13th chapter

19 14 0
                                    

"Oh Bessy anong nangyari sayo?"

"Aish bwisit samahan mo nga ako Claire sa clinic"

"Osya tara kawawa naman tong baby ko" sabi nya sabay kurot ng pisngi ko.

"Oh hija anong nangyari dyan sa balakang mo?" Tanong ni nurse

"Ah ano po nalaglag po ako sa hagdan"

"Hala hija masakit ba?"

Aba ikaw kaya ang malaglag sa hagdan at tanungin kita kung masakit ba? Aba syempre masakit! Baliw ata to e.

"A-ah opo"

"Nako hija may pilay ka. Bawal ka muna pumasok. Sino bang adviser nyo? Ako na ang magsasabi. Isa o dalawang linggo kang huwag munang pumasok para Hindi lumala ang pilay mo"

"I-isa?! D-dalawa?! Linggo?! N-nurse mukhang ang tagal naman non malalate ho ako sa lesson namin"

"Hija, lalala ang pilay mo at pwedeng putulin---"

"Ah oho sabi ko nga po magpapa hinga na lang ho ako sa bahay"

Aish nakakainis naman! Pano na yung mga lesson namin?! Mahuhuli ako! Edi di ako makaka graduate non! Bruha tong babaeng to ang laki ng ginawa nyang purwisyo humanda sya sa pag galing ko!

"Ayan ano makikipag away ka pa?!" Pangaasar sa akin ni Claire.

"Tsk di ako nakipag away! Sumugod lang bigla yung babaeng yon! Humanda sya sakin---"

"Hep hep hep ayan ka nanaman Hindi pa nga magaling yang pilay mo makikipag away ka nanaman! Ano wala ka bang kadala dala?"

"Tsk tuturuan ko lang ng leksyon yang babaeng yan!"

"Osya tara na hahatid na kita sa inyo"

Palabas na kami ng gate. Naghihintay kami ng taxi or jeep. Hindi ko kasi talaga kaya mag lakad.

"Taxi!" Sigaw ni Claire

Wow sya magbabayad? Ang bait naman ata nitong kaibigan ko ngayon hahaha.

"Sakay" sabi ni Claire.

"Bye Claire salamat" sabi ko at pumasok na si Claire sa loob.

"Ah manong dyan lang ho malapit sa villaruel"

Sinandal ko ang likod ko dahil ang sakit talaga hindi kona kaya. Grabe bat ba nararamdaman ko to? Nananahimik na nga ako tas eto pa inabot ko. Aish.

Napansin Kong iba na ang dinadaanan namin. Lumiko ang daan namin at medyo malayo layo na ito samin. Teka pa punta to kila lance ah?! Wag mong sabihing---

"Manong ang layo na ho natin sa villaruel--- ahhhhh! Lance anong ginagawa mo dito?!"

"Sam please let me explain first!"

"Ibaba moko tatawag ako ng pulis I hinto mo to!"

"Oo na eto na"

Bumaba na kami dahil andito na kami sa bahay.

"Umalis kana!"

"Sam please hayaan mo naman akong mag paliwanag---"

"Anak?"

Napalingon naman kaming dalawa sa likod ng may biglang nagsalita. Shocks si mama. Fvck!

"H-hello po good afternoon po" sabi ni lance na nauutal utal at napapalunok ng sunod sunod.

"Good afternoon din hijo. Pasok kayo kumain na ba kayo?"

"A-ah ma tapos na po kami kumain aalis na ho sya---"

"Ah sige po" sabi ni lance.

Anak ng teteng ang kapal talaga ng mukha netong mokong na to! Aish papasok sya sa loob?! Fvck mamaya isipin nila papa at mama na boyfriend ko to!

"Oh anak anong nangyari sa balakang mo"

Tumingin muna ako kay lance ng masama at sinagot na si mama.

"A-ah ma wala ho ito"

"Nalaglag ho kasi sya sa hagdan kanina kaya po ayan napilayan ho sya. Pasensya na ho" sabi ni Lance.

"Oh anak Hindi mo ba Ipapakilala yang boyfriend mo samen? Ilang araw na kayong nagsasama?"

Nagulat naman ako sa tanong ni mama. Fvck sabi ko na nga ba mapapag kamalan na boyfriend ko tong mokong na to e!

"A-ah ma Hindi ko ho sya boyfriend---"

"Magiging boyfriend pa lang po" dugtong ni lance.

Sinamaan ko naman sya ng tingin. Mamaya to sakin tong mokong na to e.

Nagkwentuhan naman sina mama,papa at lance pati na rin sila jade at Diane. Pinapauwi kona si lance kanina pero sabi ni mama wag ma daw muna. Aish nakainis sila!

"Ah una na ho ako nay at tay. Jade at Diane una na ako. Maraming Salamat ho" sabi ni lance.

"Ah anak dito kana lang matulog mag hahating gabi na baka mapano ka dyan" pagpipigil ni mama kay lance.

What?! Dito Matutulog si lance?! Fvck no way! Peste kaya ayokong nagpapa punta ng mga bisita dito e!

"May bakante pa doon sa kwarto ni Sam tabi na lang kayo. Pasensya na hijo maliit lang ang bahay namin" sabi ni mama.

"Hindi po okay lang po" sabi ni Lance at tumingin sakin ng abot tenga ang ngiti sinamaan ko lang sya ng tingin. Mamaya ka saking kumag ka.

"Eto Lawrence oh mag bihis ka ng pang tulog at maginaw dyaan" sabi ni papa at iniabot ang damit Kay Lawrence.

"Salamat po tatay" sabi ni Lance.

"Baby wag kana magalit sakin please? Sorry na"

"Tsk baby mo mukha mo! Tara na pumasok kana isasarado kona yung pinto!" Sabi ko at sinamaan sya ng tingin. "Dyan ka sa lapag dito ako sa taas"

"Sabi ni nanay TABI daw tayo Hindi HIWALAY" sabi nya at ang salitang TABI at HIWALAY ay tinataas nya ang Boses nya.

"Tsk ako ang masusunod kwarto ko to tandaan mo!"

"Hindi kaba naaawa sakin baby? Tignan mo oh ang lamig lamig dito sa baba" sabi nya habang kinakapa kapa ang sahig.

Oo nga malamig talaga sa sahig kaya grabe ang kumot ko dito dahil sobrang lamig dito tuwing gabi.

"Tsk osge dito yung hati ah! Wag kang lalagpas dito babatukan kita!"

"Sam anak, magtabi na kayo ni Lawrence wag mo na patulugin sa lapag yan. Malamig" sabi ni mama at kinatok ang pintuan.

Aish ano ba naman yan! Ngayon lang sila nag ganto! Hindi ko naman boyfriend tong mokong na to e!

"Narinig mo yung sabi ni nanay? TABI daw tayo" sabi nya habang abot tenga ang ngiti.

"Tss oo na!"

"Goodnight baby sweet dreams mua" sabi nya sakin at nag flying kiss pa.

"Tsk matulog kana nga!"

Humiga na kami at siniksik ko ang katawan ko sa gilid para di kami mag katabi nito. E halos lahat ba naman sakop nya na! Ang likot pa matulog! Kaya siguro ang laki ng kwarto nya don sa bahay nila e ang likot nya kase!

Nagulat ako ng yakapin ako bigla ni Lance. Fvck Hindi ako maka galaw! Gusto ko syang itulak at ilayo sakin pero parang may pumipigil sakin. Hanggang sa nakatulog na ako at hinayaan ko na lang na naka yakap sya sa akin.

UnexpectedWhere stories live. Discover now