22th chapter

17 11 0
                                    

"Oh hija andyan pala kayo pasok kayo" sabi ng mama ni Lance.

Shit nahihiya ako pagka tapos Kong masigawan silang lahat ang kapal naman ng mukha Kong pumunta dito. Huhu nakakahiya takteng Lance to kung san san ako dinadala!

"G-good afternoon po tita" nauutal Kong sabi.

"Ma nasan si cholo? Andyan ba siya?"

"Nasa taas anak teka tatawagin ko" sabi ni tita. "Cholo bumaba ka dito saglit" sigaw ni tita Kaye.

"Baket mommy?" Sabi nung bata.

T-teka siya yung binigyan ko ng panyo ah? Siya ba yon? O kamukha nya lang? Shit Hindi sya nga! Sya yunh umiiyak sa baba malapit sa cafeteria yung late ako ng 20mins dahil nakita Kong binubully sya.

"May problema ba Sam?" Tanong ni Lance.

"H-ha w-wala wala"

"Hi po ate" sabi nung bata.

"H-hello" nauutal Kong sagot.

"Ano pong pangalan nyo?"

"Samantha" sabi ko. "Ikaw anong pangalan mo?" Dagdag ko.

"Cholo po" sabi nya.

"Tara na kumain na muna tayo bago tayo mag bonding. Marami tayong pag uusapan hija" sabi ni tita Kaye at tumawa.

Nasa kalagitnaan kami ng ki nakain namin. Napalingon lang ako bigla Kay cholo at nakita Kong nakatitig sya sakin. Siguro namumukhaan nya na ako.

Tapos na kaming kumain at nililigpit na ng katulong ang pagkain. Tutulong na sana ako ng magsalita si tita kaye.

"Sila na ang bahala dyan hija tara na sa taas"

Habang na akyat kami ni tita kaye at hawak nya ang kamay ko bigla syang nagsalita.

"Kamusta naman kayo ni Lawrence hija?"

"Okay naman po tita" sabi ko. "Nasan po si tito Wendell?" Dagdag ko.

"Ah pumasok sa trabaho" sabi nya at tumango lang ako.

Pumasok kami sa kwarto. Wow napakalaki naman nito. E halos isang bahay na namin ito e. Sobrang yaman naman nila. Yung sulok don e kwarto ko na. Ganto kalaki ang bahay nila at kwarto ni lance tapos natulog sya sa bahay na parang cr lang ang kwarto ko? Buti na kaya nya yon. Aba mag tiis sya natulog sya sa bahay e!

Umupo kami ni tita Kaye sa napaka laking kama. Ano bang gagawin namin dito? Teka nga, bat ang bilis ko na mairita at mainis? Siguro natural lang to sa buntis. Hinimas himas ko ang Tiyan ko.

"Alam mo na ba hija?"

"A-ang alin po?"

Bumuntong hininga muna si tita bago magsalita.

"Nung nag pa check up kayo nila Lance nung una. Diba sabi sayo Hindi ka buntis? Nagkamali ata ang doctor kaya ang sabi ni lance paki ulitin. Ng umamin sya sayo na may nangyari sa inyo kaya nya ginawa iyon dahil ayaw nyang mawala ka sa kanya. Kaya kinuha nya. Kaya nya ginawa yon. Umamin sya sakin na may nabuntis sya. Sabi ko paano nya naman nalaman na buntis ka. Tinanong ko sya kung nagpa checkup na kayo ang sabi nya Hindi pa. Bumili sya nung parang naka lista na lahat doon ang gagawin kung paano mag timpla ng gatas at kung paano gawin yung ganto ganyan. In short kung paano maging tatay. Inaral nya yon pinag puyatan nya ang lahat ng iyon. Dahil handa na talaga sya. Tinanong ko sya. Sabi ko Hindi ka naman nya kilala pero bat ganyan sya maka asta. Ang sabi nya "Malay ko ba ma basta bigla ko na lang syang minahal. Hindi naman basehan ang tagal o bilis ng nararamdaman diba? Dahil bigla mo na lang ito mararamdaman" pinaglaban ka ng anak ko hija sa tatay nya at sakin. Dun ko napansin na mahal ka nga talaga ng anak ko hija. Kaya sana ingatan mo siya"

Natigilan ako bigla. Wala akong masabi. Na speechless ako. Umiyak na din ako ng tuluyan. Habang nagkukweno si tita ay tumulo ang luha ko. Mahal nga talaga ako ni lance. Pero bakit? Bakit? Ang dami Kong tanong sa sarili ko hanggang ngayon.

"P-pasensya na po tita pero---"

"Naalala mo ba yung inalok ko sa iyo? Payag kana ba?"

Wala na Kong magagawa. Pumayag na lang ang choice ko. Kaya ko to. Kaya papayag ako. Para din to sa parents ko at mga kapatid ko. Tandaan mo Sam para to sa kanila.

"O-opo"

Bumuntong hininga si tita bago magsalita. May inilabas sya na papel parang katunayan iyon na pumayag ako sa alok ni tita. Bakit kailangan pa nito? Ano para kapag umatras ako may laban sila? Papakulong ba nila ako kapag umatras ako?

"Pumirma ka dito hija" sabi nya at iniabot ang papel at ballpen.

"Ma tapos na ba kayo mag usap?"

"Malapit na anak"

Kinuha ko ang iniabot ni tita na papel at ballpen at pumirma doon. Hindi ko alam pero bakit nasasaktan ako? Parang lalabas tuloy na masama akong tao. Aatras ka pa ba Sam? E naka pirma kana. Para naman to sa pamilya ko. Mabuti na yon.

"E-eto ho" sabi ko at ibinalik na ang papel at ballpen.

Nginitian lang ako ni tita kaye at patayo na sana ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.

"Alagaan mo ng mabuti si lance anak" sabi ni tita Kaye at nginitian ko lang sya.

Lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko namang nagtatawanan si Lance at si Cholo. Ang popogi ng ngiti nila. Pinagmamasdan ko lang sila habang nagtatawanan.

"Sorry Lance" bulong ko.

Wala na akong masabi pa kundi sorry na lang. Hindi ko alam pero bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyan. Bigla na lang ding tumulo ang mga luha ko na kanina pa gustong bumagsak.

"Sam? Kanina pa kita kinakausap" biglang sabi ni Lance.

"H-ha?"

"Sabi ko kung kanina ka pa ba dyan?"

"A-ah ano h-hindi ngayon ngayon lang naman. Aalis na ba tayo?" Pagsisinungaling ko.

"Teka mag papa alam ako Kay mama" sabi nya. "Ma alis na ho kami. Cholo alis na kami wag mag pasaway Kay mommy ah!" Dagdag nya.

"Bye po ate Samantha. Ingat po kayo"

"Sige ingat ka din" sabi ko.

Nang maka labas na kami sa mansion ay agad akong tinanong ni lance.

"Anong pinag usapan nyo ni mama?"

"Ha? W-wala naman. Nagka mustahan lang" pagsisinungaling ko.

UnexpectedWhere stories live. Discover now