Ako si Samantha Georgina Alcantara.
Jade Alcantara ang pangalan ng aking kapatid na sumunod sa akin at Diane Alcantara ang pangalan ng bunso kong kapatid. Panganay ako sa aming tatlo. Tumigil sila dati sa pag aaral dahil kapos kami sa pera. Kaya minamadali na nila akong makapag tapos ng pag aaral para makahanap na ako ng magandang trabhaho para ma pag aral ko sila. Nag aaral ako sa isang public school lamang. Pangarap ko maging isang sikat na chef pero ang pangarap ng magulang ko para sa akin ay maging isang flight attendant. Laki kami sa hirap dahil ipapalaglag sana ako kaso Hindi ako mapalaglag dahil malakas daw ang kapit ko kaya eto ako ngayon buhay pa. Scholarship ako sa school kaya ayon na lang minsan ang ginagamit ko kapag may kailangan ako sa eskwelahan. Mag tatrabaho na din ako kasama ang best friend ko na si Claire Manatad. Kasama ko sa kalokohan, dramahan, at kulitan. Sya ang kaisa isahang matagal ko na ng best friend since 5 years old pa lamang kami. Ang dami ng dumating na problema samin ni Claire dahil minsan Hindi kami nagkaka intindihan at nag aaway kami. Andyan sya parati sa tabi ko sa oras na saktan ako ni mark. Mag tatatlong taon na sana kasi kami ni mark kaso wala e. Siguro na pagod na din si Claire sakin sa kaka advice at pag papalayo nya sakin Kay mark. Kasi dati nahuli na ni Claire si mark sa hotel na may kahalikan. Nag bibingi binngihan ako sa tuwing naririnig ko ang maling balita galing Kay mark. Nag bubulag bulagan ako sa tuwing may makikita akong Hindi na tama. Mag kukunwari akong walang alam kahit alam Kong ginag*go na ako. Nangako kasi ako sa sarili ko na dapat ang first love ko at first boyfriend ko ay tatagal kami ng pitong taon. Ang taas ko mangarap kaso ayon kasi ang pangarap ko para sa magiging first boyfriend ko. Sa sobrang pag mamahal ko sa tao kahit alam kong mali pilit ko pa ring itinatama sa sarili ko. Kaya naging tanga, bulag, at bingi ako dahil sa salitang PAG IBIG.Ngayon ko lang narealize na natulo na pala ang luha ko. Nasa kwarto ko kasi ako nagsasalita mag isa. Kasi kahit anong gawin kong pag limot Hindi ko magawa kahit nasaktan na ako ng sobra at kulang na lang ay sampalin ako ng mga nakikita kong Hindi ko inaakala na makikita ko sa mismong taong mahal ko. Mismo.
Linggo ngayon mag sisimba akong mag isa para makapag focus ako.
Beep beep.
"Bessy labas ka nga"
Lumabas ako at nakita Kong si Claire at nasa labas. Ano nanamang ginagawa neto dito?
"Hi Bessy. Maligo kana ang bago Mona hintayin na lang kita dito"
"Ha? San tayo punta?"
"Basta ang dami mong tanong maligo kana Dalian Mona"
-_-
"Claire san nanaman ba tayo pupunta?"
"Ahm kailangan mahimas Masan ng puso mong nasaktan ohhh wooh hooo"
Nangangasar nanaman tong bwisit na to e.
Andito na kami sa simbahan. Nagdadasal ako pero etong si Claire ngata ng ngata ng pagkain. Nasa loob ng simbahan e aish.
"Itabi mo yang pagkain mo" utos ko at sinamaan sya ng tingin.
:<
Tapos na ang misa at uuwi na sana kami ng bigla akong hilain ni claire.
"Bessy may pupuntahan tayo" sabi nya at ngumiti ng nakakaloko sakin.
"Ano saan nanaman" naiirita Kong sabi
Sumakay kami ng taxi at nakatulog ako sa byahe sa sobrang tagal namin. Ang daming tao. May nakikita akong nakasakay sa umiikot na parang pang bata ata na plang gana. Aish basta. STAR CITY? Nak ng teteng bat andito kami? Kung san san ako dinadala nitong si Claire aish.
"Claire ano bang ginagawa natin dito?!" Sigaw ko dahil ang daming tao at ang ingay.
"Hintayin mo lang ako dito Bessy naka handa na yung ticket naten sasakay na lang tayo witwiw" sabi nya at itinataas baba nya ang kilay nya at naka ngiti.
Inaantok pa ako. Aish kung umuwi na lang kami sana kanina edi may tulog pa ako. Kesa dito ang ingay at puro tilian ang naririnig.
"~"
Nakasakay kami ni Claire sa parang bangka sya na may disenyong dagat.
"C-claire b-baba na a-ako h-hindi ko k-kaya to" nauutal Kong pag pupumilit na bumaba na pero natawa lang sya
Tumingin ako sa baba at bigla akong Napa pikit. Baba na akoooo ayoko na huhu. Ang taas ng babagsakan ko jusko maawa kayo sakin bata pa ako huhu.
Toot toot toot. Biglang bumaliktad ang sinasakyan namin at pa ulit ulit pang bumabaliktad. Jusko ang sakit na ng lalamunan ko sa kaka sigaw dito. Gusto ko ng bumaba huhu. Sa tuwing babaliktad na ipinipikit ko na lang ang mata ko. Nahihilo nako gusto ko ng bumaba huhu.
"Wahhhhhhhhh ayoko naaaaa Claire baba na tayooooo"
"Enjoy Bessy" pangangasar nya sakin
Bumaba na kami. Pagewang gewang ako at ang gulo ng buhok ko. Para akong nakipag rambulan sa mga tao. Jusko nahihilo ako.
"B-bessy o-ok ka lang?" Sabi ni Claire at nag pipigil ng tawa.
Sinamaan ko sya ng tingin at tumawa lang sya. Pumunta kami sa bilihan ng pag kain kung saan merong street foods. Umupo ako at umorder si Claire ng apat na kwek kwek at tubig para sakin. Hilong hilo talaga ako huhu.
"Bessy sorry kahapon wala ako sa tabi mo sa oras na nag hiwalay kayo ni mark" sabi nya at nag pout
"Ok lang Claire gabing gabi na din kasi ako naka uwi atsaka gusto Kong mapag isa at wag ka ng istorbohin dahil dis oras na ng gabi non" sabi ko at ngumiti. "Salamat ngayon dahil kahit papano kahit sandali lang nakalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko" dagdag ko at ngumiti sa kanya.
Pauwi na kami ni Claire mauuna kasi ang bahay namin bago ang bahay nila.
"Pano Claire una na ako. Ingat ka sa pag uwi mo. Maraming salamat sa libre hehe goodnight"
"Dito lang naman yung bahay namin Bessy hahaha welcome goodnight"
Thank god binigyan mo ako ng kaibigan na katulad ni Claire.
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...