Chapter 16

4.1K 120 1
                                    

I dedicate this chapter to Vhielly Baluyut, hiii bebeq!!♡♡ I appreciate you, you're an amazing best friend! I love you so much, thankyou for being down with me every time I need ya. And to her boyfriend Adrian Balingit, who is also my friend. Thankyou so much for the both of you!

×××

Aiden Sebastian

"Nagawa mo ba iyong pinapagawa ko?" Tanong ko kay Delta Phoenix.

"Oo Alpha, may isang tauhan na akong kumilos, sigurado akong sa mga oras na ito ay nabasa na niya ang sulat." Magalang na sagot nito.

Tumango ako at nagpasalamat sa kanya, buti nalang ay nagdala ako ng kahit limang tauhan, malaking tulong sila sa akin sa sitwasyon ko ngayon.

Pagkuwan ay pinalabas ko rin sya sa aking silid. Sana ay gumana ang plano ko.

Bukas ng gabi, kikitain ko si Olivia's Curse sa abandonadong hardin nitong pack house, dati itong isang magandang hardin, isa ito sa mga pinakamamahal na lugar nina mama at papa sa buong pack, napaka ispesyal nito para sa kanila... noon, ngunit ngayon na wala na ang aking ama, tila basta na lamang ito pinabayaan. Wala nang nagdidilig ng mga halaman, wala nang naglilinis at wala nang nagtatanim.

At dahil nga hindi na kaaya-aya ang itsura nito, wala nang nangangahas na magpunta pa roon, na isang pangunahing dahilan kung bakit iyon ang napili kong lugar para sa paguusap namin ni Olivia's Curse.

Bakit nga kaya Olivia's Curse ang pangalan ng babae? Ano kaya ang kwento sa likod ng kanyang pangalan? Bakit curse? Sya ba ay isinumpa? Malalaman ko rin ang lahat ng kasagutan sa aking mga katanungan oras na mag-usap kami.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakaramdam ako ng gutom, kaya napagpasyahan kong magpunta sa kusina upang makakuha ng makakakain.

●●●

Astrid

Kagabi pa ako hindi kumakain... and I'm starving. Ibinaba ko ang librong binabasa ko atsaka tumayo, balak kong pumunta sa kusina dahil hindi ko na maatim na hindi pa kumain.

Binuksan ko ang pintuan, walang guwardiya na naka bantay, aba milagro? Ano naman kayang meron? May hindi magandang pinaplano na naman ba si Anito?

Bahala sya sa buhay nya. Basta ako? Nagugutom ako, kaya kakain ako. Tapos.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa kusina, at naamoy ko na naman ang amoy na iyon, ang kanyang amoy. Hindi ako maaaring magkamali.

Pagtungtong na pagtungtong ko sa loob ng kusina nagtagpo ang aming mga mata.

Tangina ang gwapo nya.

Nakakahipnotismo ang kanyang mga mata, parang may ibang mundo sa loob niyon, mundong nakaliligaw at nakahuhumaling. At may napagtanto ako, kamukhang kamukha man nya si Anito pero ibang-iba sya rito, ang mga mata ni Anito ay walang buhay--- walang ekspresyon, samantalang ang mata ng lalaking nasa harapan ko ngayon ay tila nangungusap, nagsusumamo sa bagay na hindi ko alam. May isang napakaliit na nunal din sya malapit sa labi, sa bandang gilid na ibabaw na bahagi, sobrang liit lamang nito at hindi kapansin pansin, ngunit kung titigan nang mabuti ay makikita ito. Nakadagdag lamang iyon lalo sa kakisigan niya.

Naka simpleng pantalon na kupas at dark-blue v neck shirt lamang ito, pero hindi nabawasan ang kagwapuhan nya kahit sobrang simple lamang ng kasuotan nya.

Noon ko lang napansin na nasa harap sya ng kalan nakatayo, at may niluluto sya, na ngayon ko lang napansin, nasusunog na. Agad naman nya iyong inapula.

The Alpha's BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon