26th chapter

17 7 0
                                    

LAWRENCE POV

Anong ginagawa dito ni Bianca? Akala ko pumunta na siya sa states? Mag dadalawang buwan na ata kaming hiwalay. Panigurado alam na nila tita na wala na kami.

"Dati pa kami magka kilala ni Bianca. May gusto siya sa akin simula grade 9 kami. Niligawan ko siya at naging kami. Mahigit magdadalawang taon na kami noon pero nagloko ako. Nahuli nya akong may kahalikan na babae. Nagpaliwanag ako at humingi ako ng tawad. Pero wala, sabi nya ayaw nya na. Ilang months din akong alak, sigarilyo, babae ang inatupag. Nagloko ako simula nag break kami. Pa ulit ulit lang ang nangyayari samin. Simula non nagsawa din ako. Pero nagsisi ako simula sinabi ko sa kaniya na ayaw ko na. May naging boyfriend siya. Ewan ko ba pero sa tuwing nakikita ko sila nanggigigil ako. Yung mapapasabi ka na lang sa sarili mo na " tangina bat pinakawalan ko to" kaya nung araw na yon pumunta ako sa bahay nila. Nakita ko syang naiyak. Kinausap ko siya at nagmakaawa ako na makipag balikan siya sa akin. Yung mga oras na yon may nangyari samin. Nagyaya syang maginom pero pinigilan ko sya kaso gusto nya. Ng mga nakaka lahati na kami ng alak. Natumba na siya. Ihihiga ko na siya ng bigla nya akong hubaran at halikan. Yung mga oras na yon sinabayan ko na lang ang gusto nya. Kaya may nangyari samin. Simula non parang ayon na lang ang nangyari samin. Doon na lang tumatakbo ang relasyon namin. Hanggang sa nagsawa na ako at tuluyan na akong bumitaw. Nag maka awa siya sa akin at ang mga magulang nya na wag ko syang iwan. Pero kung mag iistay ako parang mas masakit pa diba? Kase nagsinungaling ka na mahal mo pa sya kahit Hindi na. Mamaya kung ano pang mangyari kaya iniwan ko na lang sya. Mga ilang araw din yon na puro balita sa kanya ang sinasabi sa akin ng mga tao. Ewan ko ba pero wala na kami pero bukang bibig pa rin ng mga tao ay puro "Bianca" pinagpipilitan nila na balikan ko si bianca pero ayaw ko. Pero nung mga ilang araw natauhan ako. May nabalitaan ako na na may bagong dating daw dito. Nakilala ko si Sam. Aminin ko man o hindi sa kanya lang talaga ako nagka ganito. Nagka gusto kaagad ako sa kanya. Ewan ko ba pero bigla na lang talaga ako tinamaan sa kaniya"

UnexpectedWhere stories live. Discover now