WARNING: This chapter contains abuse, read at your own risk.Astrid
My hips and my back are hurting really bad, saan ko na naman kaya nakuha iyon? I moaned and stretched my arms.
Kinapa ko ang kinahihigaan ko, sa pagkakaalam ko kasi kahit papaano ay may sapin ang tulugan sa bahay, pero bakit nakahiga ako sa matigas na sahig?
Then naramdaman kong parang may tumatampal sa pisngi ko.
"Uy! Gising!" Bulong nito sa akin.
Huh? Si Coco ba iyon? Ang nakakabata kong kapatid na lalaki?
Inalis ko ang kamay nya sa mukha ko, bakit kaya hindi nya ako hayaang matulog? Ang kulit talaga ng batang ito.
"Ang kulit mo Coco! Hayaan mo nga akong matulog!" Inis na sabi ko sa kanya, wala na naman sigurong magawa ang batang iyon.
"Sinong Coco? Hoy! Magising ka nga!" Yugyog pa nito sa akin, sa sobrang inis ko ay bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga.
"Ano ka ba?!" Singhal ko sa kanya pero napatigil ako.
Hindi kasi si Coco ang nasa harap ko.
Nanigas ako mula sa pagkakaupo, tila napako ako roon dahil hindi ako makagalaw sa sobrang pagkabigla. Rumagasa sa utak ko ang lahat ng nangyari, kasabay nito ay ang pagpatak ng mga luha ko.
Higit na gugustuhin ko pang nasa bahay na tagpi tagpi ako at kasama sina mama habang ginugulo ako ni Coco, kaysa rito.
Ano na kaya ang mangyayari sa akin? Nami-miss ko na si Coco at si Mama, hindi ko man lang sila nasabihan kung ano na ang nangyari sa akin, alam ko na sa oras na ito ay sobrang alala na si mama kung ano na ang kalagayan ko.
Napatingin ako sa kasama ko sa seldang ito, payat siya, marungis kagaya ko, humaba na ang buhok nya na magulo ngunit alam kong lalaki sya, surprisingly hindi sya mukhang ganoon katanda, mga nasa late 30's gano'n.
"B-bat mo ba ako ginigising?" Takhang tanong ko rito.
"Narinig ko kasi sa mga gwardiya dito na pupuntahan ka daw nila, kaya ginising na kita baka buhusan ka pa nila ng tubig para lang gisingin, oo nga pala ako si Oliver, sa tantya ko ay limang taon na akong nakakulong rito, sa salang trespassing sa pack na ito, hindi na ako nakabalik sa tunay kong pack."
Naawa ako sa narinig ko, siguro higit na naghirap 'to sakin.
"Wala ako sa mataas na ranggo pero kabilang parin ako sa pack na ito, pasensya na sa ginawa ng pack ko sayo... I'm Astrid."
"Hindi naman ikaw ang may kasalanan, kung tutuusin biktima ka rin dito." Sagot nito sakin. Ngumiti na lang ako sa kanya, totoo naman kasi ang sinabi nya.
Natigil ang paguusap namin nang makarinig ako ng yabag ng mga paa, mukhang totoo nga ang sinabi ni Oliver.
Hindi nga nagtagal ay nakita ko na naman ang pagmumukha ni Beta Colton.
"Hey babe! Okay ba ang tulog mo?" Sabi nito tsaka tumawa ng mahina.
"I hope you rot in hell!" I said while clenching my teeth in anger, naiinis talaga ako sa lalaking ito! Nung una hindi ko masabi sa kanya iyan, pero kung mamatay na rin naman ako might as well huwag ko nang i-filter ang sarili ko.
"Ooooh, I wonder what other things your mouth can do other than reply smart comebacks," He said while smirking devilishly, wala akong gustong gawin ngayon kundi alisin ang nakakalokong ngiti sa mga labi nya!
BINABASA MO ANG
The Alpha's Bet
WerewolfAstrid Thyreese White lived a dreadful life, always striving to stay alive and live another day to this cruel world. She was convicted of stealing, she did it to live, there were no available food for the likes of her, a mere peasant. If she didn't...