30th chapter

9 1 0
                                    

"Misis ko wag ka ng magalit" sabi ni Lance habang hina hawakan ang kamay ko.

"Wag mokong kausapin bwisit ka! Imbis na tulungan mo ako e pinanood mo pa talaga kami habang sinasabunutan ko yung mga yon?! Gustong gusto mong nilalandi ka ng mga hayop e no? Pwes magpalandi ka don!" Sabi ko sabay sarado ng pintuan. Hindi sya tatabi sa akin matulog. Galit ako. Magdusa sya ang hirap hirap kumilos dahil masakit sa tiyan tapos di man lang ako tinulungan.

"Misis ko parang awa mo na oh buksan mo na yung pinto" sabi nya habang kinakalampag yung pintuan.

"Manigas ka!" Sigaw ko.

_

Mahigit tatlong oras na ding hindi nangungulit si Lance para maka pasok sa loob. Lumabas ako sandali at nakita ko syang naka higa sa kawayan sa labas ng pintuan. Nilapitan ko sya at tinitigan ko. Kumuha ako ng kumot at sinapin sa kanya iyon. Hindi na ako pumasok sa loob hanggang sa nakatulog na ako.

LAWRENCE POV

"Hmmm" unat ko.

Pagkadilat ko ng mata ko ay mukha agad ni Sam ang nakita ko. Napaka ganda talaga ng misis ko. Kusang ngumingiti ang labi ko sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Sam. Sabi ko na nga ba ay hindi ako matitiis nito e.

"Babyyy gising na" sabi ko habang tinatakip sya. Mahimbing ang tulog nya kaya dahan dahan ko syang binuhat pa punta sa kwarto at  inilapag sya.

Bumaba ako at nag handa ng almusal para pagka gising ni Sam ay kakain na lang kami. Ang sarap sa pakiramdam na sabay sabay kayo ng mga mahal mo sa buhay na magaalmusal, magtatanghalian, at maggagabihan.

Handa na ang pagkain at sandali ko itong iniwan at bumaba.

"Ayos na ba lahat ang gagamitin?" Tanong ko sa mga nagaayos ng mga gagamitin para mamaya pagka gising ni Sam.

Tinititigan ko si Sam habang mahimbing pa din ang tulog ng mapansin kong may suot sya na kwintas. Ngayon ko lang to napansin as in ngayon na ngayon lang talaga. Nang makita ko ito ng malapitan at malinaw ay may nakalagay na letrang J. Sinong J? Bakit may kwintas sya nito?

*flashback*

"Gina, tara na umalis na tayo dito baka mahuli pa nila tayo" sabi sa akin ni Joshua sabay hila ng kamay ko.

"H-hindi ako maka tayo J-joshua" nauutal kong sabi dahil nagdadalawa ang paningin ko dahil tumama ang ulo ko sa bato. Hinawakan ko ang ulo ko sa bandang tinamaan ng bato at nakita kong may dugo ito at tuluyan ng naging black ang paningin ko at wala na akong nakita.

"Ginaaaaaa! gumising kana" sabi ni Joshua habang patuloy na naiyak.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at nakita kong naiyak si Joshua habang hawak ang kamay ko.

"J-joshua" nauutal kong sabi.

"Gina gising kana" sabi nya habang abot langit na ang ngiti sa kanyang mga labi.

SAMANTHA POV

"Hmmm" sabi ko habang dahan dahang iminunulat ang mata ko.

"Sinong J?" Seryosong tanong ni Lance.

Hindi naman ako kaagad naka sagot dahil alam kong nagseselos sya at ta tanungin nya ako kung bakit suot ko pa ito.

"A-ah b-bestfriend ko" nauutal kong sabi. "S-si j-joshua" nanginginig kong sabi habang naka tingin sa lapag.

Hindi na sya muling nagsalita at nagsalita na lang uli ako dahil alam ko namang gusto nyang ikwento kung paano kami nagka kilala kung saan ko sya nakilala at kung sino talaga sya in short ang buong pagkatao nya. Aish ang hirap magkaroon ng asawang ganito jusmiyo marimar.

"Simula kinder ako mag kaibigan na kami ni Joshua. Nakilala ko lang sya nung may nambubully sakin tapos pinagtanggol nya ako. Hindi sya dito nagaaral sa japan tuwing bakasyon nauwi sila dito sa pinas. Simula non tuwing bakasyon ay lagi kaming nagkakasama at sinasama ako nila tita sa mga out of town nila"

Tapos na ako magpaliwang pero hindi pa din sya nagsasalita. Jusko sana naman wag kaming mag away huhu.

"Bat suot mo pa din yang kwintas? Miss mo?"

"H-ha hindi ah. Bigay nya kasi ito sakin"

"Ge" matipid nyang sabi. Naknang tokwa naman oh.

"K-kumain ka na---?"

Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil agad syang nagsalita at pinutol ang sasabihin ko. "Di pa" sabi nya.

Hindi kami umiimik at niyakap ko sya habang naka talikod sya. Halata naman kasing nagseselos tong mokong na to e.

"B-bakit?" Nauutal nyang tanong.

"Wala lang. Nagseselos kaba?" Tinanong ko kahit obvious naman hahaha nangangasar talaga ako e no.

"H-hindi a-ah"

"Asus mister ko nagseselos halika na nga dito" sabi ko at mas hinigpitan pa ang pagkaka yakap sa kanya.

"Oh magbihis ka" sabi nya at iniabot ang box sa akin.

"Ano i---?"

Pinutol nya kaagad ang sasabihin ko at nagsalita syang muli. "Ang dami mong tanong mag bihis kana lang" naiirita nyang sabi.

Edi magbihis ang init ng ulo e. Tinignan ko ang laman nito at nakita kong dress ito na kulay light pink. Para saan ito? May pupuntahan nanaman ba kaya pinapabihis ako ng mokong na to?

Nang naka bihis na ako ay bumaba na ako. Nasaan si Lance? Pagka baba ko ay may nakita akong bakat ng paa ng tao at dugo. Dali dali kong sinundan iyon ng may biglang humawak sa leeg ko.

"Katapusan muna" sabi nya.

"Sino ka? Bitiwan moko nasaan si Lance!"

"Wala na sya pinatay ko na at susunod kana" sabi nya habang natawa nang parang demonyo.

"Hayop ka nasan si---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang lumabas si Lance na abot langit ang ngiti. Ano to? Lokohan?

"Hi baby surprise" sabi nya habang natawa.

Tumingin naman ako sa likuran ko at nakita ko sila tita Kaye at Tito Wendell na naka ngiti. Nakita ko din yung humawak sa akin sa likuran ko at naka ngiti din sya.

Nilapitan nya ako at kinuha nya ang kamay ko at iniligay nya sa batok nya at hinawakan ako sa bewang at tumugtog ang kanta ng Ed Sheeran na all of me at isinayaw ako.

Naiiyak ako sa ginawa ni Lance dahil akala ko talaga katapusan ko na hahaha. Hindi ko din naman hahayaang may mangyaring masama kay Lance dahil hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa kanya, wag naman sana.

"Ikaw talaga akala ko kung ano na!" Sabi ko sabay tapik sa kanya at tumawa.

"Iloveyou misis ko"

Tumawa muna ako bago magsalita. "Iloveyoutoo mister ko"

UnexpectedWhere stories live. Discover now