14th chapter

15 11 0
                                    

"Goodmorning my love! Gising na my love kakain na tayo my love" sigaw sa akin ni lance.

"Hmmmm ano ba lance inaantok pa ko wag ka ngang maingay--- ahhhhh! Lance ano ba---!"

Kiniliti nya ako kaya Napa sigaw ako at hinila nya ang paa ko. Letchugas antok na antok pa ako ano ba! Ang sakit pa rin ng balakang ko putcha naman oh!

"Ahhhhhh---! A-aray ko"

Nahulog kami ni Lance sa sahig sa kaharutan nitong mokong na to! Fvck. Nakapatong ako Kay Lance!

"Maligo kana baby ang Baho mo na"

"H-ha?"

"Wala! Kahit naman ang Baho mo na para sakin ang bango bango pa rin ng baby ko" sabi nya at itinaas ang kili kili ko at inamoy.

"Tsk ano ba lance tigilan mo nga ako---"

"Iloveyou baby" sabi nya habang patuloy na hinahalikan ako. Sheyms wala nanaman akong palag fvck.

"Lance ano ba ang aga aga pinapakilig mo ako"

"What?"

"E-este ano--- ang aga aga binibwisit mo ako!"

"Ano baby? Pinapakilig kita? Tama ba yung narinig ko?"

Fvck nadulas ako. Hindi nya pwedeng malaman na may gusto rin ako sa kanya! No way!

"H-ha? A-ano h-hindi ah! Ang sabi ko ang aga aga pinapainit mo yung ulo ko!" Sabi ko sabay talikod "ang hot mo na nga pinapahot mo pa lalo" dugtong ko na pabulong.

"Oh anak gising na pala kayo. Ano yung narinig naming kalabog sa kwarto mo?"

"A-ah a-ano po---"

"Ah nay may hinuhuli po kasi akong daga. May daga ho e Hindi ho kasi nililinisan ni Sam yung kwarto nya e"

Sinamaan ko naman sya ng tingin. Aba?! Ako pa ang Hindi naglilinis e halos maligo na ako sa pawis sa kaka linis ng kwarto ko! Tsaka excuse me walang daga sa kwarto ko!

"Ah. Sam linisan mo ang kwarto mo nakakahiya Kay Lawrence---"

"Tsk nakakahiya e makapal naman ang mukha nyan e" bulong ko sa sarili ko habang papunta sa cr.

"Ano anak?"

"Ah wala ho ma. Opo lilinisan ko po yon" sabi ko sabay ngiting lilinisan-ang-kwarto smile.

"Humanda ka lang saking mokong ka mamaya ka sakin kala mo ah!" Sabi ko habang nakanguso at dinuduro si lance at sya ay nginitian lang ako ng pangasar.

Tapos na ako maligo. Kanina pa ako tapos Hindi lang ako maka labas kasi nahihiya ako. Putcha nakalimutan ko yung damit ko lalabas pa tuloy ako para kumuha ng damit. Nahihiya ako kasi naka towel lang ako tapos naka pusod yung buhok Kong basang basa na tumutulo.

Ang tahimik. Parang tulog sila mama at papa. Pagka akyat ko sa taas ay wala ding tao. Ano nanaman tong kalokohan na to? Nak nang teteng tong si lance nasan nanaman kaya yung kumag na yon.

Inalis kona ang tali ko sa buhok dahil iboblower ko na ng may biglang nag taas ng buhok ko at hinalikan ako sa batok. Fvck tumaas lahat ng balahibo ko. Mga 5seconds bago nya inalis ang labi nya sa batok ko at iblinower na ang buhok ko. Sh*t namumula ata yung mukha ko nakakahiya huhu.

Hinawakan ni lance ang baba ko at iniharap sa kanya. Inalis ko naman ang tingin ko sa kanya kaya napansin nya namang umiiwas ako.

"Baby kinikilig kaba?"

