"Mmm, baby, I don't understand this
You're changing, I can stand it
My heart can't take this damage
And the wait I feel, can't stand it.Mmm, baby, I don't understand this
You're changing, I can stand it
My heart can't take this damage
And the wait I feel, can't stand it."Nagising ako ng biglang may narinig akong nakanta. Teka favorite song ko to ah? Sandali akong napatigil at dahan dahang tumayo at nakita Kong natugtog si lance ng gitara. Marunong pala sya mag gitara. Maganda din ang Boses nya. Matagal ko ng favorite ang changes ng XXXTENTACION.
Sa tuwing pinapatugtog kasi ito naalala ko Simula una kaming mag ka kilala ni mark. Bakit hanggang ngayon ang sakit sakit pa din? Bakit hanggang ngayon parang Hindi ko pa din matanggap?
"Girl you're makin' it hard for me
Girl you're makin' it hard for me
Girl you're makin' it hard for me, uh, mmm
Girl you're makin' it hard for me
Girl you're makin' it hard for me---"*ehem* *ehem* *ehem*
Shet Sam talaga kahit kelan istorbo ka! Imbis na Hindi ka mahuhuli ayan nahuli ka tuloy na pinapakinggan at tinititigan mo sya! Assuming nanaman to tignan mo! May naka alala ata sakin kaya naubo ako.
"Ah baby kanina ka pa ba dyan?" Malamya nyang sabi.
Bakit parang may Mali? Dati kasi kapag mahuhuli nya akong naka titig sa kanya at pag gising ko tuwing umaga ang saya saya nya. Pero ngayon bat wala sa mood yung pag tatanong nya? May Mali ba?
"Uy, kanina ka pa ba dyan?" Sabi nya sabay ginulat ako. Nakatulala nanaman kasi ako aish Sam talaga oh.
"A-ah ano h-hindi ah. N-ngayon ngayon lang" pagsisinungaling ko at nauutal Kong sabi.
"Ah. Kumain kana sa baba"
Teka may Mali talaga e. Bat ba ganto sya? Huhu Hindi ako sanay lance tama na gantong asal please oh. Anong gagawin ko ang weird namin. Nasasaktan ako ano ba lance huhu.
Patugtog na sya dapat ng bigla ko syang yakapin habang syang nakatalikod sakin. Inilagay ko ang baba ko sa balikat nya at inilagay ko ang kamay ko sa Tiyan nya at MA's hinigpitan pa ang pagkakayakap.
Shit ano ba tong naisipan ko bat ginawa ko to?! Fvck Sam tanga tanga ka talaga! Napansin kong nagulat si Lance sa ginawa ko kaya nanlaki ang mga mata nya at napalingon sa akin.
"A-anong g-ginagawa mo s-sam?"
Shit Sam laksan mo ang loob mo huwag mong ipakitang nahihiya at kinikilig ka. No huhu I hate you lance bat ang hina hina ko sayong tukmol ka huhu.
"Oh ano? Bat Hindi ka maka galaw dyan? Ayan kasi pabibo ka pa baby baby ka pa dyan mahina ka naman pala! Tsk" pangaasar ko at kumalas sa pagkakayap sa kanya. Patayo na ako ng hilain nya ang kamay ko at hinawakan ang batok ko sabay halik.
Shit nakaka ilan na talaga to sakin! Masasampal ko talaga tong hayop na to e anong akala nya sakin madadala nya ako sa ganyan nya? Sabagay, nadala na nga ako.
"Oh ano Natahimik ka ngayon?" Aba aba gumaganti si g*go inasar din ako.
"A-ah a-ano. Tumigil ka nga dyan Tara na kumain na tayo! Nagugutom na yung baby sa tyan ko." Sabi ko sabay hinila ang kamay nya. Shit bat nasabi ko yon?!
"A-ano? B-baby---?"
"H-ha? W-wala! Tara na nga!" Sabi ko at hinila na sya para kumain na sa baba.
Pakalahati na kami sa pagkain namin. Shit teka nga bat parang nasusuka nanaman ako? Aish teka nga ano ba yan---.
*bleh* *bleh* *bleh*
Shit bat nagsuka nanaman ako?! Argh nakakainis!
"Hmm baby okay ka lang?" Pagaalala ni lance.
"O-ok lang ako"
"Anak magpa hinga kana muna sa taas" pagutos ni mama.
"Ako na hong bahala sa kanya nay" sabi ni lance.
Paakyat kami habang inaalalayan ako ni Lance. Hindi ko na kasi nakayanang mag lakad ng walang naka alalay sakin.
Inihiga nya ako sa kama. Shit anong gagawin nito habang nilalapag nya ako naka patong sya sakin at inilalapit nya ang mukha nya sa akin.
Hindi ko alam pero bigla akong napapikit pag dilat ko ang ulo ni Lance ay naka patong sa Tiyan ko at hawak nya ang Tiyan ko habang naka ngiti.
"Hi baby, matagal pa kitang hi hintayin bago ka lumabas. I can't wait to see u my baby, iloveyou"
Ewan ko pero bat ang sarap sa feeling. As in napangiti na lang ako bigla sa sinabi nya. Siguro nga kailangan ko na lang talaga tanggapin na buntis nga ako at magiging ina na ako.
"Lance hanggang kailan tayong ganto?" Seryosong tanong ko.
"Hanggang sa sabay sabay tayong mamatay sa hirap at ginhawa"
"Hindi ka ba napapagod?" Ako.
"Bat ako mapapagod sayo e ikaw lakas ko e"
•-•
Shocks naramdaman Kong umakyat yung dugo ko sa tainga ko at namumula ang pisngi at dibdib ko. Ganon kasi ako kapag kinikilig at nagugulat.
"A-ah" wala na Kong masabi kaya ayan na lang huhu.
"E ikaw Sam, hanggang kailan moko matatanggap bilang tatay ng anak mo at bilang asawa mo?" Seryosong tanong nya.
Shit gusto ko na lang kumawala dito hindi ko na kaya huhu. Para akong naka kita ng multo sa sobrang nanigas ako sa tanong nya.
"A-ah a-ano---"
"Mahirap ba yung tanong ko Sam? Parang napaka hirap at Hindi mo masagot"
"H-hindi ko alam"
"Hindi mo alam? Nasa sayo naman yan e. Kung alam mong bawal, go sabihin mo. Then kung gusto mo, go sabihin mo din. Kasi nag mu mukhang---"
"Matagal na kitang tanggap simula sa una"
Natigilan sya sa sinabi ko ng sandali. Ayan kasi tanong tanong Hindi naman pala kayang marinig ang sagot ko.
Teka? Luha ba yon? Luha nga. Naramdaman kong tumulo ang luha ni lance sa Tiyan ko. Siguro akala nya kasi ayaw ko sa kanya simula una pa lang kaya grabe sya maka react ngayon.
Tiningala ko ang ulo nya para tumingin sya sa akin. Nakita ko namang may luha ko nga sya sa mga mata nya. Ang pangit nya umiyak hahaha.
Shit hinalikan nanaman ako ng kupal na to. Hindi ko napigilan ang gagawin nya dahil bigla nya akong hinalikan.
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...