*tok tok tok*
"Hmmm sino yan?"
"Sam gising na anong oras na!! Buksan mo yung pinto"
"Hmm wait lang"
Bumaba ako para buksan yung pinto. Ang aga aga nambwibwisit nanaman to! Aish anong oras pa lang naman e!
"Anak nang teteng bat Hindi kapa nakabihis?! Anong oras na Dalian Mona bata ka!"
"Hmmm inaantok pa ako---"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong hinila pa punta sa cr.
"Claire ano ba kaya ko na-- ahhhhhh!!!" Sigaw ko "Claire ang lamig ng tu--- ahhhh!!!"
"Ayan mag bihis kana ang Baho mo"
"Ano ba! Ang lamig kakagising ko lang!"
"Gusto mo pakuluan kita ng mainit na tubig baby?"
Nagulat naman kami ni Claire ng may biglang may nagsalita kung saan andon si lance sa pintuan. Anak nang anong ginagawa netong mokong na to dito?
"Anak nang teteng naman pati ba naman dito lance?!"
Hindi nya ako sinagot at bigla nya akong tinignan mula ulo hanggang paa.
Fvck ngayon ko lang narealize na naka hubad pala ako! Tumawa naman sila ni Claire at nagtakip ng mata si lance gamit ang kamay nya. Aish nakakainis!!
Tapos na akong maligo. Palabas na sana ako ng pinto ng pagka bukas ko ng pinto ay muntikan na akong madulas. Hindi ko namalayang nasa tapat pala ng cr si Lance at buti nasalo nya ako at hawak ang bewang ko.
"Mag ingat ka palagi baby"
"Tsk baby mo mukha mo!"
*ehem* *ehem*
"Baka pwedeng paki bili bilisan ho! *ehem*"
Umakyat na ako sa taas para magbihis. Naramdaman ko namang may sumusunod sakin pero binaliwala ko na lang yon.
Biglang tumaas ang balahibo ko nang biglang may humalik sa leeg ko. Naka pusod kasi ang buhok ko.
"L-lancee"
"Shh"
"Ano ba kumag ka pinag sa samantalahan mo nanaman ako! Tsk bumaba kana nga!"
"To di mabiro pahalik lang e"
"Tsk halik mo mukha mo!"
Tapos na ako mag bihis at paalis na kami. Nilock ko na ang pinto ay nagiwan na lang ako ng sulat para sabihin Kay mama at papa na may pupuntahan lang kami ni Claire.
"San ba tayo magpapa checkup?" Tanong ni lance.
"Basta malapit na tayo" sabi ni Claire.
Naka sakay kasi kami ng taxi. Tabi kami ni lance dito sa likod at si Claire ay nasa harapan.
"Baby nagugutom ka ba?" Tanong ni Lance.
"Hindi" matipid Kong sagot.
"Oh" sabi nya at iniabot ang supot ng cookies.
"T-thankyou"
Mahigit mag iisang oras na kaming nabyahe at napansin Kong nakatulog na si lance sa balikat ko. Hindi pala sya Sanay sa matagalan na byahe. Anak mayaman kasi e.
Pagka daan namin sa lubak ay muntikan ng mauntog si lance sa bintana kaya agad kong sinalo ang ulo nya at Nagising naman sya.
Konting galaw na lang ng taxi sa lubak ay agad mag didikit ang labi namin ni Lance. Ghad.
"S-sorry k-kasi mauuntog kana kaya hinawakan ko yung u-ulo mo"
"Thankyou" sabi nya habang ngumingiti sakin.
Andito na kami sa checkup ng mga buntis. Naka pasok na sila sa loob pero naiwan ako ditong nanginginig.
"Lord sana Hindi ako buntis" bulong ko sa sarili ko.
"Hoy ano wala kang balak pumasok?" Sigaw sakin ni Claire.
"Eto na papasok na" sabi ko at nag sign of the cross ako.
After 30mins lumabas na din yung resulta.
"Ah alcantara bad news Hindi ka buntis"
Sandali akong napatigil. Sobrang saya ko sh*t! Salamat Hindi ako buntis huhu.
"D-doc pwede ho bang ulitin? Baka ho kasi nagkamali lang kayo"
"Lance!"
"Sam gusto ko na maging daddy!"
"Pero Hindi sakin---!"
"GUSTO KO NGA SAYO SAM! GUSTO KO SAYO!"
Napatigil ako at bigla na lang akong napaluha. Bat kasi sakin? Nag aaral pako ang dami ko pang pangarap sa buhay. Hindi ko alam kung bat nanghihina ako. Pero pag talaga sya na yung nagsasalita Hindi na ako makapalag.
"S-sam please" sabi nya habang naiyak.
"S-sorry lance pero ayoko"
Hindi kona hinintay na magsalita pa sya. Iniwan namin syang naiyak. Umalis na kami ni Claire. Ayoko na. Ayoko na talaga.
"Sam mahal ka nga ni Lawrence"
"Pero Claire---"
"Sa dinami dami ng naging babae nya ngayon lang uli sya nabaliw ng ganyan"
"Ayan karma sya ngayon! Pati ako inaano nya tsk"
"Hindi ka pinaglalaruan ni Lawrence, Sam. Kasi hindi naman sya iiyak at magmamakaawa ng ganyan kung pinaglalaruan ka nya" seryosong sabi ni Claire.
Hindi na ako sumagot at nagyaya na akong umuwi. Hindi ko maintindihan pero Hindi ko kayang nakikita si lance na naiyak. Baket? Baket!! Dahil ba naaawa ako sa kanya? O dahil mahal ko sya? Fvck no Hindi ko sya mahal!
"Pag niligawan ka ni lawrence? Sasagutin mo sya?" Tanong ni Claire.
"H-ha? S-syempre---"
"Oh yun naman pala e sasagutin mo naman pala bat ang choosy mo pa?"
"Ang ibig Kong sabihin, syempre Hindi!"
"Ang Arte mo"
"Arte? Tsk di pa ako nakaka move on Kay mark no"
"Ayan, mark nanaman"
"N-naka move on na. Konting kembot na lang mawawalan na ako ng pake don"
"Asus Sam kilala kita"
"Tsk. Tigilan mo nga ko Claire"
"Ahm pero teka Bessy. Ano ba talagang nangyari nung isang gabi sa inyo ni Lawrence?"
"Pwede ba Claire wag na natin pagusapan yon!"
"Anong nangyari?"
Nagulat naman kami ni Claire ng may biglang nagsalita sa likuran namin. Si mark. Ano nanamang ginagawa nito dito? Di pa ba sya masaya na nasaktan nya na ako? Di sya nakuntento sa ginawa nyang panloloko sakin?
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sinong Lawrence?"
"Wala ka ng paki don mark"
Hinila ko si Claire para umalis na kami don pero hinawakan nya ang kamay ko para Hindi maka alis sa kinatatayuan ko.
"Ano pa bang gusto mo? Sinaktan mo na ko lahat lahat Hindi pa ba sapat yon? kahit anong gawin mo hinding Hindi na kita tatanggapin pa uli!"
Inalis ko ang kamay nya para maka Alis na kami ni claire.
Hindi pa ba sapat na niloko nya ko? Pagka tapos nya akong saktan ang lakas pa ng loob nyang magpakita sakin? Aba ang tibay ng mukha nyang mokong sya!
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...