"H-ha? A-ako? Kinikilig? Di ah"

"E bat namumula ka?"

"A-ano w-wala akin na nga yang blower!"

"Tsk wag na. Ako na magbloblower ng buhok mo"

Fvck we di nga? Sh*t tumigil ka Sam baka mahalata nyang kinikilig ka nga talaga! Pano ba naman kasi nagwawala yung mga paro paro dito sa Tiyan ko sa kilig tapos yung puso ko naman ang lakas ng tibok.

*dug dug dug dug*

Fvck palakas na ng palakas yung tibok ng puso ko! Shete ano ba!

"Baby ano yon---?"

"H-ha ano wala"

Bigla naman syang napatigil sa pagbloblower ng buhok ko at inilagay ang ulo nya sa dibdib ko. Sh*t lance stop! Lalo pang lumakas yung tibok ng puso ko hanggang sa magtaka na sya.

*dug dug dug dug*

"Baby may hika ba?"

Takte na yan akala ko naman hahalikan nya na ako o sasabihin nyang kinikilig ako tapos may hika ako?! Tsk panira ng moment e.

"H-ha wala"

"Bat ang lakas ng tibok ng puso mo?" Tanong nya at Sandaling napatigil. "Ahhhh kinikilig ka no? Sabi ko na nga ba e halika nga dito"

Hinila nya ako at kiniliti sa bewang! Sh*t ano ba kinikilig na ako!

"Lance stop--- ahhhhhh! S-stop lan---"

Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng halikan nya ako. Hanggang sa bumaba na yung pagkakahalik nya sa akin. Fvck no!

Bigla namang bumukas ang pinto at napatigil si lance sa paghalik sa akin. Si mark?! Fvck no!

"Hayop ka anong ginagawa mo sa girlfriend ko!" Sabi ni mark.

Bigla nya namang sinuntok si lance. Fvck mark nasasaktan yung baby ko! Hindi pa ba to titigil sa kaka gulo sa buhay ko?! Napaka kapal ng mukha nyang hayop sya! Mas makapal pa yung mukha nya sa pusa namin tsk!

"Mark ano ba tumigil ka na!" Sabi ko at inaalis ang kamay nyang patuloy na sumusuntok Kay lance.

"Ano Samantha?! Kaya ba iniwan mo ako para sa lalaking maharot na to?! Dahil ba Hindi ko magawa sayo yung bagay na ginagawa nya sayo ngayon---"

*pak*

Hindi nya pa natapos ang sasabihin nya ay sinampal ko na sya. Ang kapal ng mukha nya! Edi parang pina palabas nya na malandi ko! Hindi kona napigilan at tumulo na ang luha ko.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng mga salita na yan! Sino kaba ha?! Girlfriend?! Sino?! Ako?! Pagka tapos mo akong lokohin nagagawa mo pang magpakita sakin?! Mas makapal pa yung mukha mo sa hayop mark! Wala ka ng paki Elam kung anong gusto Kong gawin sa buhay ko dahil yung buhay mo Hindi ko pinapakielaman kasi wala na akong paki sayo!"

Umiyak na din si mark. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na wag magsalita ng Hindi maganda. Pigil na pigil ako sa sarili ko na wag syang pagsalitaan kasi kahit papaano may awa pa ako sa kanya. Pero ngayon? Lumalabas na yung tunay Kong ugali.

Pumunta naman si lance sa akin habang hawak hawak nya yung Tiyan nya at nakita kong putok ang labi nya at nagdudugo. Bukas sa mukha nya ang pagaalala sa akin.

"Ex mo ba yon Sam?"

"Obvious ba?"

"Osya sorry na. Ang init nanaman ng ulo mo e" sabi nya at niyakap ako.

Buti na lang kahit lagi Kong tinataboy si lance e pilit nya pa ding sinisiksik yung sarili nya sa akin. Mahal ko na ata si lance.

UnexpectedWhere stories live. Discover now