sa buhay ko,
Gusto kong iparating sa'yo ang tunay na nararamdaman ko.
Gusto kong maging tayo ulit,
Kahit alam kong malaki ang magiging kapalit.
Kapalit ng kasiyahan ko ay pagluha niya,
Kapalit ng pagngiti kong muli, ay kapatanagan ng kalooban niya.
Kapalit ng pagbangon ko ay ang kanyang pagbagsak,
At ang pagbagsak niya ang siyang magiging hudyat sa pagbuong muli sa puso kong minsa'y nawasak.
Ano nga ba ang tama?
Ang magpatuloy na ibigin ka, kahit na alam kong may luluha?
O ang umiwas at magpatuloy mag-isa kahit pa nagmamahalan naman talaga tayong dalawa?
Ako na siyang nakaraan,
Siya na sa tingin ng lahat ay iyong kinabukasan.
Kinabukasan na ako dapat ang naroroon,
Ngunit nawalang bigla sa isang malaking desisyon.
Desisyong iwan ka pansamantala,
Sa pag-aakalang tayo naman ang siyang nakatadhana.
Tayo, na ikaw lang at ako.
Pero ang "tayo" ay napalitan na ngayon ng "kayo".
Mali nga bang magpatuloy tayo?
Mali nga bang umasam na magkakabalikan tayo?
Mali bang patuloy na ibigin ka?
Kahit pa ako naman talaga ang siyang mas nauna?
Pinanghahahawakan ko yung pangakong ikaw at ako,
Pinaglalaban ko parin yung dapat na pagmamay-ari ko.
Pagmamay-ari ko,
Mali, wala na nga palang "tayo".
At kailanman di ako nagmay-ari sa puso't isipan mo.
Hindi ko pagmamay-ari kaya't ano pa ba ang ipinaglalaban ko?
Ang pagmamahalan natin noon na ngayo'y pilit nating binubuo?
O ang kaisipang ako ang unang minahal mo?
Mali bang ipaglaban ka at hilingin na muling maging tayo?
Mali bang ipagpatuloy ang pag-iibigang minsa'y naging wagas at totoo?
Kung mali, bakit pa tayo pinagtagpong muli?
Kung sa libro ng tadhana hindi naman ako ang siyang napili!
Kung sa mata ng lahat ako yung panira sa eksena,
Ako yung balakid sa pagmamahalan niyong dalawa.
Ako na nagbalik pero huli na,
Ako na minamahal mo noon pero ngayon ay siya na.
Ako na siyang nakaraan na kailanman di mo pwedeng kalimutan,
Di pwedeng kalimutan pero di rin pwedeng balikan.
Nakaraan na kinamumuhian,
Ngunit mali, bagkus ay dapat na pasalamatan.
Sapagkat kaming mga nakaraan,
Ang siyang dahilan kung bakit mayroong "kayo" ngayon sa kasalukuyan.
Ngayon, naiintindihan ko na ang nakaraan ay mananatiling nakaraan,
At ang kinabukasan ay mananatiling kinabukasan.
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
شِعرMga salitang gustong-gusto kong binatawan ngunit kailanman hindi ko nagawa. I'm hoping that one day, you'll realize how much I cared for you. Hoping that writing could take away all my pains and memories of you. Para sa mga nasaktan, patuloy na na...