"Pst anak... Claire. Pst Sam"
May naririnig ako na Hindi ko alam kung saan nanggagaling. Inikot ko ang aking mata sa paligid at nakita kong pabulong na tinatawag ako at si Claire ni Tito Kyle.
"Alcantara are you listening?"
"A-ah ma'am excuse me po yung mama ko po kasi nasa labas po" nauutal utal kong pagpapaalam
Tinanguan lang ako ni ma'am at lumabas na ako ng room.
"Samantha una na ako ah? Don't worry ok na. Kinausap kona ang teacher mo at nanghingi na lang ako ng tawad" paninigurado nya sa akin para Hindi na ako magalala pa.
"A-ah eh sige po Tito Kyle. Mag ingat po kayo maraming salamat po sa pag ganap bilang ina sa akin" nauutal Kong sabi at nginitian si Tito Kyle
"Walang anuman Sam. Basta ang hiling ko lang ay mapabuti kayo ni Claire dahil parang anak na rin kita" naiiyak ako sa sinabi ni Tito kyle. Sya na rin kasi yung itinuturing Kong pangalawang tatay dahil napaka bait nya. "Oh pano una na ako Ingat kayo sa pag uwi nyo mamaya" dagdag nya
Tumingin sya Kay Claire at kumaway upang mag paalam na aalis na si tito kyle. Napaka swerte ko na may Tito akong katulad ni Tito kyle. At best friend ko pa ang anak nya. Wala na akong hihilingin pa kundi maging masaya na lang kasama ang mga mahal ko sa buhay. Pumasok na ako sa room.
"Maraming salamat Claire" ani ko habang hinahawakan ang kamay nya at ngumingiti
"Nako Bessy walang anuman basta ikaw hehe"
May narinig naman kaming bulungan sa likod namin na pinag uusapan ako at si Tito kyle.
"Mommy nya yon? Hindi halatang babae ah hahaha mukha kasing katulong e" Ani ng nasa likod namin habang nagtatawanan
Tumayo ako at humarap sa kanila at tumitig ng masama.
"Hoy mga walang galang na kaklase ko. Para sabihin ko sa inyo wag nyong inaano yung Tito Kyle ko"
"Ano daw? Tito Kyle daw hahaha" pagtataka nila "akala ko ba mommy nya yon? Bat Tito ang tawag hahaha" dagdag ng kasama nya
"A-ah ano. I mean mommy kylene" nauutal Kong sagot at ngumiti ng pilit sa kanila at napalingon ako kay Claire na natawa
"Alcantara may problema ba?"
Ngayon ko lang naalala na may teacher pala sa harapan at naka tayo ako.
"A-ah eh ma'am wala po" umupo na ako at tumingin uli sa likod na tinatawanan ako sinamaan ko lang sila ng tingin.
Tahimik kaming nakikinig Kay ma'am pero ang isip ko ay nasa malayo. Iniisip ko pa din kasi yung ginawa sakin ng mokong na lalakeng yon kagabi muntik ba naman akong patayin ng ataki sa puso e. Pero papakatotoo na ako. Pogi naman talaga sya, tsk pogi nga ang pangit naman ng ugali. Useless
Break time na namin pababa kami ni Claire dahil gutom nanaman tong babaitang to Maya Maya na lang gutom sya. Hindi ko ba malaman kung patay gutom ba to o sadyang may buaya lang sa tyan.
"Hi baby, break time na namin. Masyado kana atang busy Hindi na muna kita guguluhin para makapag focus ka sa trabaho mo. Ingat ka palagi okay? Iloveyou"
Binaba kona ang cellphone ko at muli ng napatulala na lamang. Isang Mark Bandalan na nag patibok ng puso ko ng Hindi ko inaasahan pero parang walang paki lang saken pero dahil mahal ko, lahat tinitiis ko. Ilang linggo na walang paramdam, Hindi pagkikita, walang komunikasyon, sino bang Hindi mag hihinala don? Nakakapagod na kaya minsan naiisip ko na lang na makipag hiwalay pero Hindi ko magawa kasi mahal ko sya at kaya Kong tiisin lahat para lang sa kanya. Hindi naman basehan ang layo ng tirahan sa pagtatagal ng relasyon, basta kaya mong tiisin lahat mag tatagal at mag tatagal kayo nyan.
"Hoy tulaley ka nanaman dyan Bessy ano nanaman bang iniisip mo" eto talagang si Claire lagi na lang akong ginugulat aish
"Claire mahirap ba akong mahalin?" Nagulat din ako sa sinabi ko pero ayan ang gustong ilabas ng Dila ko
"B-bessy ikain Mona lang yan kulang ka lang sa gutom" nauutal na sagot ni Claire dahil nagulat sya sa itinanong ko
"Claire seryoso ako, kasi parang Hindi ako kayang mahalin ni mark ng totoo at Hindi nya ako kayang bigyan ng oras! Oras lang naman yung hinihingi ko pero Hindi nya maibigay! Ang dami Kong kaagaw sa oras nya parang wala lang ako sa kanya!" Tuluyan na ngang bumagsak ang luha ko ng hindi ko namamalayan na napapa lakas na pala yung pag sigaw ko at si Claire naman at hinihimas himas ang likod ko upang tumahan na ako
"Alam mo Sam, kapag ikaw na yung nasa sitwasyon na nahihirapan na ikaw na mismo yung umalis para Hindi kana nasasaktan" sandali syang huminga ng malalim at muli ng nagsalita "kasi kung ipapag patuloy mo pa yan kahit alam mong mag wowork piliin Mona lang na umalis na kasi Hindi Mona mababago ang nasanay na tao sa ginagawa mo at ng dahil pa sayo. Ikaw na ang may sabi nyan Sam" dugtong nya
Tama naman si Claire. Natututo na sya sa pagpapayo ng dahil saken kasi nararamdaman nya din yon kaya nakakapag salita na sya ng mga salitang dati lang ay hindi nya pa alam at natutunan nya lang nung naramdaman nya na yon.
Uwian na namin at tahimik akong Naglalakad sa madilim at masyadong walang tao sa daanan Hindi sumabay sakin si Claire dahil mas gusto ko pang mapag isa na muna. Naramdaman ko namang may tumutok saken na matulis kaya agad Kong nilingon iyon. Pagka lingon ko ay bigla nya akong hinawakan sa leeg ko at tinapat ang balisong sa bewang ko. Aish minamalas nga naman oh.
"Ibibigay mo ang pera at cellphone mo o mamamatay ka?"
"Patayin Mona lang ako jusko wala kang makikitang pera sa wallet ko at ang cellphone ko ay dipindot lamang tapos nanakawin mo pa bigay pa to ng-"
"Ang dami mong sinasabi ibibigay mo ba o papatayin kita"
"Pa julet julet ka ba kuya? Patayin mo na nga lang ako aynako"
"Ah ganon? O sige ayan naman pala ang gusto m-"
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...