Astrid
Pinilit kong humakbang nang tahimik, upang hindi makapukaw ng atensiyon sa mga taong naglalakad sa aking paligid. Hindi nila ako dapat mapansin o mamukhaan.
Rinig na rinig ko ang pamilyar na ingay ng pampublikong pamilihan dito sa amin, ayaw kong gawin ito ngunit wala na akong ibang maisip na dapat gawin. Ito ang aking kinalakihan, kapag hindi ko ito ginawa maaari kaming mamatay sa gutom.
Napalunok ako nang marating ko na ang aking ninanais na destinasyon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagdaloy ng dugo sa aking mga ugat, pakiramdam ko nga ay maaari na akong magpalit ng anyo bilang isang taong lobo ano mang oras. May mga bagong luto na mga tinapay na nakalagay sa lalagyan, gatas at mga prutas. Tinignan ko ang mga ito at hindi napigilang mapalunok muli, narinig ko ring tumunog ang aking tiyan.
Pinanatili kong nakatago ang aking mukha sa loob ng aking suot na balabal, takot ako na baka kapag nakita nila kung gaano ako karungis ay hulihin nila ako agad at kaladkarin palayo. Mukha akong hindi pa naliligo sa loob ng tatlong taon, puno ng putik at dumi ang aking katawan. Hindi dahil sa ayaw kong maligo, kundi hindi namin pangunahing dapat problemahin ang sabon at panlinis, mas mahalaga para sa amin ang makakuha ng pagkain.
"Bagong labas pa lamang ang mga tinapay na ito mula sa pugon at talaga namang napaka-sarap, gusto mo ba? Bigyan mo ako ng tatlong quadro at magiging sa 'yo na ang mga ito." Ngumiti ang matandang lalaki, hinihintay na iabot ko sa kanya ang kanyang hinihingi. Gusto ko sana siyang bayaran, ang kaso lang ay wala akong pera at nagugutom na kami ng aking pamilya.Kailangan kong kumilos nang mabilis. 'Hindi niya nakita ang mukha ko, magiging ayos din ang lahat', pilit kong turan sa sarili ko. Agad akong humablot ng tatlong tinapay at kumaripas ng takbo.
Hindi ako lumingon pabalik, pero nakarinig ako ng mga sigaw mula sa matandang tindero. Babayaran ko rin siya sa hinaharap kapag kaya ko nang magbayad, ngunit sa ngayon, wala akong ibang magagawa kung hindi ang tumakbo.
"HULIHIN NINYO ANG MAGNANAKAW, NAKAKALAYO NA SIYA, BILISAN NINYO!" Narinig kong sigaw ng matanda, kailangan kong tumakbo nang mas mabilis, dahil kapag nahuli ako ay 'yon na ang katapusan ko. Ikukulong ba nila ako sa mga nakakatakot at malalamig na selda pagkatapos ay bubugbugin ba nila ako hanggang sa malagutan ako ng hininga? Bago nila gawin iyon ay kailangan ko munang maihatid ang mga tinapay na ito sa aking pamilya, upang kahit papaano ay may pagsaluhan sila.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kagubatan, maaari akong umakyat sa isang matayog na puno at magpalipas ng oras doon hanggang sa mapagod sila sa kakahanap sa akin. Sana nga ay ganoon nalang kadali, napaka-istrikto at walang puso pa naman ng Alpha, kahit ang pinaka-magaan na kasalanan ay hindi basta papalagpasin. May mga narinig akong kwento tungkol sa kanya, kung gaano raw siya kasama, sana lang ay hindi totoo ang mga istoryang iyon.
Ang sabi nila sa kwento, isang araw may mga nahuling werewolf ang mga sundalo ng Alpha sa kahabaan ng pasukan ng teritoryo, hindi naman talaga mga kalaban ang mga werewolf na iyon, naligaw lamang sila at napadpad sa teritoryo ng Alpha. Hinuli sila ng mga sundalo at iniutos ng Alpha na paslangin sila sa pamamagitan ng pagdukot sa kanilang mga mata at pagsaksak sa kanilang mga puso. Ayos ba?
