Rule # 17: Hahakbang ako palayo para sa ikaliligaya mo.
Hahakbang ako palayo,
Upang hindi ko makita yung masayang kayo.
Hindi ko na makita pa ang panlolokong ginagawa mo sa likod ko,
Panlolokong kahit sino ay di maniniwalang magagawa mo.
Hahakbang ako palayo,
Nang makalimutan ko ng tuluyan ang pait na dinadala ko.
Pait at pagkamuhi sa taong minsa'y inibig ko,
Mga emosyong kailanman di ko naisip na pwedeng kong maramdaman mula sa pagmamahal ko sa'yo.
Hahakbang ako palayo,
Sa taong minsan'y nagsilbing kalakasan ko.
Nagbigay lakas sa akin sa mga panahong lugmok ako,
At nagbigay liwanag sa madilim kong mundo.
Hahakbang ako palayo,
Upang ang mga ala-ala ng nakaraan ay unti-unti ng maglaho.
Mga alala-alang kay tagal na pinanghawakan ko,
Pinanghawakan ko kasama na ang pag-ibig na wagas na minsa'y pinaramdam mo.
Hahakbang ako palayo,
Mula sa mga pangakong binitawan mo.
Hindi dahil ang pag-ibig ko ay di na totoo,
Kundi dahil mahal kita, kaya ako na ang kusang lalayo.
Hahakbang ako palayo,
Upang ang natitirang pagkapit ko ay tuluyang maglaho.
Maglaho hindi dahil sa pagod na ako,
Kundi dahil kailangan ko ng sumuko.
Hahakbang ako palayo,
Nang makasama mo na ang tunay na minamahal mo.
Hindi dahil sa ayoko na,
Kundi dahil sa gusto kong makita na muli kang lumigaya kahit pa sa piling niya.
Hahakbang ako palayo,
Mula sa saya't lungkot na pinagsaluhan nating pareho.
Mga oras na tila tayo lang ang mga tao sa mundo,
Mga ala-alang handa kong isuko para sa ikaliligaya mo.
Hahakbang ako palayo,
Nang magkaroon ako ng distansya mula sa taong ngayon ay minamahal mo.
Hindi dahil sa gusto kong habulin mo ako,
Kundi dahil gusto kong hindi ka na malito kung sino ang siyang dapat na piliin mo.
Hahakbang ako palayo,
Kahit na tila may libu-libong karayom ang tumutusok ngayon sa puso ko.
Mga karayom na nagpapagising sa akin mula sa katotohanang hindi na ako ang siyang minamahal mo,
Hindi na ako sapagkat mayroon ng ibang tinitibok ang iyong puso.
Hahakbang ako palayo,
Kahit pa ang totoo ay gusto kong manatili sa tabi mo.
Manatili kahit pa alam kong di na manunumbalik ang pagtingin mo,
Pagtingin na di naman na ako, kung kaya't magpapatianod na ako sa daloy ng mundo.
Hahakbang ako palayo,
Kahit pa ang puso ko'y nagsusumigaw na ipaglaban ko ang nararamdaman ko!
Ipaglaban sa isang labanan na alam ko kung sino ang siyang talo,
Tatalunin ng saya't oras na ibinibigay niya sa'yo ang wagas na pagmamahal ko.
Hahakbang ako palayo,
Upang matahimik ang mundo nating pareho.
Mundong minsa'y akala ko ikaw lang at ako,
Ngunit sa isang iglap, ang "tayo" ay napalitan na nga ng "kayo".
Hahakbang ako palayo,
Dahil ang tunay na umiibig ay marunong sumuko.
Sumuko mula sa ideyang "Ako lang dapat ang mahal mo",
Kung kaya't susuko na ako dahil alam kong ito ang nararapat na gawin ko.
Hahakbang ako palayo,
Dahil kung tayo nga talaga, ay muli tayong magtatagpo.
Pagtatagpuin muli tayo ng tadhana at ang pagmamahalan natin ay muling mabubuo,
Mabubuo sa ikalawang pagkakataon na kahit sino pa ay wala ng makakasira nito.
Tuluyan na akong hahakbang palayo,
Nawa'y sa paghakbang kong ito ay makita mo ang tunay na magpapaligaya sa'yo.
Inaasam ko ang tunay na kaligayahang maidudulot niya sa'yo,
Nang sa ganoon ay magkaroon ng saysay ang pagbitaw ko sa ilang taon na pagmamahal ko sa'yo.
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoezjaMga salitang gustong-gusto kong binatawan ngunit kailanman hindi ko nagawa. I'm hoping that one day, you'll realize how much I cared for you. Hoping that writing could take away all my pains and memories of you. Para sa mga nasaktan, patuloy na na...