Dahan dahan Kong minulat ang mata ko at medyo Malabo labo ang nakikita ko. Ano bang nangyare? Nawalan ba ako ng Malay? Bigla namang may sumagap ng paningin ko na lalaking naka jacket ng black at naka sumbrelo
"Ano okay okay kana ba?"
Minulat ko ang mata ko para tignan sya at nagulat naman ako sa nakita ko. Sa dinami dami ng tao eto pa talaga? Eto pa talagang lalaking to na muntikan na akong patayin at binastos ako?
"Anak ng teteng nga naman oh anong ginagawa ko dito bat andito ako ni rape moko no? Pinag samantalahan mo akong mokong ka no hayop k-"
"Pwede ba? Manahimik ka at itikom mo yang bibig mo dahil kung Hindi ko pinigilan ang lalakeng may hawak na balisong sa bewang mo e Patay ka na!" Sigaw nya habang hawak hawak ang bibig ko at pilit Kong inaalis yon ngunit Hindi ko kaya
"S-sino kaba?" Nauutal Kong sabi pag ka Alis nya ng kamay nya sa bibig ko
"Di kaba mag thathankyou? Di yung ang dami mo pang satsat nakaka rindi na" naiiritang ani nya
"Wala Kong papasalamatan sa katulad mong mokong ka okay?"
"Aba e ang kapal talaga ng mukha mo no ang tigas din ng bungo mo halika dito"
"Ano baaaa bitawan mokong hayop kaaaaa!" Sigaw ko dahil palabas na ako ng bigla nya akong hilain at bigla ko naman syang utinulak kaya napahiga kaming dalawa sa higaan na hinihigaan ko kanina
Naka patong ako sa kanya habang nanlalaki ang mata ko dahil nararamdaman ko ang tigas ng Tiyan nya. Sh*t ang malas ko talaga kahit kelan.
"Ano wala ka bang balak umalis sa pagkaka patong saken? Mukhang nasasarapan kana ata ikaw ba ang naka schedule sa araw na to? Ow Hindi ko alam pasensya n-" Hindi pa man sya nakaka tapos ng sinabi nya ay agad ko syang sinampal. Aish napaka bastos ng bunganga ng mokong na to.
"Hoy para sabihin ko sayong mokong ka wag mokong tinutulad sa mga babaeng kilala mo na madaling nailalagay sa kama dahil hinding Hindi kailanman mo ako magaganon okay? Makaalis na nga" ani ko at biglang kinuha ang bag ko sa sahig
Naramdaman ko na hinabol nya uli ako at biglang bumulong sa tainga ko. Ramdam ko ang init ng hininga nya kaya napapikit ako nang bigla syang magsalita.
"Text mo lang ako kung buo na yung desisyon mo baby, ingat"
Akala ko kung ano ang sasabihin ng mokong na to. Jusko walang alam kundi kabastusan ang pag usapan. Pag ka galaw ko ng bag ko may nakita naman akong papel don at agad Kong binuklat yon.
"09237895641" anak ng teteng pati ba naman sa bag ko? Aish kabadtrip naman oh araw araw na lang akong malas. Tumingin ako sa relo ko kung anong oras na 11:45pm ghad anong oras na pala. Bago ako maka pasok ng pintuan e pumikit muna ako at nanalangin na sana ay wag ako pagalitan.
"Jusko sana Hindi ako pagalitan" bulong ko
Pagka pasok na pagka pasok ko sa pintuan ay nakita ko agad si nanay at si tatay. Ang sama ng titig sakin ni tatay at si nanay ay kita ko ang pag aalala sa mata nya.
"T-tay n-nay" nauutal kong sabi dahil Hindi kona alam ang sasabihin ko at gagawin ko dahil ngayon lang ako ginabi ng sobra sa pag uwi
"Kelan ka pa natutong umuwi ng gabing gabi?" Seryosong sabi nang nanay at tatay
"Nay tay..."
Kwinento ko ang buong pangyayare kanina. Akmang Hindi maka paniwala si nanay at tatay sa nangyari dahil buti daw nakaligtas pa ako.
"Buti mabait at mabuti ang loob nang lalaking iyon, ipa kilala mo nga sa amin yon anak"
Sandaling nanlaki ang mata ko at na tahimik sa sinabi nang nanay at tatay. Yon yung ugok na yon mabait? Jusko mamaya nga pinag samantalahan ako nung hayop na yon e.
"A-ah eh nay tay Hindi ko po sya kilala. Akyat na ho ako sa taas mag papahinga na po ako. Goodnight po"
Haynako araw araw na lang may nangyayareng kakaiba saken. Bat lagi ko na lang nakikita ang lalaking yon? At bakit kaya ang init ng dugo ko sa ugok na yon. Hindi pa nga kami mag kakilala at close pero grabe na kami mag away. Pano pa kaya kapag kilalang kilala ko na yong taong yon. Aish bat iniisip ko yon? Makatulog na nga.
Tanghali na nang magising ako. Pupuntahan ko nga pala si mark kailangan ko ng kumilos. Bumaba na ako at nakita Kong naka handa na ang pagkain sa lamesa.
"Oh anak gising kana pala kumain kana ng tanghalian, tanghali na"
"Goodmorning nay nasan po si tatay?"
"Pumasok na sa trabaho anak. Aalis din ako ikaw lang ang maiiwan dito"
Pagka tapos ko kumain naligo na kaagad ako at lumabas na ng cr.
"Oh anak may lakad kaba?"
Sandali akong napatigil sa pag akyat dahil alam Kong ayaw nila nanay at tatay na napunta ako kila mark.
"A-ah eh nay-"
"Pupunta kaba kila mark? Ako na nagsasabi sayo na Hindi babae ang napunta sa lalake ang pangit pakinggan kaya hintayin mong si mark ang mag sundo sayo"
"Eh nay isosorpresa ko sana si mark Hindi nya ho alam na pupunta ako sa kanila"
"Suguraduhin mo lang na ikaw ang mag sosorpresa, dahil baka ikaw ang masorpresa"
Hindi na ako nag salita at umakyat na lang ako. Ano kayang ibig sabihin ni nanay? Makapag bihis na nga lang. Pagka tapos Kong mag bihis bumaba na ako at nakita Kong may papel malapit sa pintuan.
"Anak Hindi na ako nakapag paalam sayo dahil mukhang busy ka sa taas kaka bihis mo. Mag ingat ka at I lock mo ang pintuan"
Sinarado ko ang pintuan at sinigurado ko na matindi ang pag kaka sarado nito dahil nanakawan na kasi kami dati. Paalis na ako nang biglang may humarang sakin.
"Hey baby San ka pupunta?"
Anak ng teteng pati ba naman dito sa bahay susundan ako netong kumag na to? Wala talagang kadala dala tong hayop na to mabigyan nga ng leksyon.
"Pati ba naman dito sa teretoryo namen sumunod ka? Hindi kaba talaga titigil?"
"Easy baby dinala lang ako ng mga paa ko dito"
"Anong kailangan mo? Dali Dalian mo at baka hambalusin na kita"
Tinignan nya ako paitaas hanggang paibaba pero napatigil ang pag tingin nya sa legs ko. Manyak nga naman talaga tong hayop na to oh. Ngumingiti ngiti sya habang nakatitig sa legs ko.
"Baby mukhang inaalagaan mo yang le-"
Hindi pa sya nakaka tapos ng sasabihin nya e agad ko na syang sinapak at tinadyakan sa tiyan. Ginamit ko ang napag aralan ko sa arnis noong elementary pa ako.
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...