"Babyyy wake up!!" Sabi ko habang tinutulaktulak si Lance para magising na.
"Hmmm baby later na inaantok pa ako" Lance.
"Okay" galit kong sabi.
"Hmm ito na tatayo na" sabi nya habang kinukusot ang mata. "Saan ba kasi pupunta?" Iritado nyang tanong.
"Wala" matipid kong sabi para kunyare galit hahaha.
"Asusss baby ko halika na nga dito nagpapa lambing nanaman yung misis ko" sabi nya habang niyayakap ako patalikod.
"Che wag mokong ha--- ahhh! Ano ba--- ahhh! Lance stop ahhh!"
"Oh ano magiinarte ka pa?" Tanong nya habang natawa.
"Hindi na! Maligo kana aalis na tayo" utos ko.
"Saan ba kasi pupunta?"
"Basta maligo kana ang dami mong tanong!" Sigaw ko sakanya.
Habang nagaayos ako ng mga gagamitin namin para sa swimming ay naliligo na si Lance. Pinakeelaman ko na ang drawer nya para kuhaan sya ng mga gagamitin nya dahil saktong 10:00 a.m ay aalis na kami.
"Hija" tawag ni tita Kaye sa akin.
"Yes po tita?"
"Naka handa na ba ang gamit ninyo? Tara na at aalis na tayo"
"Sige po pababa na ho tita"
Kahit na ilang beses na ako sinabihan ni tita Kaye na tawagin ko na syang mama ay hindi ko pa din sinusunod dahil gusto ko kapag kasal na kami ni Lance ay doon ko na lang sila tatawaging mama at papa.
Nagaayos ako ng gamit ng biglang bumukas ang pintuan pero wala namang tao.
"Sinong nandyaan?" Tanong ko pero walang sumagot.
Anak ng tokwa naman oh ang aga aga may nagpaparamdam na kaluluha aish.
May narinig nanaman akong kaluskos mula sa pintuan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumapit ako at tinignan kung ano ang naririnig ko ngunit atakihin ako sa gulat ng biglang...
"Bulaga---!!"
"Ahhhh!!!" Sigaw ko. "Ano ba walangya ka papatayin mo ba ako sa gulat ha?!"
"Sorry na misis ko wag ka ng magalit, naglalambing lang na---"
"Lambing? E kulang na nga lang mahimatay na ako sa gulat sa ginagawa mo!"
"Sorry na misis ko wag ka ng magalit"
"Wag mokong hawakan!" Pagaalis ko ng kamay nya sa bewang ko habang sya naman ay binabalik ang kamay nya sa bewang ko. "Sinabi ng---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pagka harap ko ay agad akong hinalikan ni Lance.
"Anak naka---"
Mabilisan naming napag hiwalay ang mga labi namin ng marinig namin na nagsalita si tita Kaye mula sa pintuan. Patay.
"A-ah oho ma tapos na s-susunod na ho kami" sabi ni Lance.
Hindi na muling nagsalita pa si tita Kaye at bumaba na lamang. Pano ba naman kasi tong si Lance bigla ba naman akong hinalikan! Ayan tuloy nahuli kami ni tita. Aish nakakahiya.
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...