Ang mga werewolf na iyon ay mayroon ding mga packs, ang MoonShine Pack, ito ay matatagpuan sa Timog na bahagi ng bansa, at hindi sila natuwa sa nangyari sa kanilang mga ka-grupo. Hindi naman kasi talaga ganoon kasikat ang Nordstrom pack sa mga kapit-bahay naming packs, maraming may ayaw sa aming mga ibang packs, lalong lalo na sa aming Alpha na si Alpha Anito Nicolai.Hindi pa niya natatagpuan ang kanyang mate kaya siguro napaka-lamig ng pakikitungo niya sa kanyang mga kapwa, maging sa kanyang mga sinasakupan.
Nakahanap ako ng puno na hindi naman ganoon katangkad ngunit ito lamang ay isang pangkaraniwang laki ng puno, mas matatakpan ako ng maayos gamit ang mga dahon at sanga nito.
Maingat kong inakyat ang puno hanggang maabot ko ang tuktok nito. Ang plano ko ay maghintay doon hanggang sa mapagod sila sa paghahanap sa akin.
***
Limang oras na ang nakalipas, malapit nang dumilim ang paligid, nagsisimula na ring tumunog ang aking tiyan dahil sa gutom. Gusto ko nang kumain!
Napa-buntong hininga ako, sa loob ng limang oras nakakita ako ng mangilan-ngilang sundalo ng Alpha ang naglilibot sa kagubatang ito, at laking pasalamat ko na hindi man lang nila ako napansin o nakita. Napagod din sila sa kakahanap sa akin at umalis na rin sila.
Pero ayaw kong umasa na tuluyan na silang umalis, nagdadalawang isip pa rin ako kung tuluyan na ba akong bababa mula sa punong ito. Paano kung bigla sila ulit dumating?
Nagprotesta ang aking tiyan sa pamamagitan ng pagtunong, gutom na talaga ako at gusto ko nang kainin 'tong tinapay na hawak ko, siguro ay pwede naman akong kumuha ng kalahati para kahit papaano ay mapawi ko ang gutom? Kumuha ako ng isang tinapay at hinati ko ito sa dalawa at kinain ang kalahati.Mabilis ko lamang itong naubos, ngayon naman ay nauuhaw ako, sobrang tuyot na ng aking lalamunan.
Ako ba ay bababa upang uminom? Siguro ay may malapit na batis sa paligid? Ugh! Nagsisimula nang sumakit ang aking lalamunan sa pagkatuyot dahil sa kakulangan sa tubig. Anong gagawin ko?
Hindi ko na talaga kaya, ang 'tila pagkasunog ng aking lalamunan, mabilis lang akong iinom at agad na aakyat pabalik pagkatapos kong makainom. Pilit kong sinasabi ang mga iyon sa sarili ko, na walang mangyayaring hindi maganda, ngunit mukhang napaka-imposible naman atang mangyari iyon.At ang kinalabasan ay, tama nga ako, mayroon ngang batis kapag nilakad mo at linagpasan mo ang patag at malinis na bahagi ng gubat, medyo malayo ngunit sobrang saya ko at nakainom na rin ako ng malamig at nakakapawi ng uhaw na tubig mula sa batis.
Pagkatapos kong uminom ng tubig, nagsimula na akong maglakad pabalik sa pinanggalingan kong puno kanina.Luminga-linga ako sa paligid nang makarinig ako ng tunog ng mga paa na tumatapak sa mga tuyong dahon.
Mabilis akong lumingon sa direksiyon ng pinanggalingan ng tunog na iyon, Diyos ko sana ay isa lamang manlalakbay na estranghero ang napadpad sa gawi ko!Kung hindi ay patay na talaga ako nito.
×××
yaaaah tapos na finally I hope you enjoyed!!♡♡
BINABASA MO ANG
The Alpha's Bet
WerewolfAstrid Thyreese White lived a dreadful life, always striving to stay alive and live another day to this cruel world. She was convicted of stealing, she did it to live, there were no available food for the likes of her, a mere peasant. If she didn't...