"Pag isipan mong mabuti hija"
"Everyweek groceries and 10 thousand"
"Oras na mapabago mo si Lawrence pinapangako ko na pwede na kayong lumayo dito ng pamilya mo pa puntang states then kami na ang bahala Kay Lawrence"
Tama ba to? Sh*t Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung sinabi sakin ni tita Kaye. Ganun na ba talaga nila kamahal si Lance? Grabe naman.
"Mukhang malalim ang iniisip natin Bessy ah"
Sumulpot naman bigla sa tabi ko si Claire. Sasabihin ko ba to sa kanya o Hindi? Aish anong gagawin ko!
"Uy Claire"
"Hmm bat di ka pumasok? Anong sabi sayo ng parents ni Lawrence?"
"A-ah ano---"
"Kinumbinsi ka ng pamilya ni Lawrence na baguhin mo sya at sya na ang bahala sa pamilya mo?"
"A-ah o-oo ang galing mo talaga Bessy nga talaga kita"
"Sabi na nga ba e. Ayan din kasi yung ginawa nila Kay Keith"
"S-sinong Keith?"
"Ex ni Lawrence. Grabe pagkabaliw nya Kay Keith Bessy. Alam mo muntikan ng tumalon si Lawrence dyan oh ng dahil lang Kay Keith" sabi nya at itinuro kung saan muntikan si lance tumalon.
"Grabe naman. Bat sya tatalon?"
"Nagaway kasi sila ni Keith tapos nakikipag hiwalay na si Keith sa kanya kasi ayaw nya tumigil sa katarantaduhan nya"
"A-ah"
"Please Keith Julian Hernandez one last chance please" sabi ni Claire at itinaas ang kamay nya na para bang yung katulad Kay Jesus nung ipapako na sya.
"Tsk tigilan mo nga ako claire!"
"Sus nagseselos ka lang e hahaha"
"Tsk di ako nagseselos!"
"Tara na nga pasok na tayo pikon kana e hahaha"
"Tss"
Pumasok na kaya si lance? May sakit pa Kaya yon. Sana gumaling na yon. Aish bat ba nagaalala ako dun sa mokong na yon?! Tsk erase erase Sam! Erase!
"Ah Claire puntahan muna natin si lance sa room nila maaga pa naman e"
"Asus ayan ah hinahanap hanap mo nanaman sya"
"Tsk Tara na nga"
Paakyat na kami malapit na kami sa room nila lance ng may marinig ako na parang nagaaway.
"Hmm dali na baby"
"San ba kasi gusto mo?"
Napatigil kami sa paglalakad ng makita ko si lance at yung babaeng kausap nya. Naka sandal sila sa pader at hawak ni lance ang dalawang kamay ng babae na naka taas.
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Bat umiiyak ako?! Ano naman kung makita ko sila? Tsk.
Nakita na nila kami at inalis bigla ni Lance ang tingin nya sakin at bigla nyang hinalikan yung babae.
YOU ARE READING
Unexpected
RomansaAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...